CHAPTER 14

6 1 1
                                    

KIM'S POV

Sobrang bigat ng pakiramdam ko, bumangon ako sa aking kama at tinignan ang aking sarili sa salamin, namumugto ang mata ko, napatigil ako sa aking ginagawa ng may bumukas sa pintuan ng kuwarto ko.

"Anak? andito sina Shin at Park."

"Paakyatin nyo po dito Ma." Sagot ko habang sinusuklayan ang buhok ko.

"Sige anak, gagawa rin ako ng meryenda para naman may makakain sila." Sabi pa nya.

"Sige po." Sabi ko at umupo sa kama, lumapit naman si Mama sakin at niyakap ako.

"Magiging okay rin ang lahat anak, kaya mo yan andito lang si Mama." Napaiyak ako sa sinabi ni Mama kaya niyakap ko rin ng mahigpit.

"Thank you Ma."

"Sige na ba-baba na ako." Kumalas sya sa pagkakayakap nya sakin at lumabas na sa kuwarto ko.

Maya maya dumating na si Park at Shin, mabilis nila akong niyakap ng mahigpit.

"Alam naming kailangan mo 'to"

"Salamat sa inyo."

"Kim, wag kana masyadong umiyak sige ka mawawala ganda." Sabi pa ni Shin at inakbayan ako.

"Sabi ni Choi cute daw ako pag umiiyak, kaya iiyak nalang ako palagi." Naalala ko tuloy, nasa park kami non kasi nga every sunday dinidate nya ako, nanuod kami ng sad videos non sa phone niya, naiyak ako non, sabi nya 'Ang cute mo talagang umiyak HAHAHAHAHA' diko alam kung joke ba yon o hindi kinikilig ako non.

"Habang iniisip ko na wala na, nabura na ako sa mga alaala nya? grabi parang tinutusok yong puso ko sa sakit." Sabi ko ulit at umiyak ulit, diko mapigilan ih.

"Basta laban lang beshy, dika namin iiwan, mahal na mahal ka namin, wag ka na iyak ha?" nag yakapa ulit kami.

"I'm so lucky to have you both."Nangiti naman sila sa sinabi ko.

"Best friends today, tomorrow and always." Sabay sabay naming sabi at nag group hug.

PAGKATAPOS nila akong icomfort ay umuwi na kaagad sila dahil may gagawin pa pala silang reporting bukas at kailangan na nilang paghandaan yon, atsaka papasok na rin pala si Choi bukas namimiss ko na talaga sya, umaasa talaga akong may kumatok sa pintuan at pagbukas ko ng pinto ay andoon si Choi sasabihing 'Tara sabay na tayo sa school' pero wala.

KINABUKASAN
Nagising ako ng maaga, oo maaga akong nagising kasi wala rin naman akong tulog, nag o-overthink nanaman kasi ako, nangingitim na nga ang eye bags ko.

"Kim hatid na kita sa school." Aya ni Kuya Clarence sakin, wait.

"Kuya?? nakauwi ka na pala?" Tanong ko, gulat ako ih.

"Oo, hindi mo namalayan kasi nagkukulong ka lang sa kuwarto mo, atsaka dumaan ako sa bahay nila Choi kagabi, kinakamusta ko sya, andon pala yong babaeng karelasyon nya dati, sunubukan ka naming ikuwento sa kanya, pero hindi ka talaga nya maalala pero hayaan mo darating din yong araw na babalik na yong mga alaala nya at ikaw ang una nyang maalala." Paliwanag ni Kuya Clarence sa mga nangyayari nong dumaan sya sa bahay nila Choi, pero andon pala si Jung Eun Won? malamang sa malamang sinisiraan nanaman ako non.

"Kuya? paano naman kung hindi na nya talaga ako maalala?" Tanong ko, iwan ko ba negative ako mag isip ngayon.

"Tss wag mo nga sabihin yan." Sabi nya niyakap ako.

"Tara na."

@SCHOOL
Iginala ko aking paningin sa buong campus at hindi ko sya nakita, baka nasa classroom na, kaya nag lakad na ako pupunta sa classroom namin, pag dating ko sa classroom namin ay andoon nga si Choi naka upo na at naka headphones kaya di nya napansin na andito na ako, namimiss ko sya sobra parang gusto ko syag yakapin at sabihing 'Ibalik mo na ako sa alaala mo' diko napigilan habang ako ay naka tingin sa kanya tumulo ang aking mga luha, naalala ko tuloy yong sinundo nya ako sa bahay.

Inlove With The GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon