Chapter 12

3.1K 52 0
                                    

CHAPTER TWELVE

"THIS is a surprise, DeSalvo," aniya, niluwangan ang awang ng pinto at umatras siya nang bahagya. "Please come in."
Kumislap ang pagkamangha sa mga mata nito. Hindi marahil inaasahan ni Sean na papapasukin niya ito. Humakbang itong papasok sa kabahayan.
Maluwang ang sala niya dahil iilan pa lang naman ang kasangkapan. And if there was one thing Tamara liked about the house it was high-ceilinged. Pero sa pagpasok ni Sean ay tila gustong magsalikop ang lahat ng sulok ng bahay.
Mataas na ito noon pa man. He was taller now and she was overwhelmed by his size.
It was the first week of June. Nag-uuulan. Eleven years ago, ganito rin ang panahon. At may kalamigan ang klima sa Trinidad kahit sa panahon ng tag-init. Nakasuot ito ng abuhing V-necked knitted sweatshirt na ang manggas ay nakalilis hanggang pagkatapos ng siko, ipinakikita niyon ang matipuno at balahibuhing mga bisig. The old faded denims hugged his buttocks and thighs like a lover.
In the air was the fresh, earthly scent of clean sweat and the animal muskiness of the man. She inhaled his rich, subtle scent. His physical impact made her senses reel. Wala paring ipinagbago.Tulad pa rin noon. Ang dating reaksiyon niya tuwing nakikita si Sean ay naroroon pa rin. Ni hindi nabantuan ng mga taon... ng pagkamaygulang.
Katunayan ay high na nadagdagan dahil mas alam na niya kung ano ang nararamdaman niya para dito. Desire.
Napuno ng galit ang dibdib ni Tamara habang tinititigan niya ito. Ang lalaking ito'y hindi nangiming itapon sila sa labas ng bahay nila sa dis-oras ng gabing umuulan.
Hindi pa rin ito mangingimi ngayon na gawin uli iyon kung pahihintulutan niya. Pero bakit ganito pa rin ang damdamin niya rito sa kabila ng lahat?
What was wrong with her? Why couldn't she see him without feeling that hot, tingle of excitement?
Bahagya lang ang layo niya mula rito nang pumasok ito sa loob. Nakatitig ito sa kanya sa naniningkit na mga mata. He was a foot taller and with a body of an athlete. The physical appearance of the man was too imposing. At hindi siya makahinga. Humakbang siya paatras upang bigyan ang sarili ng puwang.
"Tumatanda na akong talaga," he said with a sneer, inikot ng tingin ang buong kabahayan. "May nangyayari sa paligid ko nang hindi ko alam."
"Please, have a seat." Itinuro niya ang mahabang sofa. It was striped in maroon and black. Sa ibabang sofa ay ang dalawang oversized na almohadon na may ganoon ding kulay. "Would you like a cup of coffee?"
"Spare me the pleasantries," he said, cold anger in his voice. Humakbang ito palapit sa kanya. "Ano ang ginagawa mo sa bahay na ito?"
She arched her brows mockingly. "Dito ako nakatira," she said then moved away from him. Desperadong mabigyan niya ng distansiya ang sarili mula rito.
Tumalim ang mga mata ni Sean. Pagkatapos ay may kislap ng kasiyahang nagdaan doon. Napaungol si Tamara nang lihim. Sean realized he made her feel nervous.
She raised her chin defiantly. Her soft brown eyes cool and unruffled. Hindi iyon madaling gawin sa harap nito pero kinaya niya.
"Nag-aksaya ka lang ng panahon. Aalis ka rin sa bahay na ito."
"Paano mong gagawin iyon?" naghahamon ang tono niya. "Hindi pag-aari ng mga DeSalvo ang lupang kinatitirikan ng bahay na ito. Unless you will resort to terrorizing resident in this town?"
"You are not a resident in this town. And never will be!"
"Too late for that," banayad niyang sagot. "I bought this house. Cash. At malibang umupa ka ng goons tulad ng dati ay hindi mo ako mapapaalis sa sarili kong bahay."
Lalo pang tumalim ang mga mata ni Sean nang igala ang paningin sa loob ng kabahayan. Sa sulok, sa may end table ay naroon ang larawan nila ni Elliot nang ikasal sila. Sinadya niyang ilagay iyon doon.
"So you're married." His eyes moved to her hand and saw her wedding ring. Nag-isang-linya ang mga mata nito. "Magkasama kayo rito?"
"Mag-isa akong nakatira rito."
"I see." Tumango-tango ito, nakakainsultong ngumisi. "Naalala ko ang sinabi ni Melen na inirehistro mo ang sarili mo bilang Tamara Alejandro. So, ano ang ginawa mo? Drained all his money and dropped him like a hot potato and got yourself another rich guy?"
Tamara's fists clenched at her sides. Her nose flared in anger. "No. I didn't drop him like a hot potato. He died. And I don't have another rich guy."
"Oh." Isang malupit na tawa ang pinakawalan nito. "At napunta sa iyo ang lahat ng mga ari-arian niya." It was a statement.
"In a way yes."
"Nagpakasal ka sa isang mayamang malapit nang mamatay. Wala na ba itong kamag-anak na maaaring komontesta sa minana mo?"
"Buhay pa ang mother-in-law ko. Elliot was twenty-five when he died a week after our wedding. Car accident." Her voice suddenly turned soft at the memory.
Napatiim-bagang ito. "I'm sorry," he said surly. "Hindi ko dapat sinabi iyon."
"Tama ka. Pero wala akong natatandaang ang isang DeSalvo ay nag-alala sa damdamin ng iba."
He snorted. "Ano na nga iyong sinasabi nila? That people who live in glass houses shouldn't throw rocks at each other."
"Wala akong sinaktang tao. Kung hindi mo lang sana kikitiran ang utak mo ay maiisip mong biktima rin ako," she said bitterly.
His lips tightened. "Gusto mo bang palabasing inosente ka? My god! You were only fifteen that night. Malinaw ang memorya ko at natatandaan kong hindi ka nangiming ipaghantaran ang katawan mo sa mga kaibigan ko sa napakanipis mong damit!"
Nanlaki ang mga mata ni Tamara. Sama-samang umahon sa dibdib niya ang galit, panghihilakbot, at kahihiyan. Sa dalawang hakbang ay nasa harap na siya nito. Furiously, dinuro niya ng hintuturo ang dibdib ni Sean.
"Nagawa mong sabihin iyan!" She almost choked in anger. "Kung malinaw ang memorya mo ay naalala mo rin dapat na sa kalagitnaan ng gabi ay itinapon mo kami sa labas ng bahay namin na tila basura—"
"Basura—"
"Don't say it, damn you!" babala niya sa alam niyang sasabihin nito. Basura... yagit...
Muli niya itong dinuro, harder this time. "Pinasok ng mga kaibigan mo ang bahay namin at ipinatapon mo sa lupa ang mga gamit namin. Ano ang inaasahan mong gagawin ko? Maghanap ng damit na maipanghahalili sa pantulog ko at tumakbo sa gubat para magbihis!"
Tinitigan ni Sean ang nagpupuyos niyang mukha, ang anyo nito ay biglang nag-iba. Then his eyes became intent. Hinagilap nito ang kamay niyang nakaduro at inilayo sa dibdib nito. Pero hindi nito binibitiwan ang kamay niya. Instead, his fingers tightened on her wrist.
"You were always the shy and silent one," he said. Tamara noticed that his voice laced with amusement.
"At ang tanging may matinong kaisipan sa mga Alba. I never knew you had this temper. Pero wala ako sa mood para mag-enjoy sa ginagawa mong pagduro sa dibdibko."
Tila naestatwa si Tamara. She was gaping at him like an idiot. His touch shocked her. Parang may dumaloy na kuryente sa braso niya. Marahas niyang hinila ang kamay subalit lalo lamang humigpit ang mga daliri ni Sean sa palapulsuhan niya. Nararamdaman na niya ang sakit ng naiipit na laman.
