Chapter 14
Day 21
It's been 4 days since my last encounter with Hedera. And it's been four days na rin na hindi ko siya nakikita. I know I only have 79 days to live, pero bakit nawawala na sa focus ko yung paghahanap kung sino ba yung papatay sa akin sa mga tao dito sa loob ng MediSynth?
But you know what's intriguing? Yung lalaking naka all black na pumunta nung kinukuha namin yung V6. Napag-alaman namin na hindi siya tauhan ng the Broker, ayon na rin sa record sa CCTV na nireview namin. Pero ang nakapagtataka, ay kung saan nanggaling ang lalaki at kung sino ba siya.
Pero clearly, halata naming malakas ito. Hindi basta basta. Ano kaya yung purpose niya sa pagpunta roon? Yun ang inaalam pa rin ng grupo.
"Ready?" pukaw sa akin ni Felix.
Nasa isang discreet na shooting range sa loob ng MediSynth economic zone kami ni Felix. Hindi ko akalain na may ganitong lugar dito. Medyo nakakabingi ang mga putok ng baril, pero kailangan kong masanay. Tapos na kami sa self-defense training with Traze, at halos lahat ng oras ko ngayon, nasa training na lang.
"Not with you. You've been so bossy, d'ya know that?" seryosong sagot ko, nang binigay na sakin nito ang baril. Sana kasi si Traze nalang yung nagtraining sa akin. Bakit kasi si Felix pa? Speaking of Traze, hindi na nito naalala yung pinag gagagawa niya. Pero ako, naaalala ko pa rin yung nagawa ko kay Hedera. Nakakahiya talaga. Kung magkita man kami, hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
Ngumisi ito ng nakakainis. Yung ngisi na lagi niya ginagawa para takutin ako. Pwes, hindi ako natatakot sakanya. Maybe a little. The way he looks at me sometimes, "I need to, para mas madali ka matuto."
Inayos ko na ang postura ko. May natatandaan pa rin naman ako sa training sa course namin.
"Nah, dapat mas relaxed ka," sabi ni Felix habang inaayos ang postura ko. He harshly adjusts my arms, making sure na tama ang grip ko sa baril. "Hindi ito basta paramihan ng putok, Elora. Precision ang importante." Mayabang na tugon nito.
Tumango ako, trying to absorb everything. Pero deep inside, naiinis ako sa trainer ko. Kinakabahan rin ako sa mga pinapagawa sa akin. Hindi naman kasi ito ang trabaho ko dito—hindi maging sharpshooter or maging human CCTV ng mission namin. Ang trabaho ko ay maging CCTV operator ng company. Pero parang unti-unti na akong nawawala doon.
"Focus on the target," dagdag ni Felix, his voice annoying and firm. "And breathe. Huwag mong biglain."
Kahit naiinis ay sumunod ako, huminga ng malalim, at tinutok ang baril. Ilang segundo akong nakatigil, focusing on the distant target. Sa huli, pinindot ko ang trigger, at bumulusok ang bala sa direksyon ng target. Hindi perfect, pero malapit na.
"Not bad," sabi ni Felix with a slight smirk na kinainis ko na naman. "I thought you are stupid."
Naiinis na bumaling ako dito. May galit talaga siya sa akin eh.
"Pwede bang si Traze nalang mag train sakin? I don't think you're an effective trainer" balik ko dito.
He chuckled habang umiiling iling, "Do you want Boss Hell to kill me dahil hindi ko sinunod yung task ko na turuan ka? Plus, mas magaling akong bumaril compare kay Traze"
Alam kong may point si Felix dahil nakita ko siya kung paano bumaril kanina. Lahat pasok sa target, pero ang utak ko, nandun pa rin sa tunay na dahilan kung bakit ako narito. Hindi ko naman ginusto na maging expert sa shooting or self-defense, or makasama sa mga mission nila. May sarili rin akong mission. Yun ay malaman kung sino ba ang papatay sa akin dito.
BINABASA MO ANG
UNMASKED
Mystery / ThrillerWith only a hundred days left to live, the clock is ticking for Elora... This is the countdown to a life worth living. Date Started: December 26, 2023