"S-sino si-si Ar-ruba?"
I was appalled to hear her name from Yella's lips. Nakakatanda na ba siya? I looked at her eyes. Wala pa rin ang apoy na madalas kong makita sa mga mata niya noon kapag nababanggit ko ang pangalan ni Arruba. Ngayon ko naiintindihan ang galit sa mga mata niya tuwing sinasabi ko noon ang pangalan ni Arruba. Nagseselos ssiya dahil mahal niya ako. Matagal ko syang tinitigan at nag-isip kung anong dapat kong sabihin sa kanya. Hindi niya pwedeng malaman kung sino si Arruba. Hindi pa panahon. Umiling ako.
"She's... well, one of the girls you used to be jealous about." Wika ko. Kumunot ang noo ni Yella. "And, she's also Judas' sister. You know, my friend Judas." Lalong kumunot ang noo ni Yella. Umiling na lang muli ako at hinawakan ang kamay niya. "'Wag mo nang isipin kasi hindi naman siya importante." Kunwa'y nagkibit balikat ako. "Magsayaw na ulit tayo."
"Ayo-yoko na." Mahinang usal niya. "My guts tell me that I should be really furious to that Arruba." Umiiling – iling pa siya. Napasabunot naman ako sa sarili ko. Kung pwede lang patayin ang instinct ni Yella ay ginawa ko na. Hindi ko naman alam kung paano sasabihin sa kanya na hindi dapat siya maniwala sa instinct niya dahil kahit na gaano pa katotoo iyon ay ayokong paniwalaan niya iyon. Nag-aya nang umuwi si Mariella Jimena. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Tahimik na siya habang pauwi kami. Nang makarating naman kami sa bahay ay nakita kong naroon ang Ducati ni Axel John.
Huminga ako nang malalim at kinapa ang crowning jewels ko sa ibaba. I know whatever I do, babayagan pa rin ako ni Axel John.
Si Axel John ay parang kapatid ko na – no, scratch that. He is my brother. Hindi man kami magkadugo ay magkapatid na kami. Minahal siya ng mga magulang ko na parang tunay na anak at ako naman ay mahal ko siya bilang tunay na kapatid. Siya lang ang kasama ko, siya lang ang madalas na pilit umiintindi sa akin – madalad nag-aaway sila nila Ido dahil sa akin. Axel John will always choose my side, Axel John will always look after me.
Pumask kami sa bahay. Naamoy ko ang mabangong halimuyak ng adobo. Nasa kitchen siya at malamang nagluluto. Alam niyang paborito ko ang adobo. Inaya ko si Mariella sa loob ng kusina. Noong una ay atubuli siyang sumama sa akin pero nagawa ko siyang kumbinsihin.
I was right, Axel John was cooking at hindi lang iyon, kasama niya si Ido. Bumaling sila sa amin. Naningkit ang mga mata ko nang makita kong nagliwanag ang mukha ni Ido nang makita niya si Yella.
"Hi, Miss Figueroa." Napasimangot ako sa narinig ko. Nakita ko naman ang confusion sa mata ni Yella. "Baby, ikaw iyon, ikaw si Miss Figueroa – iyon ang--- "
"Apelyido mo noong bago tayo ikasal." Mabilis na wika ko. Pasimple akong lumapit kay Ido para birahan siya sa tagiliran.
"Aray! Putang ina!" Reklamo niya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Nagulat ako ng hampasin ako ni Axel John ng kawali sa ulo. Pakiramdam ko nakakita ako ng stars.
"Oh!" I heard Mariella. Napatingin kaming tatlo sa kanya. Hindi nagtagal ay napalitan ng amusement ang pagkabigla niya tapos ay tumawa siya nang malakas. Natigilan naman ako. I have never seen her laugh like that. Napansin ko na kapag tumatawa siya ay lumiliit ang mga mata niya, may dimple siya sa may pisngi tapos ay nag-snort pa siya ng kaunti.
Her laugh sounds like heaven...
And I wonder why I had only heard that now...
"Yella, why don't you go upstairs and rest, tatawagin ka na lang namin---"
"Ako ang tatawag!' Prinsinta ni Ido.
"Tanga!" Inis na wika ko. "Ako ang tatawag sa kanya!"
"Alright... alright..." Mariella said. She smiled again. "I get the point." Masaya siyang tumalikod at umakyat sa taas. Inis namang hinarap ko ang dalawa kong magaling na kaibigan pero nagulat na naman ako nang hampasin na naman ako ni Axel John ng kawali sa mukha. Si Ido naman ay tawa nang tawa.
BINABASA MO ANG
King David: The Royal Man Challenge
Ficción GeneralCasualty. Victim. Master mind. The Boss These are the things King David Sandoval thinks whenever he thinks of the love he has for Arruba Salome. Mula noon hanggang ngayon - ilang taon man ang lumipas - alam niyang si Arruba lang ang mamahalin niya...