PABLO'S POV:
Halos sunod sunod nadin ang di pag pasok ni Stell, balita ko binibigyan nalang daw ito ng modules, para maka catch up sa lessons. Hindi ko naman alam na dito nalang pala matatapos ang lahat, kung kailan nag simula na kaming maging komportable sa isa't isa. Saka naman mas naging busy ang grupo niya.
"Goodmorning Gov."
"Morning." Wala kong ganang sabi.
"Luh! Back to zero nanaman tayo? Akala ko ba close na tayo?"
Nagulat ako ng ma realized na si Stell pala yung kumakausap sakin. Hindi ko nga alam kung si Stell ba talaga to o imagination ko nalang since masyado na akong nangungulila sa bias ko.
"Hoy Pablo naman eh, nag tatampo kaba kasi gov. nanaman tawag ko sayo? Sorry na."
"St-ell?" Nauutal kong sabi.
"Luh, ako nga bakit may iba ka pabang taong nakikita bukod sakin? Eh tayong dalawa lang naman sa hallway na to. Pablo naman eh, huwag kang nananakot duwag ako." Napakapit pa ito sa bisig ko.
Bigla naman akong nataranta sa ginawa niya.
"Wala, bye muna tinatawag ako sa office." Sabi ko habang nag mamadaling mag lakad papalayo sa kanya.
Sorry Stell, pero bakit naman kasi bigla bigla kang sumusulpot sa harapan ko. Tapos bigla bigla kading kumakapit sakin. Bigyan mo naman sana ako ng warning.
STELL'S POV:
Natawa ako sa reaksyon ni Pablo, grabe ang cute. Sarap asarin. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa taong to.
Pwede bang ibulsa ko nalang to, o kaya gawing keychain para hindi na ako tinatakasan.
Pano pa kaya kapag nalaman niya yung nangyari nung gabing magkasama kami.
Napahawak tuloy ako sa muka ko, naramdaman ko kasi ang biglang pag init nito.
Kainis ka Pablo! Mag hintay ka lang, hindi ka na talaga makaka takas sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
SECRET FANBOY a #STELLJUN AU [SB19]
RomancePablo, a brilliant top student, harbors a clandestine passion for the Philippines' biggest boy group. Determined to keep his fan identity hidden, his world is unexpectedly shaken when a series of events threatens to expose his secret devotion. Will...