Chapter 27

156 9 0
                                    

SAM POV

Hindi ko alam kung na saang lugar ako sa mga oras na eto at ang tanging nakikita ko lang ay ang malawak na bukirin at ang sariwang hangin neto.

~Haha sandali lang Sam. Napalingon ako sa boses ng isang batang lalaki.

Isang batang lalaki ang tumatakbo at hinahabol naman ng isa pang bata eto.

~Hahaha habulin mo ko Raven. Ani naman ng batang isa.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang batang isa at nakita ko ang sarili ko.

"A-ako ang batang yan. Utal na sambit ko sa utak ko.

~Sandali lang Sam baka madapa ka. Ani naman ng isang batang lalaki na humahabol saken.

Mas lalo akong kinabahan ng makita kong kamukha ni Zeke ang batang yun.

~Ang saya. Natatawang sambit ng batang ako.

Hindi ko alam pero kusanh tumulo ang luha ko. Nakita ko ang sarili ko na umupo sa damuhan at tumabi naman ang batang si Zeke.

~Nakakapaod ka habulin Sam. Natatawang sambit ng batang si Zeke.

Sinubukan ko silang lapitan pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko at sinubukan kong magsalita pero ganon din at ang tanging ginagawa ko lang ay nanonood sa dalawang batang to.

~May sasabihin ako sayo Raven. Masayang sambit ko dito.

~Ano yun? Takang tanong naman ng batang si Zeke.

May nilabas ang batang eto na isang papel galing sa bulsa niya.

~Basahin mo. Naka ngiting sambit ko daw sa batang si Zeke.

Kinuha ng batang si Zeke ang papel at binasa niya eto.

~B-beta ka? Takang sambit ni Zeke.

Tumango naman ako dito at masayang ngumiti sa kanya.

~Oo at masaya ako dun dahil mabubuhay akong normal. Ani ko naman dito.

Nakita kong nalungkot ang mukha ni Zeke, nanonood lamang ako sa dalawang eto.

~P-pero Sam i-isa akong alpha. Malungkot na sambit ng batang si Zeke.

Hindi ko nakitang nagulat ang batang ako at ngumiti lamang eto at hinimas himas ang likod ng batang si Zeke.

~Alam ko tsaka narinig ko kay lolo na isa ka daw alpha ganon naman siguro pag galing ka sa mayamang pamilya. Naka ngiting saad ko dito.

Hindi ko alam pero tuloy lang sa pag agos ang mga luha ko sa mga oras na yun.

~P-pano tayo tatandang mag kasama nun kung isa kang beta? Ani naman ng batang si Zeke.

~Pwede pa rin naman tayo mag kasama bilang isang mag kaibigan tsaka best friend kita diba? Masayang sambit ko dito.

Nakita kong nalungkot lalo ang mukha ng batang si Zeke at tumayo eto.

~San ka pupunta? Takang tanong ko naman dito.

~Uuwi muna ako baka hinahanap na ako. Walang emosyong sambit ng batang si Zeke.

Tumakbo eto ng mabilis palayo sa batang ako at hindi na ako neto nilingon pa.

~A-anong nangyari don? Takang tanong ko sa sarili ko.

Biglang nag bago ang scenario at napunta ako sa isang lumang kalsada kung saan may magandang sasakyan na itim ang naka parada dito.

~A-aalis na kame Sam. Umiiyak na sambit ng isang bata.

Napatingin ako sa likod at nakita kong naka upo sila sa isang kahoy na upuan at magkatabi ang mga eto.

~Wag ka ng malungkot diba sabi mo babalikan mo ko dito? Naka ngiting sambit ko naman dito.

Yumuko ng bahagya si Zeke at pinunasan ang luhang tumulo dito.

~H-hindi ko alam eh. Malungkot na sambit ni Zeke.

Nakita kong ngumiti ang batang ako at hinawakan ang kamay ng batang si Zeke.

~Hihintayin kita dito. Masayang sambit ng batang ako.

Hindi ko maintindihan bakit sobrang nasasaktan ako sa mga oras na eto at hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko maalala ang mga bagay na eto.

~Wag ka ng umiyak. Natatawang sambit ko dito.

~Kantahan na lang kita ha. Patuloy kong sambit.

Tumango naman ang batang si Zeke at sinandal ang ulo neto sa balikat ko.

~Hugis ng pananabik, ang namumulaklak sa panimula ng isang panahon kung sa'n nais kong umalis.  Panimula kong awit dito.

Pumikit ang mata ng batang si Zeke habang naka sandal ang ulo neto sa balikat ko.

~Ibig kong maibalik lahat ng pangako at munimuni Ng ating pagsama noong malamig ang gabi. Sunod na awit ko dito.

Nanatili lang akong naka tingin sa dalawang eto at hindi ko mapigilan ang luhang patuloy na pumapatak sa mata ko.

~Pa'no naman ako? Lahat ay sinugal para dito. Muling awit ko.

Sobrang sarap panoorin ng dalawang eto habang umaawit ako ay si Zeke naman ay naka sandal ang ulo sa balikat ko habang hawak ang mga kamay ko isabay mo pa ang malamig na hangin na galing sa mga puno't halaman.

~Di ko na kaya ang ika'y antayin. Sa aking paglisan ay paumanhin. Ang dilim sa balete, sana 'yong makita. Na ako'y 'tinadhana sa Bugambilya. Tuloy kong pag kanta dito.

Hindi ko alam pero parang pinipiga ang puso ko sa mga oras na yun habang pinapanood ko ang sarili kong kumakanta at si Zeke naman na nakikinig lang.

~Ako'y dinala sa tabindagat nang halikan ng alon aking mga paa. At muling bumalik sa itinadhanang pag-ibig (pag-ibig)
At sa 'king pagdayo'y ako'y napadpad sa piling ng Mayon kung sa'n nalilimutan
Lahat ng sakit tuwing kabalse ang araw. Pag awit ko.

Minulat ng batang si Zeke ang mata niya at tinignan ang kagandahan ng bukirin habang unti unting lumulubog ang haring araw.

~Pa'no naman ito? Wala nang ipagpapalit para dito. Muling awit ko.

Nilaro laro ng batang si Zeke ang kamay ko at nakita kong ngumiti ang batang ako at sinandal ko din ang ulo ko sa ulo ni Zeke.

~Malaki ang hakbang ng aking pagpasya. Pangako, hindi ka na luluha pa. Ako na ang bahala sa iyong pagkalaya" Yan ang sabi sa akin ng Bugambilya. Muling kanta ko.

Nakita kong pinikit ko ang mata ko at dinadama ang magandang awit na eto.

~Oh-oh, oh-oh-oh-oh. Muling awit ko.

~Mary had a lover then, he went out to sail again. And when he left her dead and gone, she had nothing to hold on. Mary wants to run away, she no longer wants to stay. Girls like her wait in the dark for someone who will save her heart. Pagpapatuloy ko sa pag awit.

Sobrang sarap panoorin ng dalawang eto at parang may kung anong kumikirot sa dibdib ko habang pinagmamasdang ang dalawang batang eto. Nakita kong inangat ko ang ulo ko at inangat din ni Zeke ang ulo niya at humarap saken.

~Hugis ng pananabik ang namumulaklak sa panimula. Ng isang panahon kung sa'n nais kong umalis. Huling awit ko at hinaplos ang mukha ni Zeke.

Nakita kong tumulo ang luha sa mga mata ng batang ako at ngumiti.

~Hihintayin kita Raven Zeke McQueen. Naka ngiting sambit ko dito.

~B-babalik ako, pangako. Naka ngiting sambit naman ng batang si Zeke habang may luhang tumutulo sa mata neto.

Biglang nagbago ako ang scenario at kusang dumilat ang mga mata ko at ang una kong nakita ang puting ilaw at kisame.




PERSONAL ASSISTANT OF FAMOUS ACTORWhere stories live. Discover now