Prologo: Sino?

183K 4.5K 533
                                    

"David, hindi ganyan. Hindi lahat nadadaan sa init ng ulo, ngumiti ka. Huminga ka nang malalim at isipin mo ang lahat ng magagandang bagay sa buhay. Alam mo, ikaw ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Mahal na mahal kita."

Wala na akong Mama. Namatay siya sa isang ambush halos tatlong taon na ang nakakaraan. Hindi ko nga masyadong maalala ang pagkawala niya, basta, dumating si Papa sa bahay. Mugto ang mga mata. Naglalaro ako noon ng game boy - nananalo na ako sa world III ni Mario nang umupo siya sa tabi ko at bigla na lang niya akong yakapin. Hindi ko maintidihan. Trese anyos ako noon, wala akong muwang sa mundo, ang alam ko lang masarap ang buhay, mayaman kami, kaya kong bilhin ang lahat ng gusto ko, lalong sumaya iyon nang dumating sa buhay namin ni Mama si Axel John, para akong nagkaroon ng kapatid at nakita kong napakasaya ni Mama.

Ang sumunod na nangyari ay dinala ako ni Papa sa ospital kung nasaan si Mama ko. Hindi ko pa rin maintindihan ang nagaganap. Kasunod kong naglalakad si Axel John. Dama ko ang lungkot niya. Kinse anyos na si Axel John noon at sa tingin ko mas alam niya ang nangyayari kaysa sa akin.

"Pumasok ka sa loob, David. Hinahanap ka ng Mama mo." Mahinang wika ni Papa sa akin. Tumingin ako sa kanya tapos ay binalingan ko si Axel John.

"Sama ka, AJ." Hinatak ko siya. Ang alam ko, ayokong mag-isa. Komportable ako kapag kasama si Axel John. Anak na rin naman ang turing sa kanya ng mga magulang ko.

Pumasok kami sa loob. Doon nakita ko si Mama na nakahiga sa kama at natutulog. Kakaiba ang hitsura ni Mama sa ngayon. Maputla siya at hindi gumagalaw. Ngunit kahit ganoon ay nababakas parin ang kagandahan niya.

"Ma." Tawag ko. Sumampa pa ako sa kama niya at hinaplos ang kanyang braso. "Mama" Niyuyugyog ko iyon para maramdaman niya ako.

"David..." Mahinang tawag niya sa akin. "Nandito ka na..." Bahagya siyang ngumiti. "Anak, sorry..."

"Para saan? Ano bang nangyari? Sabi ni Pa, hinahanap mo ako. Anong sakit mo? Saka kailan ba ako papatuli?" Tanong ko. Palagi kasi siyang nangangako na sasamahan niya akong magpatuli, ang sabi ni Axel sa akin kailangan ko na daw gawin iyon sa lalong madaling panahon dahil baka daw kumunat na ng husto ang balat ko doon.

Mama smiled. Inabot niya ang kamay ni Axel John. Nagmamasid lang ako sa kanila.

"Ikaw ang mag-aalaga sa kanya, Axel. 'Wag na 'wag mong iiwan si David. He needs you. You're his brother now. Take care of him." Wika niya. "Take care of him..."

Kumunot ang noo ko nang bigla na lang bumitaw si Mama sa braso ni Axel. Axel John cried. Napatingin ako. Naalarma. Bigla na lang akong nilukuban ng kalungkutan.

"Ma... Ma...Ma!"

Tinatawag ko siya pero hindi na siya sumasagot sa akin. Wala na si Mama. Tumingin ako kay Axel John na umiiyak din. Nilapitan ko siya at niyakap. Umiiyak na rin ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng masamang tao sa mundo ay si Mama pa ang kukunin sa akin.

"'Wag kang umiyak, King David." Wika niya. "Aalagaan kita tulad ng pag-aalaga ng Mama mo sa akin at sa'yo."

"Sino nang kasama kong magpatuli?"

King David: The Royal Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon