"Putang inang kabayo! Totoy! Ano bang ginagawa mo diyan?!"
Umiiyak ako habang nakaupo sa dulo ng kama ni Axel. Katabi niya si Bernice na nakaligkis sa kapatid ko. Hindi ko na kasi kaya na itago ang nararamdaman ko. Kagabi ko lang naisip, kagabi lang sumagi sa akin na mahal ko pala si Mariella Jimena. Mahal ko siya - hindi ko alam kung gaano na katagal pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya at habang inuulit ko sa isipan ko na mahal ko si Yella ay lalo lang akong nasasaktan.
"K-kuya!" Utungal ko. Nagising si Bernice at binuksan ang lampshade.
"Fuck, akala ko may elepante. Axel, anong nangyari sa kanya?" Pupungas-pungas si Bernice habang nakatingin sa akin.
Tumayo si Axel. Lumaylay ang bur niyang lupaypay na naman. Nawala ang mga luha ko tapos ay binato ko siya ng unan. Inis na inis ako. Si Bernice naman ay tawa nang tawa sa aming dalawa. Nag-suot ng boxers si Axel at inakbayan ako palabas ng silid ni Bernice. Nakita kong madilim na ang kabahayan. Pumunta kaming dalawa sa kusina at binigyan niya ako ng isang baso ng gatas.
"Ano na naman ba't nag-aatungal ka diyan?" Tanong niya sa akin. Inubos ko ang gatas.
"Wala bang mas hard?" Tiningnan ko siya.
"Bato, hard iyon, gusto mo pukpok ko sa'yo?" Inis na sabi niya. "KD naman, trenta ka na bakit ba hindi ka pa umayos? Kung umiyak ka para kang si Totoy na naghahanap ng kasama para makapagpatuli na!" Reklamo niya sa akin. Kinuha ko ang karton ng gatas na hawak niya at tinungga iyon. Bawal ang alak sa bahay ni Axel John dahil minsang nakakita si Bernard ng alak ay ininom niya iyon at nalasing siya. Kinabukasan ay iyak nang iyak si Bernard dahil sa sakit ng ulo at suka ito nang suka.
"Mahal ko si Mariella." Buong tapang na sabi ko. Napangiwi na naman ako sa masakit na parteng iyon. Nasasaktan ako dahil sa tagal nang panahon, ngayon ko lang nalaman, ngayon lang ako nanghinayang nang ganito sa isang bagay.
"Lord! Thank you, Lord! At nagising na rin sa katotohanan ang kapatid ko! Magpapamisa ako sa Linggo! Magsisimba tayo! Lord! Salamat po! Magdo-donate ako ng daang libo sa simbahan! Lord!" Binato ko ng saging si Axel John. Seryoso naman ang pinag-uusapan namin pero nagbibiro pa rin siya. Kaya minsan gusto ko nang ibang kausap para hindi sila palaging nang-aasar.
"Anong gagawin ko, Kuya?" Tanong ko sa kanya.
"Puntahan mo, i-beast mode mo! Siguruhin mo lang na wala si Mamon doon baka gayahin ka ng pamangkin ko!" Inis na inis ako kay Axel. Wala naman siyang sinasabing maganda sa akin. Umalis na lang ako at umuwi sa bahay ko. Dumiretso ako sa kwarto ko at kinuha ang laptop ko. Tiningnan ko kung gising pa si Monmon, gusto ko siyang makausap. Hindi ako makapaniwala na isang bata lang ang magpapakalma sa akin. Sa dami ng alak sa winery ko, si Monmon lang ang makakapagpakalma sa akin. Walang kulay ang icon niya sa skype ko. Siguro ay tulog na ang anak ko. Kinuha ko na lang ang phone ko at binuksan ang IG ko. Doon una kong nakita ang IG ni Yella.
Muntik ko nang maibato ang phone ko nang makita ang quote sa isang post niya. She was wearing a veil while looking at the mirror.
For all the things we went through it brought us where we are today...
My mouth parted. Naramdaman ko ang pag-iinit ng mga mata ko.
Anong ibig sabihin nang post na iyon ni Mariella? Ikinasal na ba siya? Hindi ako makakapayag nang ganito. I have all the money in the world and I cant let it happen!
Napatayo ako at saka kinuha ang phone ko. Tinawagan ko ang contact namin ni Azul sa airport at sinabi na ihanda ang private jet ko, pupunta ako ng Perth nang magkaalaman na. Kailangan kong malaman kung naghihintay ako sa wala o kung anong totoong score naming tatlo nila Yella. Hindi ako papayag na mapalitan ako sa buhay ni Monmon -- lalo naman ni Yella. Kaya ko nang sabihin sa kanya na mahal ko siya dahil iyon naman ang totoo. Mahal ko siya, hindi magbabago iyon.
BINABASA MO ANG
King David: The Royal Man Challenge
General FictionCasualty. Victim. Master mind. The Boss These are the things King David Sandoval thinks whenever he thinks of the love he has for Arruba Salome. Mula noon hanggang ngayon - ilang taon man ang lumipas - alam niyang si Arruba lang ang mamahalin niya...