Royal # 3

114K 4.1K 902
                                    

Isinugod ko sa ospital si Mariella. Puro dugo ang damit ko. Mukhang malala ang injury niya at nananalangin naman ako na sana ay hindi siya mapahamak. Hindi naman ako ganoon kasama. Pagkatapos ng mga narinig ko sa kanya ay hindi ko naman kayang basta na lang siya iwan. She needs me, somehow she needs me and I know it. I know it in my heart. Alam kong tama rin ang mga sinabi niya sa akin kanina. Manhid ako. Hindi talaga pumasok sa isipan ko na may posibilidad na mahal niya ako.

Mahal ako ni Mariella. Isang dekada pero ngayon ko lang nalaman na mahal niya ako. I shook my head.

Hindi ako mapakali sa mga nangyayari. Anong gagawin ko kay Mariella?

"King David!"

I looked around and I saw my friends running towards me. Si Azul ang nauna, inunahan niya si Ido at si Axel John papunta sa akin at nag makalapit siya ay hinawakan niya ako sa baliat. Punong-puno siya ng pag-aalala.

"Ayos ka lang ba? Anong nangyari sa'yo?" Kunot na kunot ang noo niya. I just smiled

"Hindi ako. Si Mariella."

"Putang ina! Ano na naman ang kagaguhang ginawa mo kay Mariella!" Nagulat kaming lahat nang sumigaw si Leira mula sa likuran. Hindi ko alam na kasama pala siya ng mga kaibigan ko. Irap siya nang irap sa akin. Dinaluhan naman agad siya ni Azul at inakbayan. "Ano nga?! Ginago mo na naman ba siyang gago ka?!"

"Commander, kalma." Usal ni Azul.

"Nasagasaan siya, hindi ako ang may kasalanan noon! Kuya hindi ako! Ano ba iyang asawa mo parang asawang nangangagat." Komento ko pa. Naabot ako ni Leira at binatukan ako. Kinakalma na siya ni Azul ngayon. Naupo naman ako sa waiting lounge. Tinabihan ako ni Axel Joh at ni Ido. Nakatitig lang ako kay Ido. Pinatabi ko si AJ tapos ay nagpagpalit ako ng upuan. Sinuntok ko si Ido. Sa pisngi. Halatang nagulat naman siya.

"That's for fucking, Mariella." I hissed.

"What the fuck, dude!" Reaction naman ni Axel. Ido looked at us.

"Walang nangyari! Naghalikan lang kami tapos sinukahan niya ako. Nakaka-off ng mood iyong sukahan ka kaya inalagaan ko na lang siya. Pero masarap syang humalik. And up until now, I still want to get to her pants."

"What the fuck, dude?" Ulit ni Axel John. Napailing na lang ako. Binalingan ko si Ido at nakipagsukatan ako ng tingin sa kanya.

"Hindi pwedeng galawin si Yella. Akin siya. Naintindihan mo." Inis na wika ko. Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako kay Ido ngayon. Sa isipan ko kasi ay wala siyang karapatang tingnan si Mariella o kahit kausapin pa. Pero pinuntahan niya pa si Yella sa Perth para lang imbitahin sa kasal ni Azul, tapos malalaman ko ngayon na naghalikan na sila? Hindi pwede. Engage na si Mariella.

Natigalgal ako. Engage na si Mariella. She's engage. At sinabi niya kanina na babalik na rin agad siya sa Perth. Siguro ay naroon ang lalaki. Naikuyom ko ang aking mga palad. Hindi pwede ito. Hindi pwede. Basta ang alam ko, hindi pwede ang lahat ng ito.

Bigla ay may naalala ako. Alam kong sinabi na sa akin noon ni Mariella na mahal niya ako I was just too drunk to care.

"Gusto kong sumayaw kasama ka - iyong parang sa thinking out loud. Sweet, slow but very sincere. Pero hindi mo ako mahal kaya hindi natin magagawa yon..."

Was that her subtle way of telling me she was in love with me? Natatandaan kong siabi niya iyon sa akin noong gabi baka kami umalis sa sfae house ni ido. Pagbalik ko sa safe house ay kakaiba na si Mariella sa akin. We had sex the night before I left pero pagbalik ko, wala na siyang pakialam. Was it all because I didn't react that moment?

Gusto kong magwala dahil sa pinag-iisip ko ngayon. Patingin - tingin ako sa emergency room dahil baka lumabas na ang doctor ni Mariella. Hindi talaga ako mapapakali. Gusto ko na maging maayos siya. Gusto ko na maging masaya siya. Sana maayos namin ang kung anong meron kami.

King David: The Royal Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon