Kabanata 13 Kabataan ni Florante

14.3K 36 3
                                    

Kabanata 13 Kabataan ni Florante

Buod: Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na ginagawa ni Florante ng siya'y bata pa lamang. Nakatira si Florante sa Krotona na isang malayang bata na nagagawa kung ano ang gusto niyang gawin, gaya ng, mamana ng mga ibon o pumatay ng mga hayop. Ang sabi niya kay Aladin kapag may nakita raw siyang hayop na tinitingala niyang malapit sa bundok, bigla raw niyang ibibinit ang pana sa busog sa minsang tudla niya ay pilit na matutuhog at kapag napatay na niya ay mag-uunahang makarampot ang kanyang mga kasama at kapag nakakapatay raw siya ay halos hindi masukat ang kanyang kaligayahan. Natutunan niya sa kanyang ama na hindi nararapat palakihin ang isang bata na laki sa layaw at puro kaligayahan ang natatamasa dahil kapag dumating ang panahon na darating sa kanyang buhay ang kasawian at kalungkutan ay hindi niya ito malulutas dahil siya'y nasanay sa kaligayahan. Sa lagay na ito ipinadala siya ng kanyang ama sa Atenas at ito ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang ina. Sa Atenas ang nagging maestro niya ay si Antenor, lahi ng mga Pitako, ito'y mabait at marunong na isang maestro. 

Florante at Laura w/ SOFT COPY (buod ng bawat kabanata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon