CHAPTER 23

230 5 0
                                    

Time Skip

PABLO'S POV

Ayoko sanang pumasok ngayon, pero madami pa akong dapat gawin sa school, malapit nadin kasi ang finals namin.

Kaso naman, paano kapag pumasok si Stell? Anong gagawin ko? Pano ko haharapin yung tao matapos ang lahat ng nangyari last homecoming concert nila.

To think na sinabi niya saking gusto niya ako, pero imposible yon. Baka nga talagang pinag tritripan niya lang ako.

Pag ka dating ko sa campus, para akong nasa spy movie sa ginagawa ko. Muka akong tanga, dahil sinisigurado ko kung si Stell ba ang kaharap ko, para kung sakali man, mabilis akong tatakbo para mag tago.

"Buti nalang wala si Stell ngayon." Bulong ko sa sarili ng maka upo ako dito sa garden. Medyo napagod kasi ako sa pinag gagawa ko.

"Kaso nandito ako Gov." Napatalon ako sa kina uupuan ko ng magulat sa pag sulpot ni Stell sa likuran ko.

Hindi ko na pinansin ito, at dali daling tumakbo para makaakyat sa roofdeck.

Kaso It's too late, nakasunod pala ito.

"Pablo, ayaw mo ba talaga ako?" Malungkot na sabi nito.

"Hindi naman sa ganun Stell."

Sino bang aayaw sayo? Ikaw ang pinaka maliwanag na bituin na nakita ko.

"Pero bakit ba lagi ka nalang umiiwas sakin? May nagawa ba ako?"

"Wala okay?"

"Anong wala! Grabe ka naman sakin, matapos akong mag confessed sayo ng feelings ko. Anong ginawa mo? Iniwasan mo lang ako. Tapos ngayon yang mga sagot mo, hindi ko maintihan. Pablo naman, ipaliwanag mo naman sakin." Medyo na luluhang sabi nito.

"Stell please, kung pinag lalaruan mo lang ako dahil nasabi ko sayong hindi ko kilala grupo niyo o nag panggap akong hindi ka kilala, okay fine I'm sorry. Ayoko lang malaman na fanboy ako at ikaw ang bias ko." Pag papaliwanag ko.

"Hindi kita pinag lalaruan, at ano namang problema kung malaman nila, o malaman ko."

"Stell naman, School gov. ako, tapos ikaw idol ka ng madaming tao."

"Tapos?"

"Ibig sabihin, magkaiba tayo."

"Tapos?"

"Ah basta, magkaiba tayo."

"Pero gusto mo din ako?"

"Oo naman.." Sagot ko ng di ko namamalayan.

Napangiti naman si Stell, bigla tuloy nag init ang buong muka ko.

"Ah eh.. ano oo gusto kita, kasi idol kita. Saka diba nga ikaw yung bias ko sa grupo niyo." Nauutal kong palusot.

"Hindi nga yon, gusto mo ako gaya ng pagkagusto ko sayo. Like may feelings ka din sakin. Aminin mo na kasi, nasabi mo na nga kanina eh."

"Stell.."

"Pablo naman eh.." Nanghihinang sabi nito.

"Fine! Oo gusto kita!"

"See, ang simple lang diba, bakit ba ang hilig mong makipag taguan. Lalo na yang feelings mo."

"Kasi nga.." Gusto ko pa sanang mag paliwanag kaso, hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang mag salita si Stell.

"Hay nako, diba matalino ka Pablo? So alam mo na kapag parehas ang nararamdaman ng dalawang tao, valid na mag mahalan sila."

"Hay, grabe ka talaga Stell!" Napabuntong hininga nalang ako.

Hindi talaga siya marunong mag patalo, kahit anong sabihin ko, iikot at iikot lang ang usapan naming to.

"Kaya bias mo ako eh." Natawang sabi nito, hindi ko naman namalayang natawa nadin ako. Masyado kasing nakakahawa ang halakhak nito.

"Teka so tayo na ah." Lumapit pa ito at hinawakan ang mga kamay ko.

"Stell, hindi pa nga kita nililigawan." Sabi ko ng mahinahon habang naka tingin sa mga mata nito.

"Papatagalin pa ba natin to? Eh gustong gusto din naman kita eh. So sinasagot na kita." Nakangising sabi nito.

Grabe talaga tong bias ko, napaka fast!

"Pakiramdam ko tuloy, nanaginip lang ako." Napabuntong hininga kong sabi.

"Tignan nga natin kung panaginip lang ito."

Stell suddenly kissed me, and in that moment, I realized he was truly mine now. The sweetness of the unexpected gesture lingered, turning an ordinary day into a beautiful chapter of our story.

 The sweetness of the unexpected gesture lingered, turning an ordinary day into a beautiful chapter of our story

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SECRET FANBOY a #STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon