Chapter 28

4K 46 0
                                    

CHAPTER TWENTY EIGHT

NAGISING si Sean nang maramdamang wala sa mga braso niya si Tamara. Bumaling siya sa kabilang bahagi ng kama, naroon ito sa pinakagilid, nakatalikod sa kanya.
Humarap siya rito. Banayad niya itong hinila palapit sa katawan niya. Sleepily, he kissed her shoulders. Then he found her breast and held it in his hand. His thumb kneading her nipple softly.
She moaned in her sleep. He smiled tenderly. He was sleepy, he was tired, and yet he couldn't get enough of her. In his heart, he knew that he wouldn't tire of her in the next fifty years or so.
He pulled her closer against him. Kissed her nape. It smelled of smoke. Muli siyang napangiti. Matagal na niyang tinigilan ang paninigarilyo. Pero kanina, kina Marc ay napilitan siyang humitit ng dalawang stick. Humawa marahil ang amoy niyon sa balat ni Tamara.
Ipinikit niyang muli ang mga mata upang bumalik sa pagtulog nang may liwanag siyang nahagip mula sa labas ng bintana.
Umaga na ba? Hell. Wala pa yata siyang isang oras na nakatulog, ah. Anyway, mamaya na siya babangon kapag dumating si Marc. Nang muli ay nalanghap niya ang usok. In his sleepy mind, natanto niyang hindi iyon amoy ng sigarilyo kundi ng kerosene at ng nasusunog.
Liwanag mula sa bintana. Usok. At amoy ng kerosene!
Bigla siyang bumalikwas ng bangon. Nakita niya ang lagablab ng apoy na pumapasok sa bintana.
"Shit!" Dinampot niya ang pantalon sa sahig at nagmamadaling isinuot habang ginigising si Tamara. "Sweetheart, wake up!"
Hinanap ng mga mata niya ang T-shirt nito sa lapag at pagkatapos ay niyugyog ito. "Tamara, wake up! Nasusunog ang buong bahay!"
Umungol si Tamara. Naalimpungatang tinitigan siya. "Sean?"
"Nasusunog ang buong bahay!" Siya na mismo ang nagsuot ng T-shirt dito.
"Nasusunog?" Napalingon ito sa bintana. "Oh, my god!"
Mahigpit itong hinawakan ni Sean sa palapulsuhan at hinila pababa ng kama. "Kailangan nating lumabas ng bahay, dali!"
Wala sa huwisyong sumunod si Tamara. Lumabas sila ng silid at tinungo ang hagdan upang magulantang lamang. Nag-aapoy ang buong ibaba at nagsisimula nang gumapang ang apoy sa puno ng hagdan. Wala silang dadaanan palabas.
Suddenly Tamara was wide awake. "W-what's going on? Bakit nasusunog ang bahay ko?"
"Hindi ko alam..." Napahawak siya sa balustre ng hagdan na iglap ding binitiwan. Iyon man ay umiinit na. Nararamdaman na nila sa katawan nila ang nagbabagang init. Nagsimula na silang gitian ng pawis.
They were trapped. Frantic, hinila niyang muli si Tamara pabalik sa silid nito pero iginugupo na ng apoy ang harapang bintana. "Shit!"
Nilinga ni Sean ang isa pang bintana subalit nakarehas iyon. Imposibleng makalabas sila mula roon. Hawak pa rin sa kamay si Tamara ay muling lumabas ng silid si Sean. Binuksan ang katapat na silid. Ang mga bintana ay may mga rehas din at nagsisimula nang pasukin iyon ng apoy.
Sunod-sunod na umubo si Tamara. Nagsimula na itong pangapusan ng hininga. Nakakapaso na ang init sa kabahayan.
"Kumuha tayo ng kumot sa kuwarto, Tam," he said, trying to hide the terror in his voice. "Basain natin ng tubig at lusubin natin ang hagdanan bago pa iyon matupok ng apoy. Sa sala nanggagaling ang malakas na lagablab. Maaari tayong lumabas sa kusina."
He knew it was suicide. Pero mamamatay silang maghahanap ng paraan. They wouldn't be trapped cowering in a corner. Hinawakan niya si Tamara sa magkabilang balikat. Tinitigan na para bang iyon na ang huli niyang titig dito. Pagkatapos ay mariing hinagkan.
"I love you, baby," he said emotionally. Muli itong hinila patungo sa master bedroom. "Now, let's soak those bedsheets."
Sa kabila ng init, ng panic, ng takot, Tamara was momentarily shocked at the declaration. Pagkuwa'y pinigilan ang tangkang pagpasok ni Sean sa silid.
"There's another stairs, Sean. Patungo sa basement. At may daan doon palabas sa may gilid ng bahay."
Hope flickered in his eyes. Napupuna na niya ang hagdang iyon pero hindi niya pinag-ukulan ng pansin. "Let's go."
Tinakbo nila ang hagdan sa dulo ng pasilyo ng master bedroom. Makitid iyon at tuloy-tuloyhanggang sa basement. Sa basement ay halos wala silang maaninag dahil ang maliit na bintana na halos kadikit na ng ceiling ay sarado at sa labas ay nagtataasang damo.
Subalit kumikislap mula roon ang bahagyang liwanag mula sa nag-aapoy na paligid.
"Now what?" he asked.
"Bubuksan ko ang ilaw—"
"No! Where's the door?"
"To... to the right. Deretso iyan sa likuran, sa mga niyugan."
Halos kaladkarin ni Sean si Tamara patungo sa sinasabi nito. Nagpapasalamat na walang kasangkapang nakaharang sa dinadaanan nila Nakapa ni Sean ang pinto at ang barrel bolt. Inalis niya iyon at hinila pabukas ang pinto. Malamig na hangin ang humaplos sa mga mukha nila. They greedily filled their lungs with air.
Mga nagtataasang damo ang nakaharang sa daraanan dahil hindi naman nagagamit ang bahaging iyon ng bahay. Hinawi ni Sean ang mga talahib at hinila si Tamara palabas. Nag-aapoy na ang buong paligid at umaabot na sa bahaging iyon ng bahay ang apoy. Nanlulumong tiningala ni Tamara ang nagliliyab na bahay habang inilalayo ito roon ni Sean.
"W-what happened? Saan galing ang apoy?"
"Sean!" manghang wika ng tinig na sumalubongsa kanila.
SABAY na napalingon ang dalawa sa pinanggalingan ng tinig. Mula sa mga puno ay sumungaw si Patricia, at nakatutok ang baril sa kanila.
"Tita Pat!"
PAGKAMANGHA ang gumuhit sa mukha ni Patricia. "H-hindi ko alam na narito ka, Sean."
"Ano ang ibig sabihin nito? Bakit kayo naririto?"
Tumingala si Patricia sa natutupok na bahay at pagkatapos ay itinuon kay Tamara ang nanlilisik na mga mata. "I warned you. Hindi ka nakinig. Hindi ko alam kung paano kang nakalabas ng bahay."
"Ikaw ang may kagagawan ng mga pananakot?" tanong ni Tamara. Hindi niya kilala si Patricia malibang isa ito sa mga itinuturing na big bosses ng kompanya ng mga DeSalvo. "Ang PI, ikaw din ba ang may kagagawan sa pagkamatay niya?"
Regret filled Patricia's eyes. "Hindi ko gustong gawin. Pinilit mo akong gawin iyon, Tamara. Hindi ko alam kung bakit nagbalik ka pa rito. You're nothing but a pest. A trash, a whore. Now I have no choice but to kill you!" Itinuon nito ang baril sa kanya.
Mabilis na hinila ni Sean si Tamara upang ikubli sa likod nito. Lumingon si Tamara. Naiipit sila sa dalawang panganib. Sa likuran nila ay ang naglalagablab na apoy at sa harap ay ang panganib ng nakatutok na baril.
"Ikaw ang pumatay kay Papa," Sean said with certainty.
Patricia gasped. Sa ilang sandali'y bumalatay sa mukha nito ang pagtatalo ng isip kung aamin o tatanggi. Then, "P-paano... paano mong nalaman?"
"Hindi mahalaga kung paano kong nalaman." Puno ng panlulumo at galit ang anyo ni Sean. "Why? Why?"
"I never meant to kill JD, Sean," wika nito sa tila nanghihinang tinig. "When he died, I suffered in silence. Ni hindi ko masabi sa inyo kung gaano kasakit sa akin iyon. I loved him! Oh, god, how I loved him. Binigyan ko siya ng anak nang itinataboy siya ni Sylvia sa higaan nila sa unang buwan pa lang ng pagsasama nila!"
"Anak?" Sean parroted. "Ano... ang ibig mong sabihin?"
"Hindi mo ba nakikita?" may kapaitang sabi nito. "Hindi mo ba napupunang magkahawig kami ni Emily?"
Napaungol si Sean.
"At hindi ba napakasakit para sa akin na labis-labis ang pagtinging iniuukol ni Emily kay Sylvia gayong hindi naman nito ibinabalik ang pagmamahal niya? 'Di tulad mo, Sean, si Emily ay hindi malambing sa akin sa kabila ng pagpapakita ko ng atensiyon sa kanya. And your bitch of a mother was laughing at me silently. Dahil ang sarili kong anak ay nagmamakaawang mahalin siya ni Sylvia.
"At ang walang-kuwentang ina mo..." Gumuhit ang poot sa mga mata nito "nang makitang nabigyan ko ng anak si JD ay nakadama ng insekyuridad. Natakot na baka mabaling sa akin ang atensiyon ni JD. Natakot na mawala sa kanya ang tinatamasang karangyaan. I was pregnant with Emily when she opened her door to her husband. Of course, your father obliged, surprised and pleased. Kahit na tuwing magtatalik sila ay masahol pa sa tuod si Sylvia.
"Kahit na kinasusuklaman ng mama mo ang bawat pagtatalik nila ng papa mo ay tiniis niya para lang maungusan ang pagkakaroon ko ng anak. Damn her, but JD would have left her had she not conceived you, Sean! At na kay Sylvia ang pabor ng impiyerno dahil lalaki ang ipinagdalang-tao niya!"
Umiling si Tamara. Hindi siya naniniwalang iiwan ni JD si Sylvia para lang sa babaeng ito. She believed Bernadine when she wrote that JD had always loved his wife. Maybe JD had placed his wife in a pedestal.
"Sylvia was a selfish bitch! Nagkukunwaring ako lang ang nakakaintindi sa kanya. Oh, god, how I put up with your mother's hypocrisy. Alam niyang sa araw-araw ng buhay ko ay umaasa akong hihiwalayan siya ni JD. Iyon ang dahilan kung bakit wala siyang pakialam sa mga babae ng papa mo, if only to spite me. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi niya mabigyan ng kaunting pagtingin si Emily."
"Paano... mong pinatay si Papa?" tanong ni Sean. Tamara felt the muscles in his arms flex in anger.
Gumuhit ang matinding lungkot sa mga mata ni Patricia. Umiling. "H-hindi ko sinasadya... tinakot ko lang siya. He promised he'd leave Sylvia. Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin iyon. Na naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon. Tuwing pumapanhik siya sa penthouse ay ipinapangako niya sa akin iyan! Hindi tulad ni Sylvia na itinataboy si JD sa higaan, ako naman ay kailangang magmakaawa upang pumanhik siya sa akin.
"Hanggang sa mapuna ko ang kakaiba niyang ikinikilos. Lagi siyang tulala, laging wala sa isip. Nagpahiwatig siyang aalis... pero hindi niya sinasabi sa akin ang detalye. Until that night when he went to the cottage...."
LUMINGON si JD nang iparada niya sa likuran ng kotse nito ang sasakyan niya. Kumunot ang noo nito at hinintay ang pagbaba niya sa kotse. Hindi alintana ang ambon.
"Ano ang ginagawa mo rito, Patricia?" he asked.
"Ikaw, ano ang ginagawa mo rito? Lunes pa lang. Sino naman ang katagpo mo ngayon, Daniel?"
"I'm meeting Bernadine, " kaswal nitong sagot.
"Fuck you! Talaga bang hindi mo lulubayan ang putang iyan? It's been two years, Daniel. Two years!"
Daniel smiled sadly. Droplets of rain fell on his face. "It isn't just sex, Patricia. I really like Bernadine. Walang komplikasyon kapag kasama ko siya. Walang demands. We laugh, we play, we talk, we fuck, yes. She made me feel young and healthy again. At magaan ang dibdib ko tuwing maghihiwalay kami."
"At paano ako, Daniel?" Dinuro niya ang sariling dibdib. "Paano ang pangako mo sa aking hihiwalayan mo si Sylvia? Para sa amin ni Emily-para kay Sean. Alam mong mahal ko siya tulad ng pagmamahal ko kay Emily. We could be a real family, Daniel."
He sighed. "Pat, hindi ako naniniwalang umaasa ka pa ring hihiwalayan ko ang asawa ko. Kung gagawin ko iyon ay sisirain ko ang buhay ng mga anak ko."
"And what about my life, damn you!"
"Ikaw ang pumili ng buhay mo, Patricia. Not that I have regrets, you gave me Emily. "
Pinagsusuntok niya ito sa dibdib. "Damn you! You promised me... you promised me. Maraming taon akong naghintay... nagtiis."
"Stop it, Patty!" Hinawakan nito ang mga kamay niya. "I want you to know that... that I won't be around anymore—"
Nahinto sa ere ang mga kamao niya. " What?"
"Mawawala rin ako, Patty. Hindi ko gustong gawin iyon nang nag-iiwan ngsama ng loob sa mga anak ko."
Rage filled her. "No! Hindi ako papayag na pagkatapos ng lahat ng mga pagtitiis at paghihintay ko ay iiwan mo ako nang dahil lang sa putang iyan!" Tumakbo siya patungo sa kotse niya at mula sa glove compartment ay kinuha niya ang baril niya. Ikinasa iyon.
Itinuon niya iyon kay JD habang lumalakad palapit dito. "Papatayin na muna kita bago mo magawa sa akin ito, Daniel!"
"For Pete's sake, Patty, maghunus-dili ka! Baka pumutok iyan." Inabot nito ang kamay niya upang tangkang kuhanin sa kanya ang baril subalit pumutok iyon.
Then she watched JD with horror as he fell on the wet ground. Umaagos ang dugo mula sa dibdib nito. Ang mga mata nito ay nakatitig sa kanya, nagtatanong, naghihinanakit. Hanggang sa manatili na lang itong nakatitig. Ni hindi kumukurap sa kabila ng patak ng mahinang ulan sa mga mata nito.
"N-no... No! Hindi ko sinasadya, Daniel! Hindi ko sinasadya!" Bumagsak siya sa tabi nito. "Mahal kita, Daniel, mahal na mahal!" Hinawakan ito... dinama ang pulso sa leeg. Subalit wala siyang makapang pulso.
She panicked. Nang mag-angat siya ng paningin ay natanaw niya ang pagsungaw ni Bernadine sa bintana ng kubo. Natigilan siya. Niyuko ang walang-buhay na si JD. Napahikbi. "Patawarin mo ako, Daniel... patawarin mo ako."
Pagkatapos ay tumayo siya at tinakbo ang kubo. Nasalubong niya sa pinto si Bernadine.
"P-pinatay mo si JD..." anito. Angmagandang mukha ay tinakasan ng kulay.
Itinuon niya ang baril dito. Napaatras sa matinding takot si Bernadine. Napasiksik sa pinto ng kubo. lbinaba niya ang baril, isang ngiti ang sumilay sa mga labi. "Okay. Hindi kita papatayin. Sa isang kondisyon... "
Mabilis na tumango si Bernadine. "A-anong kondisyon?"
Kinuhaniya angpanyo sa bulsa niya at pinahiran ang baril. Pagkatapos ay nilapitan niya ito at ipinahawak dito ang baril habang nagugulumihanan at takot itong nakatitig sa kanya.
"There," she said, satisfied. "Umalis ka ngayong gabing ito, Bernadine. Huwag ka nang babalik. "
"S-saan ako pupunta?"
Naningkit ang mga mata niya. "Puta ka! Wala akong pakialam kung saan ka magpunta. Sa impiyerno! At huwag kang babalik dito kahit kailan. Huwag kang magpapakita sa mga anak mo. Maglaho kang parang bula. Dahil kapag nagbalik ka'y ipakukulong kita sa ginawa mong pagpatay kay JD."
"I-ikaw angpumatay sa kanya," nanginginig nitongsabi.
"Mga bakas ng kamay mo ang nasa baril na ito."
Nanlaki ang mga mata ni Bernadine. Napaungol nang matanto ang ginawa ni Patricia. Bumulalas ito ng iyak. "H-hindi ko maiiwan si Tamara..."
"Papatayin ko rin siya kapag nagmatigas ka," banta niya. Pumasok siya sa loob ng kubo at kinuha ang bag nito at inihagis sa tabi nito. "Takbo, Bernadine. Sa sandaling makita ko kahit ang anino mo sa alinmang karatig-bayan ay ipakukulong kita at papatayin ko si Tamara. Alin na lang ang mauuna sa dalawa."
NANG matapos itong magsalita ay humahagulhol na ng iyak si Tamara. Ang kaawa-awang nanay niya. Inabot siya ni Sean at niyakap. Poot ang nasa mga mata nitong nakatitig kay Patricia.
"Ibaba mo ang baril na iyan, Tita Pat," babala nito at humakbang palapit subalit itinutok ni Patricia ang baril dito at umatras.
"Huwag kang lalapit, Sean. Hindi kita bibigyan ng pagkakataong daluhungin ako. Ang gusto kong mangyari ay umatras kayo patungo sa apoy."
"No!" Tamara cried in horror.
"Patong-patong na ang krimeng ginawa mo, Tita Pat. Hindi mo alam na ang tinutukoy ni Papa na pag-alis ay ang sarili niyang kamatayan..."
"What—"
"He had prostate cancer. Terminal. He only had a few months to live. Iyon ang dahilan kung bakit lagi siyang riag-iisip, tulala. Iyon ang dahilan kung bakit nagmamadali siyang matutuhan ko ang pasikot-sikot sa negosyo..."
"H-hindi totoo ang sinasabi mo..."
"Nakita ni Tamara ang isang calling card ng medical doctor na pinupuntahan ni Papa sa Quezon City mula sa gamit ni Bernadine. Tinawagan ko ang doktor kaninang hapon."
Gustong mahabag ni Tamara sa daing na kumawala mula kay Patricia. Sa liwanag ng naglalagablab na apoy ay tila tumanda ito ng maraming taon. Subalit sandali lang iyon. Tumigas ang mukha nito at muling itinutok ang baril sa kanila.
"Go back to the house, Sean. Kayo ng babaeng iyan. Ikinalulungkot kong pati ikaw ay madamay. I truly love you like my own. Hindi ko inaasahang kasama ka ng babaeng iyan ngayon. My god, wala kang ipinagkaiba sa ama mo!"
"Put the gun down, Tita Pat. Isuko mo ang sarili mo sa mga pulis. Kumuha ka ng mahusay na abogado at patunayan mong aksidente ang pagkakapatay mo sa Papa..." Sean said, buying time.
Tamara knew it was a lie. Hindi titigil si Sean hangga't hindi nito naipakukulong si Patricia. Nang mula sa kadiliman sa highway ay may natanaw na headlights si Tamara patungo sa kanila. Sa kabila ng pag-asang nadama ay naroon ang takot na kung tulong man ang dumarating ay baka maging huli ang lahat.
"I'm sorry, Sean... truly sorry. Maaari kayong mamili, ang bala ko o ang apoy..."
"Then leave Tamara out of this!" he said frantically. "Wala siyang kinalaman sa mga nangyayari. Paalisin mo siya tulad ng ginawa mo kay Bernadine. She won't be back."
"I am not stupid, Sean," ani Patricia. "Kung hindi siya bumalik dito ay hindi mangyayari ito. She has to die!"
"Noooo!"
Hindi malaman ni Tamara kung kanino galing ang sigaw. Kung mula sa kanya, kay Sean, o sa isang aninong tumatakbo patungo sa kanila. Kasabay ng putok ng baril ay ang pagyakap ni Sean sa kanya upang iharang ang sariling katawan.

Sensual by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now