I finished up the pack of cigarette that I bought from the convenience store. Nakatayo lang ako sa gilid niyon at tinitingnan ang hotel building na nasa kabilang daan. I can't believe that I spent the last three months of my life living with King David and sleeping at the same bed as him. I can't believe that I was that naïve to believe every lie he told me.
Pretending to be my husband is a thing but telling me that he will never do anything that will hurt me is another plus lying about Arruba is the sickest thing of all. Lalong umigting ang galit nararamdaman ko para sa kanya. That night changed everything. Inaalala ko ngayon ang lahat ng nakalimutan ko. Paano si Scott? Dapat ay kasal na kami ngayon! Ang mommy ko at ang mga kapatid ko... Ang anak ko.. I bit my lower lip. Lahat ay nagulo dahil sa pagsisinungaling niya sa akin!
Muli akong bumalik sa loob ng 7/11 at namili ng anim na sanmig lights. Inis na inis ako. Naupo ako sa isang tabi doon at saka inisa-isa ang boteng iyon. I hate the feeling of being with him. I hate being vulnerable. I hate everything. Habang umiinom ay iyak naman ako nang iyak. Dinalhan pa ako ng tisyu ng isa sa mga boy sa loob ng store at binigyan ako ng tubig. Hindi ko ngayon alam kung paano ko pupulutin isa-isa ang mga bagay na sinira ni King David sa buhay ko. I have to go back to Perth to talk to Scott. I need to win back my happiness but then that could wait because I need to get to my son first. Lalo akong napaiyak nang maalala kong niyakap niya ako at tinawag na Mommy. Naging napakabait ng mag-asawang iyon sa akin.
They kept in touch, ako lang ang umaayaw malaman kung nasaan sila but they know where I am and every three months they send me pictures of my little boy. Parang nakikita ko na rin siyang lumalaki. I cried. I missed my little boy. I wanna be wth him – pati ang pagkakataong iyon ay tinangka niyang kunin sa akin dahil sa kasinungalingang dala niya.
King David lied to me and he will pay for each lie he told me.
Nang maubos ko ang alak ay bumalik ako sa hotel. Natagpuan ko doon si Leira na hindi mapakali at parang maiiyak na. May kausap yata niya sa phone ang asawa niya. It's already two in the morning.
"Oh, hey, you're awake." Komento ko. Nakita kong kunot na kunot ang noo niya. Tinapos niya ang tawag sa salitang Nandito na siya...
"Anong nangyari? Saan ka galing?" She asked me. Hindi na naman ako mapakali kaya inilabas ko ang isang pack ng sigarilyo at nagsimula na naman ako. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata.
"You remember?!" She exclaimed. I grinned.
I remember. I really do. Pakiramdam ko nga ay nagising ako mula sa mahabang pagkakatulog and I love it. I am back for revenge at sisiguruhin ko na mahihirapan si King David tulad ng pagpapahirap niya sa akin. Unang-una, hindi ko sasabihin sa kanya ang tungkol sa bata. I want himt to live and die without knowing the existence of his child. The child he fathered yet he will never hold.
I want him to cry blood. I want him to know how it felt like being the pathetic one.
"Anong gagawin mo?" Leira asked. I looked at her.
"Babalik ako. And don't you dare tell him I gained my memory back because it's not yet time, Leira."
Tumango siya Napaiyak na naman ako. Nilapitan niya ako at niyakap. I never had friends before. May mga kapatid naman kasi ako pero sa ngayon wala sila dito para damayan ako kaya mabuting narito si Leira.. She has a good heart and since the very first time we spoke to each other, ginusto ko na siya. I like her as a friend and I love her now for being with me through this all.
Nang mag-uumaga na ay inihatiid na niya ako kay King David. We found Simoun and David on the living room. David was asleep while Simoun looked as if he was really waiting for Leira. Nakadama pa ako ng inggit nang pumasok kami at agad na niyakap ni Simoun ang asawa niya. The two kissed like I didn't existed. Nang umubo ako ay saka lang sila naghiwalay.
BINABASA MO ANG
King David: The Royal Man Challenge
Genel KurguCasualty. Victim. Master mind. The Boss These are the things King David Sandoval thinks whenever he thinks of the love he has for Arruba Salome. Mula noon hanggang ngayon - ilang taon man ang lumipas - alam niyang si Arruba lang ang mamahalin niya...