" Mikoy umuwi na tayo " aya ko kay Miko na ngayon ay kasalukuyang nakababad ang kalahating katawan sa malamig na sapa
Kanina pa ako giniginaw dahil sa lamig ng tubig at idagdag mo pa ang lamig ng simoy ng hangin dahil na rin sa iba't ibang klaseng nagtatayugang puno na naka paligid rito. Isa itong malaking sapa at malalim din ito, ang sapang ito ay karugtong ng talon sa ibabaw ng parte ng bundok.
" Oo, uuwi na tayo maya-maya ang sarap pa maligo e " ika niya at lumangoy, hindi man lang alintana ang lamig ng tubig
Nakasimangot naman ako dahil wala pa siyang balak umuwi, inaya niya kasi ako rito para maligo sa sapa dahil daw wala naman siyang ginagawa sa kanila kaya't inaya niya akong maligo
" Giniginaw ka na ba? " Tanong nito pagkatapos umahon sa tubig. Tumango naman ako bilang ganti
Agad niyang kinuha ang tuyo niyang damit at pinantakip sa katawan kong basa ng tubig upang ma ibsan ang lamig. Palagi niya itong ginagawa sa akin sa tuwing naliligo kami ng walang dalang pambihis
Simula grade 1 kami ni, Miko ay mag matalik ko na siyang kaibigan kapag may umaaway sa akin ay pinagtatanggol niya ako, napakabait niya sa akin kaya't parati kaming nagyayaan gumala 'tsaka naghahatian din kaming dalawa ng pagkain hanggang sa ngayong grade 6 na kami ay hindi parin nagbabago ang pakikitungo niya sa akin ganun narin ako dahil mag best friend kami. Minsan Miko ang tawag ko sa kanya, minsan naman Mikoy at ako lang ang tumatawag sa kanya ng ganyan dahil ang totoo niyang pangalan ay Mikolas, 'diba ang bantot?
" Keze ilang buwan nalang ay ga-graduate na tayo ng grade " saad niya habang nasakalagitnaan kami ng paglalakad dalawa pauwi. Medyo may kalayu-an din ang sapang ito sa amin
" E ano naman? " Sarkastikong ani ko agad naman niya akong inirapan " biro lang " dagdag ko
" Ano kasi,... sa Manila na ako magpapatuloy ng pag-aaral " hindi aagad ako nakapagsalita at natigil rin ako sa paglalakad.
" Ahh talaga? " kunwari'y hindi ako nasaktan sa kanyang sinabi pero sa totoo lang ay naninikip ang dibdib ko sa isiniwalat niya " mabuti kung ganoon, Mikoy seguradong marami kang matutunan doon at seguradong makakapagtapos ka ng pag-aaral " nagpatuloy ako sa paglalakad habang hindi siya tinigtignan, sa daan ang titig ko " 'di ba iyon naman ang gusto mo ang makapag aral sa, Manila " dagdag ko pa pinipigilanh hindi mautal
" Gustong gusto ko makapagtapos ng pag-aaral, Kez at gusto kong maging matagumpay na Business man nang sa ganun ay makatulong ako sa pamilya ko " agad nangilid ang luha sa dalawa kong mata dahil bukod sa hanga at proud ako sa kanya ay mamimiss ko siya kahit hindi paman siya nakaalis " hoy umiiyak ka ba? " agad siyang nataranta dahil sa mumunti kong hikbi ng hindi ko rin namalayan. Ang oa ko na ba?
" Mikoy sino ng matatanggol sa akin? Sino nang kahati ko sa pagkain? Wala na akong kasama gumala at higit sa lahat wala na akong matalik na kaibigan dahil aalis ka na " umiiyak kong sabi tila isang batang paslit na nagsusumbong.
Kahit ano pang tago ko sa nararamdaman ko, malalabas ko talaga pag siya na ang kaharap at kausap ko, iba sa lahat ng kaibigan ko si, Nicolai ganito pala ang pakiramdam kapag may maituturing na tunay at matalik na kaibigan, sa kanya mo mailalabas ang lahat ng sakit, saya, at pagdurusa na napagdadaanan mo sa buhay kaya't ang hirap tanggapin na aalis na siya
" Tahan na, Kez hindi naman ako mamatay e, lilisan lang ako ng ilang taon hindi naman kita makakalimutan at babalikan kita kapag na abot ko na ang mga pangarap ko pangako ko 'yan sa'yo " pagpapatahan nito sa akin. Unti-unti naman akong tumahan at hinarap siya kahit gano'y gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya
" Pangako yan ah? " ngumiti siya kaya't nakita ko tuloy ang dimple sa magkabila niyang pesngi. Isa iyan sa mamimiss ko sa kanya
" Ipangako mo rin na hindi ka mag bo-boyfriend at mag-aasawa hanggat sa makabalik ako " ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit
" Pangako, Miko " sobrang mamimiss ko siya panigurado. Sana bumalik siya at hindi ako kalimutan
PAGKA-UWI Ko sa labas ng bahay ay rinig ko na ang bangayan at sigiwan ni mama at papa na tila nag-aaway kaya agad akong pumasok sa loob ng bahay at doon nadatnan kong akmang susuntokin ni papa si mama habang si mama ay bakas sa mukha ang takot habang ang dalawang nakababata kong kapatid ay humagulgol ng iyak sa sulok
" Papa! " Sigaw ko upang pigilan siya sa pag amba ng suntok. Agad akong tumakbo sa pagitan nila upang ipangtanggol si mama " ano po'ng ginagawa niyo? Bakit niyo susuntukin si mama? " Nangilid nanaman agad ang luha ko dahil ayukong nakikita na ganito sila
" Pumunta kayo ng kapatid mo sa silid ngayon din! " mariing sabi ni papa, takot akong tumingin sa kanya. Ito nanaman siya.
Doon nakita ko ang mga mata ni papa na wala nanaman sa kanyang sarili at katinu-an, sobrang nakakatakot ang mga mata niya dahil mapupula at nanlilisik ito
" Papa tama na po " Tanging sambit ko bago ako itulak ni papa sa gilid dahilan para ma tumba ako.
" Eduardo, tama na. Pati anak mo sinasaktan mo anong klase kang ama! " Sigaw ni mama ng makita niyang tinulak ako ni papa. Sinakal ni papa si mama at inuntog-utog ang ulo sa kahoy na pader namin
" Humingi lang ako ng pera andami mo ng satsat. Bakit? Saan mo ginagamit ang perang iyan? Sa lalaki mo? " nang gagala-iting saad ni papa na parang praning habang sakal niya sa dalawa niyang kamay si mama. Habol-habol ni mama ang kanyang hininga habang sinusuntok si papa gayon pama'y sadyang malakas si papa kaya't hindi man lang ito na tinag
" Ba-liw ka.. na b-bita... wan mo akkk...ko Eduardo " nahihirapang sambit ni mama
Tinulak ng ama ko si mama kaya agad itong nasalampak sa sahig. Humagulgol narin ako sa iyak dahil sa hindi ko alam ang gagawin at hindi ko man lang maipag-laban si mama sa mapang-abosong kamay ni papa, agad kong pinuntahan ang walang kamuwang-muwang na dalawang nakababata kong kapatid at niyakap sila dahil ito'y umiiyak.
" H*yop ka talaga, Eduardo! Hay*p ka! mam*tay ka na sana! Mas masahol ka pa sa dem*nyo! " Galit na sigaw ni mama habang habol-habol ang hininga sa iyak at ito'y naka hawak sa leeg niyang sinakal ni papa kanina
" Mama halika na! Umalis na tayo dito! " sabi ko habang yakap-yakap parin ang nakababata kong kapatid. Naaawa ako sa mga kapatid ko dahil sa murang edad ay nasaksihan na nila ang ganitong pangyayari na dapat ay hindi
" Mama! " Sambit ng kapatid kong si Kyzon habang umiiyak
Napanatag ang aking loob ng umalis si papa at nagpadyak habang mabibigat ang bawat padyak ng kanyang paa papuntang kusina. Ngunit nagkamali ako, akala ko'y tuluyan ng kakalma si papa, ngayon ay dala na niya ang kutsilyong matalim habang hindi parin maalis sa mukha ang kakaibang ekspresyon na ngayon ko lang nakita. Ekspresyon na hindi ko na saksihan sa tuwing maging ganito siya.
" Kezella, umalis na kayo dito! " Tarantang saad ni mama ngunit nag alinlangan akong lumabas dahil maiiwan si mama
" Alis! " Sigaw ulit ni mama kaya agad kaming lumabas ng bahay ng kapatid ko at humingi ng tulong " Tulooonggg! Mga kapitbahay tulungan niyo po kami " umiiyak kong sigaw, halos kapusin ako ng aking hininga. Hawak-hawak ko sa magkabilang kamay ang dalawang nakababatang kapatid
Bakit laging ganito? kailan ba kami makakatakas sa ganitong buhay, kailan nga ba kami liligaya iyong walang problema sana. Gusto ko ang payapa, hindi itong masalimo-ot na buhay. Araw-araw ito ang tagpo ng buhay ko tila wala ng katupusan itong bangongot ng aking kwento.
![](https://img.wattpad.com/cover/360834699-288-k638662.jpg)
YOU ARE READING
TAMING THE BEAST BILLIONAIRE
RomanceShe's beautiful almost perfect, yet poor. She is Kezella na naging ulila sa magulang simula noong may kahindik-hindik na nangyari sa kanyang pamilya, mayroon siyang dalawang kapatid na lalaking kambal May umampon sa kanila na mag-asawang matanda na...