Iniwasan ko si King David. Ayoko siyang makita, the mere sight of him makes me angry. Gusto ko siyang kalmutin sa mukha hanggang sa mawala ang lahat ng balat niya. Galit ako. How dare he compare me to Arruba? Wala siyang karapatan. Alam kong hindi ako perpektong ina sa anak ko but I am trying my best to make up for all my mistakes. Isa doon ang pag-aalaga ko nang maayos kay Monmon. I will never ever let anything hurt my little boy.
Tiningnan ko si King Solomon sa tabi ko. Tulog na tulog siya habang ako ay binabagabag ng pangamba. Ilang gabi na akong hindi pinatutulog ni King David at lalo ko siyang kinamumuhian dahil doon. Sleep is my only way out of the pain he brought me pero pati iyon ay kukuhanin niya sa akin. I just want to sleep but he keeps bugging my head. Niyakap ko si King Solomon, medyo napangiwi pa ako nang sipain niya ako sa tagiliran. Napangiti ako. Ilang linggo na kaming tabi matulog pero hindi pa rin ako sanay na naninipa nga pala siya. I closed my eyes and tried sleeping but I failed. Hindi ko talaga kayang matulog. Hinagkan ko si Solomon pagkatapos ay lumabas ako ng silid. Bumaba ako at nagtungo sa kusina. Kumuna ako ng isang bote ng alak – pampatulog lang at inilabas ko rin ang isang kaha ng Marlboro Ice Blast ko. Pumwesto ako sa labas ng front door at naupo sa ikatlong baitang ng hagdanan. I puff and drink while looking at the vast darkness in front of me.
Kailan kaya ako makakausad sa buhay nang hindi na ako lilingon pabalik sa kanya? All I wanted was to move on pero pinahihirap ni KD ang lahat para sa akin. Sa nangyayari ngayon ay lalo kong gustong bumalik sa Perth at doon mamuhay nang tahimik na. Sasabihin ko kay Scott ang lahat, kung matatanggap niya si Monmon ay walang problema, pakakasalan ko siya kung hindi naman niya tanggap si Monmon ay mamumuhay akong kasama ang bata. Hindi ko na hahayaang mawala sa akin ang anak ko. I just want a life with happiness at alam kong hangga't nandito ako sa Pilipinas – na malapit kay KD ay hindi naman ako matatahimik. The man wanted nothing but to ruin my life. I don't want to do anything with him anymore. Tama nang si King Solomon na lang ang remembrance niya sa akin – gusto ko nang lumayo.
Sa pagtingin ko sa kawalan ay para akong pinaglaruan ng imagination ko. May kung anong maliwanag na bagay ang huminto sa tapat ko. I saw a familiar built of a man who has a jacket and a brown overnight bag. Kumunot ang noo ko. Lumingon siya sa akin, napatayo ako nang makilala ko siya.
"Scott..." I mumbled. Halos takbuhin ko ang pagitan naming dalawa tapos ay niyakap ko siya nang napakahigpit. I cried in his arms. Finally, after a long time I felt okay. I cried to him, I apologized for being MIA for a long time. I apologized for forgetting him and for whatever KD did to him. Hinahagkan lang naman niya ako nang paulit-ulit and maybe just to break the ice, he joke about my hair.
"I love your hair, hone." Wika niya. Pinahid niya ang luha ko. "I'm here now, you don't have to worry about anything." Tumango lang ako. Nakayakap ako sa kanya habang papasok kaming dalawa sa bahay. Iniisip ko si Monmon at kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya si Scott at si Scott kay Monmon. Umakyat kaming dalawa sa itaas. I guided him to my room – naroon si Monmon, bakit ko pa patatagalin, kung mahal ako ni Scott, tatanggapin niya ang anak ko dahil parte siya ng buong pagkatao ko.
"Who's that?" Scott asked when he finally see Monmon. I looked at him and cupped his face.
BINABASA MO ANG
King David: The Royal Man Challenge
General FictionCasualty. Victim. Master mind. The Boss These are the things King David Sandoval thinks whenever he thinks of the love he has for Arruba Salome. Mula noon hanggang ngayon - ilang taon man ang lumipas - alam niyang si Arruba lang ang mamahalin niya...