Chapter 18

0 0 0
                                    

KIM'S POV

Maaga akong ginising ni Kuya kasi maaga daw darating si Choi, iwan ko ba pero masayang masaya ako kasi nabigyan ako ng pagkakataon na makasama sya at maalala ang lahat.

"Kim? okay kana? ayos na lahat ng gamit mo?" tanong ni kuya.

"Ah opo Kuya, si Mommy?"

"Naka alis na si Mommy, alam nya din yong tungkol kay choi at pumayag sya, kita mo support si Mommy sa inyo, kaya gawin mo yong best mo para maalala ka nya."

"Yes naman po hehe, ang unfair Kuya imbes na mag effort sya para mapasagot nya ako, ako pa tong nag effort para maalala nya ako."

"Ganyan talaga, sunusubok tayo kung gaano tayo katatag, sinusubok tayo kung gaano natin kamahal yong isang tao"

"Sana lang Kuya mag work tong gagawin ko." Nayakap naman ako ng mahigpit ni Kuya at hindi ko talaga mapigilang umiyak.

"Ah, Ma'am, Sir, andyan na po si Sir, Choi." Paalam ni Ate Aylyn.

"Hi Kim, ready kana?" ani Choi.

"Kanina pa hehe."

"Let's go."

-

Pinag buksan naman ako ni Choi ng pintuan sa kotse nya, hindi parin talaga nawawala yong pagka gentleman nya, para akong bumalik don sa umpisa kung paano kami naging mag kaibigan ni Choi.

"Ah Ako na mag suot ng seatbelt mo." Sabi nya at inabot ang seatbelt saka nya ito inayos para sakin.

"Salamat, ah si Jung Eun Won alam ba nya yong tungkol dito?" tanong ko sa kanya.

"Walang alam at wala akong balak na ipa alam sa kanya, kasi alam ko na kung ano ang mangyayari kapag ginawa ko yon." Sabi nya na parang naka ngiti pa.

"Kung sa bagay selosa pala yon." sabi ko at tumawa naman sya.

"Pero wala sa lugar." bulong ko.

"May binubulong ka?" tanong nya.

"ahh wala haha." sagot ko naman.

Nang maka rating na kami sa bahay nila agad naman akong sinalubong ng halik at yakap sa Mommy ni Choi.

"Hello po Tita." Naka ngiting bati ko sa kanya.

"Nako ka ganda mo talaga." Pag puri nya sakin.

"Hindi lang maganda mabait pa, hindi tulad nong isa fake lang naman, kung maka utos para talagang sya yong amo duhh." sabi pa ni Ate Adila, katulong nila Choi.

"Kim samahan na kita sa magiging kwarto mo." aya ni Choi sakin.

"Sige, excuse me po tita."

"okay iha, gagawa din ako ng meryenda."

-

"Hmm, Choi kilan mo balak ipa-alam kay Jung Eun Won na dito na ako sa inyo titira?" Tanong ko, tinignan naman nya ako ng nakakaloko.

"Anong dito titira? sinabi ko ba?" Sabi nya, tinignan ko naman sya at kinurot.

"Hindi ba't gagawin mo akong yaya syempre dito ako titira tanga kaba?" Pinag papalo ko naman sya sa kanyang balikat.

"Aray! biro lang haha" Sabi nya pa at ginawang sheild ang kanyang braso.

"Nako, wala pang isang oras yan ha, pero ang sweet na." Napatingin naman ako sa pumasok sa kwarto, Mommy pala ni Choi.

"Ayh Tita, ito kasi ang kulit, gagawin nya daw akong yaya tapos hindi daw ako dito titira hmp! gago talaga."Paliwanag ko at tumawa lang si Tita.

"Binibiro ka lang ih, hindi ka naman mabiro." Sabi nya at naupo sa kama.

Inlove With The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon