Kabanata 16 Ang mga Habilin ni Antenor kay Florante

12.9K 32 2
                                    


Kabanata 16 Ang mga Habilin ni Antenor kay Florante

Buod: Ang araling ito ay tungkol sa mga habilin ni Anteno kay Florante papunta sa Albanya. Dalawang buwang hindi nakatikim ng ligaya't aliw si Florante sa Atenas simula ng malaman niyang namatay ang kanyang ina. Dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama at ng sabi rito ay pauuwiin na siya sa Albanya at nagpaalam siya sa kanyang maestrong si Antenor. May hinabilin sa kanya si Antenor bago siya umalis. Dapat raw siyang mag-ingat sa handa na patibong ni Adolfo at kung ang isalubong raw kay florante ay masayang mukha , mas lalo raw siyang mag-ingat at wag magpapahalata na alam ang nasa ni Adolfo upang makapaghanda siya sa araw ng digma. Hindi niya napigilan ang umiyak ay niyakap siya nito ng mahigpit at ang huling tagubilin ng kayang maestro sa kanya ay dapat raw niyang tiisin ang mga problemang naghihintay sa kanyang pagdating sa Albanya. Naghiwalay sila ng kaniyang mga kaklase at si Menandro ay labis ang pagdaralita kaya naman ng magyakapann ang dalawang magkaibigan ay hindi na nila binitawan ang isa't isa kaya tinulutan na lamang ni Antenor na sumama si Menandro kay Florante patungo sa Albanya at silay umalis na. Nang makaraling na sila sa Albanya sinalubong siya ng kanyang ama at nagbatian silang dalawa, nadagdagan ang sakit na naramdaman ni Florante dahil sa kalagayan ng kanyang ama.

Florante at Laura w/ SOFT COPY (buod ng bawat kabanata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon