Florante at Laura

192K 393 80
                                    


P.S Follow me on Wattpad and my social media accounts (feel free to message me) for WORD copy. 🙂

Florante at Laura: Buod ng Bawat Kabanata

Kabanata 1: Kay Selya

Buod: Si Francisco Baltazar ay sinulat ang kuwentong ito para sa kaalaman ng mambabasa na kung paano niya ipinaglaban ang pag-ibig niya kay Maria Asuncion Rivera (MAR) na tinawag niyang Selya. Ibinahagi ni Francisco ang lahat ng kanilang masasayang nangyari sa buhay nila ni Selya sa Ilog Beata. Nakuha niyang iguhit sa pamamagitan ng sintang pinsel ang larawan ni Selya. Nang matauhan siya sa kanyang pag-iisip, napaiyak siya nang dahil sa labis na kalungkutan. Maraming siyang katanungan subalit si Selya lang ang makakasagot. Tinuran ni Francisco na bagamat sumakabilang buhay na si Selya ay hinahangad pa rin niya na ang tapat nilang pag-iibigan ay dapat tumagal. Si M.A.R. na tinawag na Selya ang kanyang unang pag-ibig.

Talasalitaan:
1. karalitaan - karukhaan; kawalan
2. hilahil - walang-wala; nagigipit;
3. yapakan - apakan; tutungan; hakbangan
4. panimdim - dalamhati
5. taghoy - managhoy; manangis; humalinghing; dumaing dahil sa sakit 6. umid - di-makapagsalita
7. ayop - paglabag; pagkakasala




Florante at Laura w/ SOFT COPY (buod ng bawat kabanata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon