Royal # 22

114K 4.3K 658
                                    

Mga bubog ni Yella.

Birthday ko ngayon, I am twenty and I am looking forward on spending it with King David. He said he'll come, he said he'll meet me at my favorite Japanese restaurant but as I wanted for him on our special spot, he called me just to say that he cancelled because Arruba needed him. Huminga na lang ako nang malalim at um-order na lang. Kain ako nang kain. Pero hindi naman ako masaya. Gusto ko kasi na kasama siya.

Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko. Sinabi naman sa akin ni King David kung ano kami pero hindi ko matanggap. Nasasaktan kasi ako. Tuwing naiisip ko na kami ang magkasama pero si Arruba naman ang tinatawag niya sa kama - not once did he call my name while we have sex - noon ang tawag ko doon ay making love pero ngayon we're just having sex because it lacks of love. Ako lang ang nagmamahal.

"Hi, miss..." Napatingin ako sa kung sinoman ang nagsalita sa tabi ko. Naka-uniform siya na pang-waiter tapos ay nakatitig siya sa akin. Sumimangot ako sa kanya. May name plate ang pangalan niya na Theodore. I smirked. Naupo siya sa harapan ko.

"Magsasara na kami, hindi ka pa ba tapos diyan? Ako nga pala si Teddy. Theodore Calimbao." Wika niya sa akin. Ngumisi ako.

"As in Senator Teodoro Calimbao?" Tanong ko pa. Ngumiti siya tapos ay nahihiyang tumango. Hindi ko alam kung paano pero mula nang gabing iyon ay parang bagyong dumating si Teddy sa buhay ko. We started dating - nilagawan niya ako - on the side ay naroon pa rin si David. He's busy with Arruba while he fucks me. Hindi ko siya maintindihan, si Arruba naman ang priority niya, bakit niya pa ako pinapaasa?

Madalas akong umiyak noon kay Teddy, hindi ko man sinasabi sa kanya ang nararamdaman ko, pero alam niya na puso ang problema ko. Luckily, naroon siya para saluhin ako. Wala naman kasi si KD para saluhin ako. Palagi na lang niya akong nilalaglag.

Sabi ko, susubukan kong umibig sa iba. Bubuksan ko ang puso ko - hanggang sa sinagot ko si Teddy, iniwasan ko si KD. Tiniis kong hinddi siya kausapin o puntahan. Naging mabuting girlfriend ako kay Teddy. Minahal niya ako, sapat na ang maging mabuti ako para sa kanya.

Ibinigay ko ang lahat sa kanya - maliban sa puso ko. Na kay KD pa rin kasi. We had sex. I made sure he was satisfied. Noong minsan pa ay nakita ko si KD sa mall na kasama ang mga kaibigan niya, I knew that he totally saw me, pero I decided not to care - wala naman siyang pakialam kaya wala din akong pakialam.

Mabuti na rin na alam niya na hindi lang siya ang lalaki sa buhay ko. Mas maganda iyon, mas alam niya na hindi ako nakiipaghabulan sa kanya...

But then, one night, KD called me. He was crying. Natakot ako. Sinabi niya na hindi na daw niya kaya, that he was holding a gun and that he was very drunk. Agad ko siyang pinuntahan sa bahay niya. Nakita ko siya sa silid niya na iyak nang iyak at hinang-hina. Agad ko siyang niyakap. Ang dahilan ng pag-iyak niya ay si Arruba at si Azul. Sinabi niya na nagkabalikan na ang dalawa. Napakasakit niyon para sa kanya.

Sinamahan ko siya. May nangyari sa amin. Nabuntis ako. Noong araw na sasabihin ko, umalis siya dahil kailangan na naman daw sya ni Arruba. Hinayaan ko siya. Naghintay ako. Hindi ako nagpapa-check up dahil gusto ko na kasama ko siya. Sinabi naman niya na tatawagan niya ako sa oras na makabalik siya. Kaya lang hindi siya tumawag. Apat na buwan ang matuling lumipas - nakita ko si King David sa skating rink sa MOA kasama ang babaeng iyon. Napakasakit na makita siyang masaya.

Maghapon akong palakad - lakad sa mall. Hindi ko alam ang gagawin ko. Umiyak ako sa cr. Umiyak ako sa escalator, elevator - umiyak ako habang nagsa-shop lify hanggang sa dinala ako ng paa ko sa isang abortion clinic. Nagdesisyon ako. Kung magkakaanak ako ayokong danasin niya ang sakit na nararamdaman ko.

King David: The Royal Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon