Flash back
Habang nakaupo ako at pinagmamasdan si Pablo na busy sa ginagawa nito. Napansin ko namang mag isa ang pinsan nitong si Josh.
Hmmm. Since medyo aloof nanaman sakin si Pablo. Siguro, mas magandang kaibiganin ko muna ang pinsan niya para meron akong connection.
"Hi Josh right?" Bati ko dito, ngumiti naman ito.
"Hi bias ni Pablo, este hi Stell." napatapik pa ito sa bibig bago kumaway sakin.
Napatawa naman ako ng mahina sa narinig ko, grabe din itong pinsan ni Pablo nilalaglag siya.
"So bias pala ako ng pinsan mo?" Tanong ko bago maupo sa tabi nito.
"Uy hala! Huwag mong sabihin nadulas ako sayo. Patay ako kay Pablo niyan."
Hindi ko na napigilang tumawa sa tarantang sagot ni Josh.
"Don't worry, alam ko na."
"Huh? Sinabi na niya sayo?"
"Hindi, pero kasi.." Kinwento ko naman sa kanya kung paano ko na discover ang hidden secret ni Pablo, pero sempre hindi kasama yung alam niyo na.
Tawang tawa naman si Josh, dahil alam niya talagang dumbado ang pinsan nito kapag umiinom.
Simula ng maging close kami ni Josh, siya na ang naging mata ko lalo na kapag busy kaminsa trabaho at hindi ako nakakapasok sa school.
BINABASA MO ANG
SECRET FANBOY a #STELLJUN AU [SB19]
Roman d'amourPablo, a brilliant top student, harbors a clandestine passion for the Philippines' biggest boy group. Determined to keep his fan identity hidden, his world is unexpectedly shaken when a series of events threatens to expose his secret devotion. Will...