KIM'S POV
@NEW YORK
Hello new york nag kita ulit tayo HAHAHAHAHA, hayss okay Kim, ito ang simula ng pagbabago nang ating buhay, kalimutan na natin ang lahat okay??
"Kim, andito na tayo." paalam ni Kuya Clarence sakin kaya naman bumaba na ako sa kotse.
"Hii sweetheart how's your flight?" daddy.
"Hmm, ayos naman po Dad, medyo nahelo lang po hehe." sagot ko kay daddy.
"Dad, Si Mommy nga pala sa susunod na linggo na raw sya uuwi kasi may inasikaso pa sila doon sa pinas." paliwanag naman ni kuya kay daddy habang papasok na kami sa bahay.
"Tamang tama ang dating ninyo, dinner is ready at marami tayong pag uusapan Kim." medyo kinabahan ako sa sinabi ni grandma.
"B-bakit po?" kinakabahang tanong ko.
"I heard so many things about you and that gangster boy na nakilala mo sa school ninyo, at hindi ako natutuwa Kim." grandpa said while looking at me.
"Dad, wag mo-" sasagot sana si daddy pero nag salita ulit si grandpa
"This is your fault Parker, i told you to stop her na mag aral sa pinas pero sinoportahan nyo parin, ano tignan nyo ang nangyari? tignan ninyo ang mukha nyan?! nagkanda puro pasa pasa na dahil lang sa isang lalaki?" hindi ko mapigilang umiyak, bakit sisisihin si daddy? ako naman may kasalanan.
"Lolo, wala namang maykasalan sa nangyari, nagmahal lang ang apo ninyo, at hindi nya inaasahan na mangyayari ang ganito, kilala ko rin Choi napaka bait nya Lo, nagkataon lang na naaksidente sya at hindi nya maalala si Kim." Paliwanag ni Kuya.
"Isa ka pa Clarence, kinokonsente mo yang kapatid mo." Grandma to Kuya Clarence
"hehe, nagsasabi lang po ng totoo Lola." Sabi pa ni kuya at nag peace sign.
"I'm sorry Dad, sinosuportahan ko lang naman ang anak ko at maganda naman grades nya nag kataon lang talaga na nangyari ito." paumanhin at paliwanag ni dad.
"Palalagpasin ko ang mga pang yayaring ito pero sa susunod hindi na, now let's proceed to the engagement party na mangyayari bukas ng gabi." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni grandpa.
"What???!" hindi maka paniwalang anas ni Kuya Clarence.
"Si Kim at Alexander Reyes ay ikakasal sa ayaw at sa gusto nyo, gusto ko si Alexander para sa apo ko bukod sa malaki ang shares nila sa company natin, tingin ko naman ay aalagaan nya ang apo ko at para na rin mas maganda ang takbo ng company natin, malaki ang naitulong nila sa atin at panahon na rin para ibalik ang kabutihan nila sa atin, gusto ni Alexander si Kim, bukas darating si Alexander galing sa pinas." Anong pakialam ko sa company nila? dahil lang dyan ipapakasal nila ako sa taong hindi ko naman gusto.
"Sa ayaw at sa gusto nyo, AYOKO, akyat na ako wala na akong gana kumain."
Wala akong pakialam kung nag mumukha akong bastos sa harapan nila pero ang gumawa ng decision para sa sarili ko? hindi yon pwede na ganon lang, sarili ko 'to ako ang may karapatang mamili sa gusto kong makasama habang buhay, hindi naman sila yong nag mahal, ako.
"You okay??" tanong ni Kuya habang papasok sa kwarto ko.
"No, kaya pala gustong gusto nila akong umuwi dito." sagot ko.
"Kim, kahit ako hindi ko gustong mangyari 'to sayo pero si Lolo nag didisisyon ih alam mo naman diba na kapag si Lolo wala tayong magagawa kundi ang sumunod nalang." hindi ko mapigilang umiyak, nagising ako sa katutuhanang wala talaga akong magagawa.
"Sobrang mahal ko si Choi, gustong gusto ko sya kuya." niyakap nya ako ng mahigpit habang ako ay umiiyak.
"I'm sorry kahit ako si Daddy at si Mommy walang magagawa, pero lagi mong tatandaan mahal na mahal ka namin.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Gangster
Teen Fictioneverythings change when she's inlove with the gangster .