SAM POV
"Mag iingat ka sa trabaho ha. Ani ko dito kay Lewis.
Simula ng araw na umamin siya ay mas lalo kameng naging dikit sa isat isa at hindi ko rin maintindihan pero masaya ako tuwing nandito si Lewis.
"Oo naman, uuwi pa ako dito. Natatawang sambit ni Lewis.
Tumawa ako ng mahina at nakita kong lumapit eto sa kambal.
"Hi babies aalis muna si uncle ha para mag trabaho para may pambili tayo ng diapers and milk niyo. Ani neto sa kambal.
Hinalikan ni Lewis sa noo ang kambal at bigla akong napa ngiti dahil para talaga siyang tatay kung umasta sa dalawa kong anak.
"I have to go Sam baka ma late pa ako at pagalitan ako ng management. Natatawang sambit niya.
Ngumiti ako dito at inayos ko muna ang kwelyo niya at yinakap siya, ramdam kong nagulat eto pero hindi ko na lamang pinansin.
"Thank you Lewis, mag iingat ka. Ani ko dito.
Naramdaman ko ang dalawang braso neto na yumakap din saken.
"You're welcome Sam. Ani neto.
Bumitaw na kame saming mga yakapan at muling nag paalam sa isat isa at nag paalam din muna si Lewis sa kambal bago eto tuluyang umalis.
"Tumawag ka pag may problema ha. Ani neto.
Tumango ako at ngumiti.
"Oo, mag iingat ka. Naka ngiting sambit ko.
Ngumiti lang siya at pina andar niya na ang sasakyan at ilang segundo lang ay naglaho na sa paningin ko ang sinasakyan niya.
"Tayong tatlo na lang ulet ang nandito. Ani ko sa kambal.
Tulog ang dalawa at ako naman ay nag umpisa ng mag linis, medyo ok naman na ang opera ko at unti unti na siyang gumagaling. Napalingon ako sa cellphone ko na naka patong ngayon sa lamesa dahil sa pag tunog neto.
"Ang bilis naman makarating ni Lewis dun. Ani ko.
Tinabi ko muna ang walis at nagulat ako ng biglang bumagsak ang picture frame ni Lewis sa gilid at nabasag eto. Bigla naman akong nilamon ng kaba sa mga oras na yun.
"W-wag naman sana. Bulong ko.
Nilapitan ko muna ang nabasag na picture frame ni Lewis at niligpit eto. Napatingin ako sa cellphone ko dahil namatay ang ringtone neto, nilinis ko muna ang mga salamin na nabasag at tinabi ko muna ang picture ni Lewis sabay lapit sa lamesa kung saan naka patong ang cellphone ko.
"Si Lewis. Sambit ko.
Si Lewis ang tumawag saken at dahil sa iba ang kutob ko sa mga oras na iyon ay tinawagan ko eto pabalik.
"Hello. Babae ang sumagot sa mga oras na yun.
"H-hello po, n-na saan po si Lewis? Utal utal na tanong ko.
"Hello this is Lexi staff ng scene si Lewis po ay na sa dressing room niya at kasalukuyang nag bibihis. Ani neto.
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
"Ganon ba salamat. Ani ko.
"Sabihin ko na lang na tumawag ka mag iistart na rin kasi ang shoot. Ani neto.
"Sige po salamat. Muling sambit ko.
Pinatay ko na ang tawag at lumalit sa kambal.
"Akala ko napano na si uncle niyo mabuti naman at ligtas siya. Ani ko.
YOU ARE READING
PERSONAL ASSISTANT OF FAMOUS ACTOR
RomanceThis is story is about the PA who fell inlove to his BOSS which is one of the famous ACTOR.