Kabanata 5: Halina' t Laura ko

44.1K 89 3
                                    

Kabanata 5: Halina't Laura Ko

Buod: Si Florante ay galit na galit pa rin kay Laura. Pero pagmamahal pa rin ang namayani sa puso ni Florante. Hindi niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalay nito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng "giliw" dahil si Florante ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura. Si Florante ay laging inuutasan ng ama ni Laura. Pag aalis si Florante si Laura ay malulungkot at iiyak; itatahi niya ang sirang plumahe nito at ayaw na ayaw niya masugatan si Florante sa pakikipaglaban. Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya'y nakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay Florante ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos at sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.

Talasalitaan:
1. baluti - ginagamit sa pakikipaglaban; pang proteksyon sa kalaban.
2. gurlis - bugbog; pasa; galos; gasgas 3. tugot - paghinto; pagtigil
4. dini - dito
5. upandin - nasa ayos
6. sawata - abala; hadlangan
7. lingap - awa; habag
8. dalita - hirap
9. kalis - espada; sable
10. tunod - palasong maigsi; kislap
11. yukyok - itago
12. supil - disiplina; patnubayan

Florante at Laura w/ SOFT COPY (buod ng bawat kabanata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon