Kabanata 12 Ang Pag-aaruga ni Aladin kay Florante

14.3K 35 1
                                    

Kabanata 12: Ang Pag-aaruga ni Aladin kay Florante

Buod: Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano inalagaan ni Aladin si Florante hanggang sa ito'y gumaling at ikinuwento ni Florante ang kanyang pagkabata. Nang mapansin ni Aladin na gumagabi na sa gubat humanap siya ng lugar upang doon alagaan si Florante at sa unang hinintuan niyang dako ay may nakita siyang isang malapad at makinis na bato at doon niya hiniga si Florante. Kumuha siya ng kanyang kunting baon upang kumain at inalok niya si Florante nito, sa una ito'y umayaw ngunit hindi naglaon ito'y tinanggap rin. Naluwag-luwagan ang kanilang paghihinagpis at nabawasan ang pagkagutom. Nakatulog si Florante sa sinapupunan ni Aladin at hindi natulog si Aladin dahil siya'y natatakot na baka makagat si Florante ng mga masasamang hayop na gumagala sa gubat at kapag nagigising si Florante parang natatakot si Aladin baka may masama ng nangyari rito. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing at munting napayapa sa dalang mga problema hanggang nagumaga ay walang binitawang hinagpis at daing si Florante. Lumakas na muli ang katawan ni Florante at dahil sa tuwa ni Aladin ay napayakap siya kay Florante. Tinanong ni Aladin si Florante tungkol sa buhay niya at sinabi ni Florante na ang buhay niya ay puno ng dusa at sakit! Sinabi niya kay Aladin na sana sa Krotona na lamang siya lumaki at hindi nalang sa Albanya, ang ama raw niyang si Duke Briseo ay ang tanungan ni Haring Linseo sa anumang bagay at ito ang pangalawang puno sa sangkaharian, mabait ang kanyang ama at sa katapangan ay siya ang pang-ulo sa siyudad ng Albanya. Ang sabi ni Florante walang mahahalagang nangyari sa kanyang buhay ng siya'y musmos pa lamang, sabi ng kanyang ina ng siya raw ay natutulog sa bahay nila na malapit sa bundok pumasok ang isang ibong pang-amoy ay abot hanggang tatlong legwas sa patay na hayop, mabuti nalang at dumating ang pinsan ng kanyang ina na si Menalipo at pinana niya ang ibon at ito'y namatay. Nang si Florante ay naglalaro sa salas may isang alko na kinuha ang kupidong diyamante sa dibdib niya at ng tumuntong siya sa siyam na taon, parati siyang naglalaro sa burol dahil parati siyang namamana ng ibon. Sa tuwing umaga bago lumalabas ang masayang sinag ng araw ang kanyang libangan ay sa tabi ng gubat a hanggang sa tingal-in ng ang sinag ng araw na hindi matitigan ay sinasagap niya ang kaligayahang handog ng hindi maramot na parang.

Florante at Laura w/ SOFT COPY (buod ng bawat kabanata)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon