Kabanata 6: Pagdating ni Aladin sa Gubat
Buod: Si Aladin ay nagkataong dumating sa kagubatan, siya ay isang gererong nagmula sa siyudad ng Persya mula siya sa mga lahi ng Moro. Si Aladin ay naghahanap ng punong pwede mapagpahingahan. Umupo siya sa puno at siya ay umiiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa kanan. Si Aladin ay tumigil sa pagiyak at inalala ang nararamdaman para kay Flerida, ang babaeng pinakamamahal ni niya. Ngunit si Flerida ay inagaw na ng kanyang sariling ama. Lahat gagawin ni Aladin para bumalik lang sa kanya ang kanyang pinakamamahal na babae na si Flerida. Hindi niya gagalangin ang umagaw sa kanyang minamahal at ihahalintulad pa niya ang kanyang sarili kay Marte, ang diyos ng digmaanTalasalitaan: 1. daop - yakapin
2. yakagin - mag-anyaya; tawagin ang pansin; pumarito
3. nasok - tumuloy; pumasok
4. yurakan - humakbang; lumakad
5. linsil - ligaw
6. tatap - unawain
![](https://img.wattpad.com/cover/43049178-288-k256898.jpg)
BINABASA MO ANG
Florante at Laura w/ SOFT COPY (buod ng bawat kabanata)
ClassicsIsang obra maestrang isinulat ni Francisco Baltazar. #1 in Classics 🏆