02

17 11 0
                                    

Good morning!!!!!!!!!!! December 30 2023!(⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥

"aaaahh! Grabe! Ang sarap ng tulog ko, papasok nanamaaan.!!!" maligaya kong sigaw dahil ako ay excited na para umuwi galing school

hahahahaha!

Agad akong tumayo sa aking kama at inayos ang mga nakalatag dito, ayokong mahirapan si Lola sa pag lilinis ng bahay, para kahit papaanonay mabawasan man lang ang kanyang gagawin.

Agad kong inayos ang mga nakakalat kong gamit sa aking table at isinuksok sa aking bag. Pagkatapos naman nito ay agad naman akong kumuha ng damit na susuotin pamasok at pamalit! Kailangan kong magdala ng extra t-shirt araw araw baka kasi madumihan ung uniform ko medjo maharot panaman ung dalawa.

Pagtapos ng pag aayos ko ay naligo nako.

Habang ako ay naliligo narinig kong kumatok si lola,

"apo.. ella, halina't bumaba kana puro ka pagandang babaita ka, tara na dito!" saad ni lola at ako ay nag madaling bumaba para sabayan si lolang kumain ng almusal

Pagbaba ko sa hagdan ay amoy na amoy ko ang masarap at mala langit na amoy ng mga pagkaing niluto ni lola

Saraaaaapp!!(⁠。⁠♡⁠‿⁠♡⁠。⁠)

"hali na dito, ke kupad kupad mong kumilos bata ka at baka ika'y malate sinasabi ko sayo ella ha..." pag mamadali sakin ni lola

"teka lang po laaaa, gusto nyo na agad ako umalis eh siguro may galit kayo sakin kaya gusto nyokong paalisin agad..." pag mamaktol ko sa harapan nya

"ikaw tigil tigilan mokong bata ka ha lumamon kana jan at baka malate kaaaaaaaa...." saad ni lola at kinurot ako sa singit

"aray ko lolaaa!!, la naman eh hindi na ko bataa" nakangusong saad ko

"sooows, apo bata kaparin hahaha! Mas matanda ako sayo nohhh mas maganda rin" yabang na saad ni lola at kami ay kumain na ng almusal

Makalipas lamang ang ilang minuti ay natapos na kami, ako na sana ang mag pe-prisintang mag hugas ngunit male-late nako kaya pinag madali nako ni lola na halos pati angkas driver tawagan nya paraaihatid agad ako

Wala pang 10 minuto nasa harapan na yung angkas driver na tinawagan ni lola, sa kabilanh baranggay lang kasi yon kaya mabilis

"oh kuya kayo na bahala sa apo ko... Ingatan mo yan ha tatandaan ko mukha mo gusto ko makarating ng ligtas yan sa school aba.. mg ingat kayo iha" habilin ni lola "opo laaa, uminom narin kayo ng gamot ha babyee!"

Habang naka angkas ako sa likod ng driver ng angkas napapaisip ako. Nasan na kaya yung nanay ko... Ang sabi niya kasi babalik siya pero hindi niya sinabi kung kailan.

5 years old palang ako nung umalis sya pero Hanggang ngayon umaasa padin akong babalik sya, pero bawat taon na hindi siya nag papakita bawat taon din lumalago ang pagka galit ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit eh.

"salamat kuya, ito bayad" saad ko at inabot sakanya sabay pasok sa loob ng aming paaralan..

Money is the reason we exist, and everybody know it's a fact kiss, kiss - lana del rey


Nag lalakad Ako ngayon papunta sa classroom namin at habang nakikinig sa mga kanta ni lana del rey, may isang pigura ng tao ang humarang sakin, ito yun, ito ung lalaking yon, simula mata na mapupungay, katawang matipuno, maputing kutis at mala sinulid ang bawat hibla ng buhok na hinahangin papunta sa kaliwa.

At ang kanyang dalawang mata na nanlilisik na nakatingin saakin na para bang may mabigat akong kasalanan sakanya.

Napansin ko nanaman ang sarili ko na nakatitig sa siraulong lalaking to.

"are you inlove with me?, pansin ko kasing kapag nag kikita tayo tinititigan moko. May gusto kaba sakin?" takang tanong nito habang naka smira "fuck no, assuming tabi" saad ko at tinulak sa patabi hinablot naman nito ang buhok ko na ngayon ay sabunot sabunot nya na at ang sakit sa anit.

"Aray, bakla kaba?" galit na asik ko dito binitiwan naman nito ang aking buhok na kanina lamang ay hawak nya dahil ito ay kaniyang hinablot.

Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong late na late nako, agad akong tumakbo at may isang bagay na nalaglag sakin kaya hinayaan ko nalang isa lang naman yun.

Matthew's pov

Paglabas ko ng classroom nakita ko ang isang babaeng may napaka gandang mukha at nakakapang akit na hitsura, nilapitan ko ito at napansin kong ito yung sumapak sakin nung nasa cafe ako

"hoy babae" saad ko at naktitig nanaman ito sa akin gaya ng huli naming pagkikita "hoy babae!" galit na sigaw ko kaya hinablot ko ang head set nito.

"are you inlove with me?, pansin ko kasing kapag nag kikita tayo tinititigan moko. May gusto kaba sakin?" saad ko "fuck, no assuming, tabi!" saad nito at akmang tatakbo na hahablutin ko sana ay ang tali ng bag nya pero buhok nya ang nakuha ko

"aray!! Bakla kaba?" daing nya at tumingin naman sya sa relo nya at umalis, may nalaglag pa tong gamit kaya pinulot ko.

School I.D at wallet nya pala tss tangang babae, tinignan lang ung nalaglag tapos tinakbuhan.

Nilagay ko sa bulsa ko ang wallet at I.D nito dahil may gagawin ako.

end of chapter 02

The Rain in Cainta (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon