I walked out. Hindi ko kayang makasama ang babaeng iyon sa iisang bubong. Wala man siyang ginawa sa akin. Hindi niya man ako inabuso pero hindi ko kayang makasama siya dahil tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang sakit na naramdaman ko noong mga panahong nagpapakatanga pa ako kay King David. Naaalala ko kung bakit hindi ako ang pinili, kng bakit buong buhay ko, reserbang gulong lang ako.
"Mom, mommy, mommy, hindi naman tayo nagbye ay Dad." Hinatak ni Monmon ang kamay ko. Tiningnan ko siya. Kahit paano ay gumagaan ang loob ko kapag nakikita ko siya. Siya lang ang tanging magandang bagay na naging resulta ng pakikipag-ugnayan ko sa unggoy na si King David Sandoval pero ngayon kailangan ko na ring idistansiya si Monmon sa kanya dahil ayokong mahawakan ni Arruba ang anak ko and knowing David, alam kong mahahawakan ni Arruba ang anak ko.
Lumabas na kami ng front gate para mag-abang ng taxi nang biglang nag-park sa harapan ko ang purple na kotse. My mouth parted. Alam kong kay King David ang sasakyan pero hindi ko pinaaasa ang sarili ko na siya nga ang nasa loob dahil bakit naman siya aalis? Kasama na niya si Arruba. Pero nang bumaba ang bintana ay ganoon na lang ang gulat ko.
King David was inside of the car. "Sakay, Yella." Utos niya.
"Yey! Si Dad! Dad! Dad! Sa'yo ulit ako mag-sleep!" Hindi ako makagalaw kahit na nakasakay na si Monmon sa loob. Nakatayo lang ako sa labas ng kotse na parang robot na naestatwa. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Matutuwa ba ako? He opened the car door for me.
"Sakay, Yella." Muling utos niya. Noon lang ako gumalaw. Si Monmon ay nasa likod at nagsasalita pa rin.
"Ang hirap naman kasi noon, Dad, bakit ba hindi kayo pwede ni Mommy sa house namin? Gusto ko three tayo sa bed." I was looking at King David through the mirror. Kalmado naman ang hitsura niya. Ako ang hindi mapakali. Lumingon ako sa kanya.
"Bakit? Nandoon siya, bakit mo ako sinamahan?" Tanong ko sa kanya. Noon lang tumingin si David sa akin. Sakto naman na traffic. He sighed.
"Hindi na ganoon, Yella. Mas mahalaga si Monmon kaysa sa lahat ng bagay." Wika niya. Suddenly, I felt the pang of pain in my chest. Ganoon lang kadali? Sa tinagal nang pinagsamahan namin, ganoon lang kadali na bibitwan niya si Arruba para lang sa anak namin? Hindi naman masama iyon pero bakit nakaya niyang bitiwan ang lahat nang ganoon lang? Bakit noon, hindi naman niya mabitiwan si Arruba? Bakit noon kalaban ko si Arruba? Ibig bang sabihin kung sinabi ko noon ang tungkol sa nauna naming anak, bibitiwan niya din si Arruba?
Bakit hindi niya nagawa iyon noong kaming dalawa pa lang tapos sasabihin niya na binalak niya akong pakasalan? I shook my head. I figured na pakitang tao lang ang ginagawa niya, Ngayon lang ito, hindi magtatagal, puri si Arruba pa rin ang maririnig ko.
Inihatid niya kami sa bahay. Naroon pa rin naman si Scott pero nag-usap na kaming dalawa. Hindi niya dadalhin si Monmon sa ibang bansa at mamumuhay siya na kasama kaming dalawa ng anak ko. Susubukan niyang kilalanin si King Solomon – tama na sa akin iyon.
"Bye, Dad!" Sabi ni Monmon. "Halata naman sa anak namin na mahal na mahal niya ang daddy niya at masaya akong malaman iyon pero babawasan ko n ang pagkikita nila dahil baka pati ang anak ko ay makuha ni Arruba.
"Mommy, diba hindi mo ako ibibigay kay bad na Ron Weasley?" Tanong niya nang inihiga ko na siya sa kama. Ngumiti lang ako.
"Hindi. Si Monmon at si Mommy dapat palaging magkasama." Hinagkan ko ang kamay niya.
"Pwede po bang si Monmon, si Daddy at si Mommy?" Hindi ako agad nakakibo. Hindi na naman ako makahanap ng sasabihin sa anak ko. Paano ko ba ipapaliwanag na hindi naman kasi ako mahal ng tatay niya noon kaya nagkaganito ang sitwasyon namin? Paano ko sasabihin ngayon na nagising na ako sa katotohanan at ayoko nang magpakatanga sa amain niy at gusto ko nang maging masaya. Napalabi ako. Paano ba naging ganito kakumplikado ang buhay ko? Noon ay gusto ko lang maging masaya, hanggang sa umibig ako sa maling tao.
BINABASA MO ANG
King David: The Royal Man Challenge
General FictionCasualty. Victim. Master mind. The Boss These are the things King David Sandoval thinks whenever he thinks of the love he has for Arruba Salome. Mula noon hanggang ngayon - ilang taon man ang lumipas - alam niyang si Arruba lang ang mamahalin niya...