Kabanata 3: Kaliluha'y Hari

52.6K 101 21
                                    

Kabanata 3: Kaliluha'y Hari

Buod: Ang magiting si Florante ay nakagapos pa rin sa kagubatan na ito ngunit walang nakatirang nimfas at harpyas na pwedeng tumulong sa kanya. Kaya naman si Florante ay nagdasal na lamang sa Diyos. Ang hinaing niya ay tungkol sa mga masasamang tao na gustong maghari-harian sa kanyang bayan at ang bandilang iwinawaygayway dito. Galit na galit si Florante pati ang Diyos ay nagawa niyang sisihin kung bakit nangyayari ang mga kamalasan na ito sa Albanya. Alam ni Florante na gusto makuha ni Konde Adolfo ang korona ni Haring Linseo at gawing sabungan ang Albanya. Hinihiling niya na sana tanggalin ang masasamang loob na nakatira sa Albanya at bumalik sa magandang ayos ang kanyang bayan.

Talasalitaan: 1. uyamin - kutyain 2. tinangis- sigaw; umiyak; tawag 3. lugami - manghina; pagod 4. lilo - samsamin; taksil 5. dusta - pag - alipusta; insultuhin 6. pita - kahilingan 7. niri - isang bagay na malapit sa iyo; ngayon palang nangyayari ang isang bagay 8. tarok - pagkakaunawa; pagkakaintindi

Florante at Laura w/ SOFT COPY (buod ng bawat kabanata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon