CHAPTER 15

177 6 0
                                    

STELL'S POV:

5 days ng sunod sunod ang private tutor class ko kay Pablo. Medyo nagiging close na kami, nakikita ko nadin tong ngumingiti at tumatawa kapag magkasama kaming dalawa. Unlike before na sobrang aloof niya sakin.

Mabilis din akong natututo sa mga lessons na tinuturo niya, dahil magaling talaga siyang mag turo. Magaling yung way niya kung paano i explain, sa totoo lang mas naaintindihan ko pa siya kaysa sa mga profs. namin.

Hindi nardin siya tumatanggi kapag niyayaya ko siyang mag dinner sa condo. Minsan nga ginagabi pa ito, nakokonsenysa tuloy ako, pero sabi niya naman daw okay lang. Kaya okay lang din sakin kasi mas matagal yung time namin together.

Iniisip ko minsan, pano kaya kapag hindi ako leader ng xscape, pano kaya kapag classmate niya lang ako, may pag asa kaya ako sa lalaking to?

"Mr. Ajero focus, last night na natin to sa pag rereview. Since meron kang work bukas ng gabi. Kaya makinig ka sakin." Sabi ni Pablo.

Napa ngiti naman ako, pano ba naman kasi hanggang ngayon Mr. Ajero padin ang tawag niya sakin. Hindi ko alam if old fashion lang ba talaga siya or tito moves pero sobrang cute.

Minsan na iopen up ko tungkol sa grupo namin habang kumakain, hindi manlang nagpakita ng interest. Kainis naman, pano ko kaya mapapaibig to, kung fan lang sana siya odi sana mas madaling akitin kainis.

PABLO'S POV:

"Mr. Ajero ito ang i memorize mo kasi mostly si Sir Yani, pag nag papa exam more on..." Napatigil ako ng mapansing nakatulog na pala sa tabi ko si Stell.

Napa yuko din tuloy ako sa lamesa at pinag masdan ito.

Ang haba ng pilik mata mo, ang tangos ng ilong mo, at ang pula ng labi mo.

Hays~ Stell pano kaya kapag nalaman mong fan na fan mo ako, ano kayang reaksyon mo?

Siguro kung ka grupo mo ako, at sinabi ko sayong gusto kita baka may pag asa pa ako. Kaso ang layo ng agwat natin sa buhay.

Hinayaan ko lang si Stell na matulog, alam ko ding pagod to dahil sa sunod sunod na pag rereview namin, kasabay pa ang singit na work nito at ang pag pasok nito sa school.

Napangiti tuloy ako, sobrang swerte ko!Kasi yung bias ko nasa harapan ko.

Napangiti tuloy ako, sobrang swerte ko!Kasi yung bias ko nasa harapan ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SECRET FANBOY a #STELLJUN AU [SB19]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon