Chapter 1

11.7K 95 8
                                    

CHAPTER ONE

MAHINA lang ang ambon. An hour ago, the drizzles started. Pero kahit hindi niya paganahin ang wiper ay hindi naaabala ang banayad niyang pagmamaneho. Twenty miles per hour. Tila siya nasa gitna ng traffic sa Lipa. Except that she wasn't in Lipa City.
Gusto lang niyang makita kung may ipinagbago ang lugar na iyon sa nakalipas na labing-isang taon. Eleven years. Had it been that long?
Tamara sighed. Wala namang dahilan kung bakit nagbalik siya. Ang isang tulad niya na nakatakas na sa lugar na ito ay hindi na dapat nagbabalik pa lalo at wala namang babalikan.
Well, perhaps her reason for coming back was more of curiosity than anything else. Yes. That must be it. At hindi naman siya magtatagal. She would probably spend the night in one of the town's beach resorts. Maliban na lang kung may itinayong hotel sa Trinidad sa nakalipas na labing-isang taon, which she doubted. Dahil mas pangkaraniwan ang cottages sa mga beach resort sa bahaging ito ng Luzon.
She couldn't afford to drive back to Manila for another six hours or so. Mas o menos, matutulog siya sa manibela kapag ginawa niya iyon. Kailangan lang niyang malaman kung ano na ang nangyari matapos silang itaboy sa bayang iyon sa gitna ng maunos na gabi.
Subalit nang natatanaw na niya ang arko na nagsasabing: Welcome to Trinidad, ay nagsimula siyang makaramdam ng tensiyon. Lalo na nang mapuna niya ang mga kabahayan sa gilid ng daan. Mga kabahayang unti-unting dumarami habang papasok siya sa kabayanan.
Ang Trinidad ay isang maunlad na bayan sa katimugan. Anim na oras na walang-hintong biyahe mula sa Maynila. Kung mabagal at normal ang pagpapatakbo, tulad ng mga bus na humihinto pa sa mga istasyon ay inaabot ng walong oras ang biyahe.
Tulad ng ilang maunlad na bayan sa Luzon, bukod sa public high school, may isang pribadong paaralan ang Trinidad, ang St.Vincent College. Isa itong eksklusibong paaralang panlalaki na sa kalaunan ay naging co-ed. Sa paaralang ito nagsisipag-aral ang nakaririwasa sa bayang iyon, at maging ang ilang kabataan mula sa karatig-bayan ay doon din nagsisipag-aral. Gayunman, ang pinakamalaking paaralang co-educational sa bahaging iyon ng katimugan ay nasa San Ignacio, ang pinakamalapit na bayan.
Mayroon ding thrift bank ang Trinidad, may pampublikong ospital na hindi kalakihan, ang Trinidad General Hospital. At isang pribadong ospital—ang Trinidad Medical Center. Mayroon din itong nag-iisang sinehan na lagi nang double program ang palabas. Bagaman sa buong kabataan niya ay wala siyang natatandaang napasok siya sa sinehan na iyon sa Trinidad.
Kung may kaibahan man ito sa ibang bayan, maliban sa mas progresibo ito, ay iyong ang noventa por ciento ng establisimyento sa Trinidad ay pag-aari ng isang pamilya—ang mga DeSalvo.
Kinuha ang pangalan ng bayang iyon hindi sa alinmang patron tulad ng nakagawian o di kaya ay mula sa kung anumang halaman o punong namamayani sa lugar bago iyon naging pamayanan. Ang Trinidad ay hango sa pangalan ng asawa ng maimpluwensiyang taong nanirahan sa bayang iyon may isang daang taon na ang nakalipas, si Don Agapito DeSalvo.
He was of Spanish decent. Ang asawa nitong si Dona Trinidad ay isa ring Español. Iisang lalaki ang naging anak ng mag-asawa, si Favian.
Favian married Catalina who was half Spanish-half Filipina. Noong 1970 ay magkasunod na namatay ang mag-asawa nang salutin ang bayang iyon ng influenza. They were survived by their only son, si Jose Daniel DeSalvo, na nang mga panahong iyon ay may asawa na sa murang edad.
Isang bahay sa Maynila ang inuupahan ni Jose Daniel at ng pamilya nito dahil kasalukuyan pa rin itong nag-aaral. Umuuwi lamang ang mga ito sa Trinidad kung bakasyon sa unibersidad.
Subalit nang mamatay ang mga magulang ay napilitang umuwi sa Trinidad si Jose Daniel, or JD to the townspeople, kasama ang pamilya upang asikasuhin ang negosyong iniwan ng mga magulang.
Gumuhit sa isip ni Tamara ang anyo ni JD DeSalvo eleven years ago. At forty-five JD was tall, dark, and handsome, with salt and pepper hair, and wore a mustache.
He was also very rich.
At si JD mismo ang dahilan kung bakit nagbalik siyang muli sa Trinidad makalipas ang labing-isang taon. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyari dito nang iwan ng buong pamilya niya ang bayang iyon.
Patuloy siya sa mabagal na pagmamaneho. She noticed some changes, which was expected. Ang ilan sa mga building ay mas bago. Ang plaza ay may mga stone benches na at may mga flower bed sa paligid at kasalukuyang namumulaklak ang mga santan at marigold.
At sa malapit sa munisipyo ay may commercial center na rin kung saan natatanaw niya ang karatula ng McDonald's at Jollibee. She almost smiled. Pagkuwa'y wala sa loob na inapakan niya ang preno ng kotse niya nang matanaw ang bagong tayong building malapit sa plaza.
DeSalvo Commercial Center—iyon ang nakalagay sa facade ng apat na palapag na gusali. It hadn't been there eleven years ago.
Bigla ang paninikip ng dibdib niya. Tila siya kinakapos ng paghinga. Napuna niyang nanginginig ang mga kamay niyang nakahawak sa manibela. The feeling was so sharp that she needed to stop her car. Ipinasok niya iyon sa isang parking space sa mismong harap ng commercial center.
Nararamdaman niya ang mabilis na pintig ng puso niya. She took deep breaths to steady herself. At pagkuwa'y nahalinhan iyon ng kakaibang haplos ng damdamin.
Home. This place was home.
The feeling shocked Tamara. Hindi niya inaasahan iyon. Dahil bagaman mahigit sa kalahati ng buhay niya ay ginugol sa bayang iyon ay hindi pa rin siya kabilang. Doon siya ipinanganak subalit hindi siya tinanggap ng bayang iyon. Katunayan, ay ang buong pamilya niya.
At sa pagkakaalam niya, kahit noong nabubuhay pa ang lola niya sa bahagi ng ina, nagbubulong-bulungan na ang mga tao nang lihim. Na hindi naman talaga lihim dahil naririnig niya. Na mana ang nanay niya sa lola niya—harot at alembong.
Tamara's mother, Bernadine, hadn't actually known her father. Ayon sa usap-usapan noong bata pa siya ay anak ang mother niya ng isang Amerikano. Sa batang isip ni Tamara ay ipinaliliwanag niyon kung bakit ganoon ang anyo ng nanay niya—matangos ang ilong, maputi at makinis ang balat, at may buhok na kakulay ng hinog na cacao.
At sa murang edad niya ay sinasabi ng lahat na kahawig siya ng ina. She even inherited her mother's dark brown hair. At habang iyon lamang ang maaaring iugnay ng mga taga-Trinidad sa kanya sa pamilya niya, wala siyang natatandaang pumasok siya sa isang tindahan o palengke na hindi siya sinusundan ng tingin ng mga tindera. Mga tinderang nag-aalalang baka may kupitin siya mula sa paninda ng mga ito.
Hindi dahil nangyari nang nangupit o nagnakaw siya, kundi dahil isa siyang Alba. Ang pamilya niya ay may masamang reputasyon sa bayang iyon. Her father Guiller was the town drank before he drove his truck over the cliff that caused his life when Tamara was thirteen.
Ang kapatid niyang si Elmer ay minana ang pagiging manginginom ng ama nila. Hindi lang iyon, hindi ito miminsang natulog sa town jail dahil sa pagnanakaw. Salamat sa impluwensiya ni JD at napakawalan din naman kinabukasan.
At ang nakatatandang kapatid ni Tamara, si Terry, sa edad na dieciseis ay masama na ang reputasyon. Both Elmer and Terry was her father's children from his previous marriage.
Kabibiyudo lang ni Guiller nang makilala si Bernadine sa isang town fiesta. Ang unang asawa nito ay namatay sa sakit sa baga nang anim na buwan pa lang si Terry.
Magandang lalaki naman si Guiller, gayunman, ipinalagay ng lahat na pumayag si Bernadine na pakasal sa isang lalaking kabibiyudo lang at wala pang matatag na trabaho dahil sa edad na beinte-kuwatro ay walang nag-aalok ng kasal dito sa kabila ng maraming manliligaw.
Sinusundan si Bernadine ng reputasyon na anak ito sa labas, bukod pa sa talaga namang kilala ito sa buong Trinidad na papalit-palit ng kasintahan.
Bernadine's beauty was exotic. And at thirty-nine, she had the body of a goddess. Iyon ay sa kabila ng anak na nito si Tamara at nagdalang-tao pa uli makalipas ang isang taon. Though the child was stillborn.
And she was also JD's mistress.
Gayunman, sa mga sandaling iyon ay bale-walang lahat kay Tamara ang nakaraan. Her instincts, her senses, recognized this town as her home.
Lahat ng bagay sa lugar na iyon. Ang gubat, ang ilog, ang malaking lawa na nasa gitna ng kagubatang pag-aari ng mga DeSalvo ay nakatatak na sa kaisipan niya mula nang isilang siya. Walang ibang lugar sa buong Pilipinas na katulad ng Trinidad.
At sa kabila ng mga mapapait na alaala niya sa bayang iyon ay tila may di-nakikitang tali ang humihila sa kanya pabalik sa Trinidad.
Hindi niya gusto ang damdaming sumisibol sa dibdib niya. Gusto niyang pangatwiranan na ang dahilankaya siya nagbiyahe roon ngayon ay kuryosidad sa kung ano na ang nangyari matapos sapilitang itaboy ang pamilya niya sa bayang iyon.
At kung ano talaga ang nangyari kay JD DeSalvo nang gabing iyon.
Hindi madali ang bumalik sa Trinidad, lagi na ay nasa isip niya ang masasakit na salitang binitiwan ni Sean DeSalvo sa kanya, ang bunsong anak ni JD.
Nakatatak sa kasulok-sulukang bahagi ng isip niya ang mga sinabi nito at hindi na mapapawi kailanman.
Yagit... Basura... Hampaslupa...
Humugot siya ng malalim na hininga. Pinuno ang dibdib ng samyo ng paligid na sa kabila ng mga pagbabago ay hindi pa rin niyon natatakpan ang sariwang amoy ng kagubatan.
She felt calmer. Pinaandar niyang muli ang sasakyan niya at inilabas sa parking lot. Ipinagpatuloy niya ang mabagal na pagmamaneho at pagsuri sa lugar na iyon. Hanggang sa mapuna niya ang signpost sa intersection: Trinidad Beach and Resort. Ito ang pinakamalaking beach resort sa bayang iyon na pag-aari ng mga DeSalvo.
Iniliko niya ang kotse niya patungo roon. Habang tinatahak niya ang daan patungo sa beach resort ay unti-unting nabawasan ang mga bahay sa magkabilang gilid ng daan. Nahalinhan iyon ng mga hilera ng nagtatayugang puno ng niyog na sa pagitan ay mga puno ng lanzones na kasalukuyang may mga berdeng bunga.
Buhangin na rin ang dinadaanan niya at bagaman two-way lane ang kalsada ay kumikitid na iyon.
Makalipas ang ilang minuto ay natanaw niya ang gate ng resort. Ang dating bakod at gate na yari sa coco lumber ay konkreto na ngayon. Ipinasok niya roon ang sasakyan. Mula sa gate ay natanaw niya ang mga cottage na yari sa bato, nipa, at kawayan.
Then she saw the resort building. Ang luma at di-kalakihang dating building ay nahalinhan na ngayon ng mas moderno at mas bago. The building, as far as she knew, housed the reception, the small office, restaurant, and recreation room.
May mga additional amenities siyang nakikita sa paligid. At ang dating nag-iisang swimming pool ay tatlo na ngayon. Ang ikatlong swimming pool, na hindi kalakihan at nasa ilalim ng mga punong palma at sampalok ay para sa mga bata.
May mangilan-ngilan siyang natatanaw na naliligo. Patapos na ang buwan ng Hulyo at nagsisimula na ang tag-ulan kaya marahil walang gaanong tao ang resort.
Ipinarada niya ang pulang four-door RAV4 niya sa natanaw na bakanteng parking space. Pagkatapos ay sinuri ang sarili sa rearview mirror. Sinuklay ng mga daliri ang alon-alon at hanggang balikat na buhok. She had her mother's deep brown hair, at nagiging matining ang pagka-brown ng buhok niya kapag tinatamaan ng sikat ng araw.
Gayunma'y hindi sapat iyon upang mag-alala siya.
Napakaraming tao na ngayon ang nagkukulay ng buhok. Besides, Tamara was taller than her mother when Bernadine was her age.
She doubted if anyone would recognize her. Mas sa menos ay mga taga-Maynila ang iilang taong natatanaw niya sa resort. It had been eleven years ago. Labinlimang taon siya nang itaboy silang mag-anak sa bayang iyon. Wala nang makakakilala sa kanya. Kinuha niya sa bag niya ang dark sunglasses at isinuot.
Lumabas siya ng kotse at matapos i-lock iyon ay lumakad siya patungo sa reception building ng resort. Pumasok siya sa loob at lumakad patungo sa desk. Moderno na ang loob ng reception. May dalawang magagandang sofa sets sa bungad na yari sa rattan. Bright cotton prints ang nakatakip sa makapal na kutson ng mga upuan. At mayayabong ang mga nakapasong palmera na nakatayo sa mga angkop na lugar.
At natatanaw niya ang recreation room sa dulo mula sa malinaw na salamin. It was bigger and wider. May videoke, billiard, at table tennis.
"Good afternoon, ma'am," bati ng nasa counter, bahagyang umangat ang mga kilay at pagkatapos ay isang humahangang ngiti ang gumuhit sa mga labi.
She recognized the man. Ito pa rin ang dating nangangasiwa sa resort eleven years ago. Si Melencio Caparaz, or Melen to the townspeople. Classmate niya ang nakababatang kapatid nitong babae sa high school na batiin-dili siya.
He must be in his mid-thirties now and probably married with half-dozen kids. "Hello," ganting-bati niya. "I need a single-room cottage for the night."
"Of course," wika nito, kinuha ang record book. Tumitig sa kanya. "Ano ba ang gusto ninyo, ma'am? May mga bagong cottages kami, yari sa kahoy at bato. Medyo may kataasan nga lang ang renta dahil pribado at may air-condition. Kung gusto n'yo naman ay iyong simpleng kubong kawayan at nipa, pero electric fan lang."
Sandali lang siyang nag-isip. Kung ang dahilan ng pagparito niya ay upang makakuha ng impormasyon ay kailangan niya ng mas pribadong cottage.
"Iyong una mong sinabi."
"May I have your name, please."
"Tamara..." She paused, smiled and added, "Alejandro."
Hindi siya matatandaan nito. Hindi siya nanini-walang kabisado ng mga tao ang pangalan niya. Isa lang ang natatandaan ng mga ito—isa siyang Alba— the daughter of a whore and a town drank.
She immediately dismissed the bitterness that crept inside her. It had been eleven years, for goodness' sake!
"We require a deposit, ma'am," wika ng clerk matapos i-record ang pangalan niya sa computer. Even the computer was a surprise already, lalo na ang mga credit card machines sa tabi ng cash register. Talagang malaki ang naging pagbabago sa Trinidad.
"How much?" she asked. Binuksan niya ang bag at kinuha ang wallet.
"Isang buong araw na kabayaran, ma'am—one thousand and six hundred fifty." Iniabot nito sa kanya ang susi ng cottage niya.
She smiled. Hindi kailangang gamitin niya ang mga credit card niya. Inabutan niya nang hustong halaga ang clerk at pagkatapos kunin ang resibo ay dinampot niya ang susi sa ibabaw ng marbled counter.
May tinawag itong tauhan sa beach upang ipahatid siya sa cottage pero tumanggi siya.
"Thank you. I'll find my way." Tumalikod na siya. Sampung metro mula sa building at natatakpan ng malalagong halamanan at nagtataasang palm trees ay ang hilera ng mga first-class cottage. Bawat cottage ay nababakuran ng picket fences na puti ang pintura, contrast sa dark brown na pintura ng buong cottage.
Ipinasok niya ang susi sa pinto at itinulak iyon.
Maaliwalas ang loob ng cottage. May maliit na kusina at sala. Tuloy-tuloy siya sa silid, binuksan iyon. Malinis ang mga bedding. Gayundin ang banyo. She was impressed. Puntahan na marahil ng mga turista ang Trinidad.
Inihagis niya ang bag sa sofa na tulad ng nasa reception ay yari sa rattan ang headboard at may malambot at makapal na kutson. Pagkatapos ay hinubad niya ang two-inch strappy sandals at inilatag ang katawan sa kama nang pahalang.
She was tired, she realized. Anim na oras at kalahati siyang nagmaneho patungo sa bayang ito. Huminto lang siya sa isang gas station sa may San Pedro, Laguna, upang magpagasolina.
And then what?
Gusto niyang malaman ang nangyari matapos silang umalis sa bayang iyon. Hindi siya maaaring magtanong nang deretsahan. This was a small town. Magkakakilala ang mga tao. Iyon ang hindi magbabago. Pero marahil ay may mga tao sa bayang iyon na hindi siya nakikilala. Tiyak na may mga bagong salita. Marahil ay ilang buwan pagkaalis nila.
Itinaas niya ang braso at inalam ang oras mula sa relo niya. Ala-una kinse ng hapon. She would rest for a few minutes. Saka na niya pag-iisipan kung sa restaurant ng resort siya kakain ng atrasadong tanghalian o tutungo siya sa bayan.
She closed her eyes. Hinihila siya ng antok at pagod. Idinuduyan siya sa isang magaang tulog.
ISANG katok ang nagpabalikwas kay Tamara. Naalimpungatang napatitig siya sa pinto. Muli niyang tiningnan ang oras sa wristwatch niya. Her Gucci watch said it was one fifty-five. Mahigit sa kalahating oras siyang naidlip pero may pakiramdam siyang wala pang limang minuto siyang humiga.
Muli ay ang katok sa may pinto ng silid niya. The knock was becoming persistent. She frowned. Bakit nasa labas mismo ng pinto ng silid niya ang kumakatok?
Then she realized she had forgotten to lock the main cottage door. Isa marahil sa mga boy. Tumayo siya. Inayos ang blusa at sinuklay ng kamay ang buhok at lumakad nang nakapaa patungo sa pinto.
"Sino iyan?"
"Sean DeSalvo."

Sensual by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now