Chapter 9
Sakay kami ng van, while Salvatore is driving. Poker face lang din ito tulad ng amo namin. Ewan ko ba kung bakit ganito ang mga tao rito, ang weird nila. Parang kami lang yata ni Traze yung matino. Lalo na 'tong katabi ko ngayon na nakatutok lang sa daan.
Si Traze naman ay nasa tabi ni Salvatore. Dinadaldal ni di Salvatore kahit isang tanong isang sagot lang naman yung driver namin.
Parang boss ko na masyadong aloof. Malayo ang space sa pagitan namin ng boss ko, nasa tabi siya ng bintana at sumiksik talaga siya dun dahil mukhang ayaw naman niyang madikit sa akin.
"Bakit? Mabaho ba 'ko?" tanong ko sa sarili ko. Inamoy amoy ko pang pasimple yung damit ko, pero mabango naman. Hindi naman ako umaalis na mabaho eh. Pero itong katabi ko, amoy elitista talaga. Ilang beses ko uulit ulitin. Sobrang bango niya! Hindi ko namamalayang pinagmamasdan ko na naman siya. Sobrang weird kasi niya. Most wanted criminal ba siya para mag maskara?
Medyo napangiti ako sa naisip ko.
Pero bigla akong nagulat ng saglit na sumulyap ito. Nawala bigla yung ngiti ko. Nagkatitigan kami, although, I was just looking at her mask. Nakaramdam ako ng hiya sa pagkahuli niya sa akin. Kaya naman npalingon ako ng di-oras sa daan.
"Sh*t! Huling huli ka, Elora!" Sigaw ko sa utak ko
Tinatahak namin ang daan papasok pa sa mismong economic zone. Dahil may sariling mall daw ang Medisynth at pwedeng mamili ang mga tauhan ng company doon with discount pa. Oh diba?
Ang yaman yaman ng boss ko. Sobrang yaman. Mapapa sana all ka nalang. Sabagay, kapag mayaman dapat low-key eh. Kaya siguro wala siyang mga social media or anything na makikita mukha niya sa internet.
Nakakacurious na talaga.
Bago ako mamatay, dapat makita ko mukha niya...
Napailing iling nalang ako sa naisip ko habang napapangiti. Minsan talaga ang weird ng mga iniisip ko.
Pero who would've thought na may sariling mall pala mismo dito ang boss ko? Ano pa kayang meron dito? Sa sobrang laki ay hindi ko pa nalilibot lahat. Yung main building lang at ang warehouse. Yung field na kung saan kami nagpractice, katapat nun ay may golf course rin. Sobrang sosyal talaga.
Gaano ba siya kayaman? Bakit wala yung pangalan niya sa Forbes? Hmmm?
Masyado malawak ang economic zone na ito at marami rin building na hindi ko pa napupuntahan. Ano kaya talaga ang main business ng boss ko na 'to? Hindi kaya sindikato sila? Or drug lord?
Ano ba yan! Kung anu ano na pumapasok sa isip ko.
Napalingon ako sa boss ko na nakatingin na ngayon sa kasunod na building. At nakita ko na yung mall dahil sa signage. And guess what? Sobrang laki ng mall na nakatayo sa loob, pero wala akong tao na nakikita. What? Bakit walang katao tao?
Nagpark si Salvatore sa mismong harap ng mall. Nakatigagal na nakatingin lang ako sa structure ng mall na ito na hindi naman basta basta lang. It's like a luxury mall based sa design nito. Bumaba si Salvatore at pinagbukas niya kami ng pinto. Hindi nito inalalayan ang boss ko, marahil alam na alam nito na ayaw magpahawak ng boss ko sa kahit kanino.
Ako naman ay inalalayan ni Salvatore pababa, at feel na feel ko pagiging Disney princess ngayon lang. Kahit ngayon lang.
Nang makababa na kaming lahat ay di ko maiwasang mapatingin tingin sa paligid.
BINABASA MO ANG
UNMASKED
Mystery / ThrillerWith only a hundred days left to live, the clock is ticking for Elora... This is the countdown to a life worth living. Date Started: December 26, 2023