STELL'S POV:
Hindi padin ako makapaniwalang pumayag si Pablo sa request ko. Sa totoo lang nag pa bebe pa talaga ako, medyo kinabahan nga ako mamaya hindi talaga pumayag kanina. Buti nalang talaga haha.
Siya kasi talaga ang sinabi ko kay dean, pero sempre sabi ko kay dean na huwag sabihin na siya yung gusto ko mag turo sakin, baka maging awkward eh.
5PM kami mag kikita, mas pinili ko na dito nalang sa condo ang meeting place namin. Baka kasi may ibang fans na makakita na mag kasama kami, tapos ma issue pa. Kaya dito ko nalang pinili since mas safe dito, and may personal space kaming dalawa.
Malay naman natin, eto na ang start ng love story naming dalawa. Rated SPG Char!
Ding dong~
Nang marinig ko ang doorbell agad ko din chineck kung sino ang nasa labas, gamit ang screen intercom. Nang makita kong si Pablo ito, napangiti naman ako.
"Hello, Gov. pasok ka." Sabi ko ng pagbuksan ito ng pinto.
"Gov. Anong gusto mo? Juice, softdrinks, coffee, tea..."
"Mr. Ajero Let's Start studying, madami pa tayong rereviewin." Malamig na sabi nito.
Ay suplado talaga, napaka cold person naman nito. Pano nalang uusbong ang pag mamahalan naming dalawa.
Pero sempre wala na akong nagawa, sumunod na ako dito. At naupo sa Sala.
PABLO'S POV:
Pag bukas ng pintuan ni Stell, bumungad agad sakin ang fruity smell ng bahay nito.
Favorite niya talaga ang strawberry.. Napangiti tuloy ako ng patago.
Habang papasok, nag offer siya sakin ng mga inumin. Pero sa sobrang kaba ko sinabihan ko agad ito na simulan na ang pag rereview namin.
Halata tuloy sa muka nito ang pagka dismaya.
Sorry Stell, gusto ko lang na makapasa ka sa exam. Saka pag naiisip ko kasi na tayong dalawa lang magkasama dito baka ibang parte ng katawan ko ang maging alerto.
Saka ayokong maging distracted, gusto kong mag focus tayo sa pag aaral ngayon at sa susunod na araw.
BINABASA MO ANG
SECRET FANBOY a #STELLJUN AU [SB19]
RomancePablo, a brilliant top student, harbors a clandestine passion for the Philippines' biggest boy group. Determined to keep his fan identity hidden, his world is unexpectedly shaken when a series of events threatens to expose his secret devotion. Will...