Tamara's instinct was to fight him. Pero bibigyan lang niya ng kasiyahan si Sean kapag ginawa niya iyon, at kahihiyan ang sarili sa walang silbing pagpupumiglas. The bastard would enjoy watching her struggling free.
Nang bigla ay rumehistro sa isip niya ang kahulugan ng huling sinabi nito. Her eyes wide with shock and embarrassment.
"Smart girl," wika rito nang matiyak na naiintindihan niya. Ang mga mata nito ay pinaglakbay mula sa mga labi niya pababa sa dibdib niya.
Napasinghap si Tamara. Ang mga mata mismo nito ay tila kamay na humahaplos sa dibdib niya. She could feel the tightening of her nipples.
"Hindi mo gustong magpasimula ng away na hindi mo naman kayang ipanalo, 'di ba?" he said mockingly. "Were you taught by Bernadine that the best way to arouse a man is when a woman starts wiggling against him? Bumalik ka ba para manahin ang tronong iniwan ng nanay mo? Do you want to be my whore?"
Fury blinded her. At sa isang kisap-mata'y tumaas ang kabilang kamay niya patungo sa mukha nito. But Sean's hand was as quick as a rattlesnake. Naagapan nito ang paglapat ng palad niya sa pisngi nito. Napasipol ito sa puwersang ginamit sa pagpigil sa kamay niya.
"My, my, we are getting violent, are we?" wika nito, his eyes sparkling in amusement.
"Get out!" She jerked her hand and struggled furiously. "Get out of my house!"
Isang tawa ang pinakawalan ni Sean. Then he pulled her hard against him. Bumalya ang dibdib niya sa dibdib nito. His mouth inches away from her. His breath warmth on her face.
"Ipagtutulakan mo ba ako palabas?" he taunted.
Natilihan si Tamara. Naalarma nang mapatunayang tama ang sinabi nito sa magiging reaksiyon ng isang lalaki kapag nagpipiglas ang isang babae. There was no mistaking the steely arousal that poked against her stomach.
Shock, fury, embarrassment, and something else melded each other. Pinangibabaw niya ang galit. Wala siyang ibang ipanlalaban dito kundi iyon. Marahas na muli niyang hinila ang kamay.
"Let go of me, you beast! Hindi mo ba nakikitang wala nang dugong dumadaloy sa mga daliri ko? Na sinasaktan mo ako?"
Napayuko sa mga kamay niya si Sean. Pagkuwa'y niluwagan nito ang pagkakahawak sa kanya. Sapat iyon upang mapakawalan ni Tamara ang mga kamay. Sean saw the red marks on her wrists.
"Hindi ko sinadyang saktan ka," he said softly. "You have skin that bruised easily."
Umatras siya, bahagyang nagulumihanan sa pag-iba ng tono nito. Banayad niyang halinhinang minasahe ang mga palapulsuhan. "Alam kong walang halaga sa iyo kung masaktan man ako. Just get out of my house."
Danger glittered in his dark eyes. At bago pa siya makaiwas ay nasa harap na niya uli ito. Hinawakan siya nito sa baba at itinaas. She was forced to meet his eyes.
"Why, sweetheart, you're tough. Maybe too tough for your own good. Pero huwag mo akong hamunin sa isang away na hindi ka mananalo dahil masasaktan ka lang," wika nito sa halos pabirong paraan.
But Tamara knew better.
"Bibilhin kong muli ang bahay na ito mula sa iyo, may tubo pa." Sa pagkakataong iyon ay tumigas ang tinig nito. "Ayokong makita ka ng pamilya ko sa bayang ito na parang walang nangyari. Ayokong mabalitaan ni Mama na narito kang muli. Huwag mo nang saktan at ligaligin pa ang ina at kapatid ko. Huwag mo nang buhayin pa ang iskandalong nangyari."
"Wala kang—"
Hindi siya nito pinatapos. "Looking at you, you have a good life now." Something flickered in his eyes. Tamara recognized it as raw desire. But it was gone instantly. His face hardened. "Get on with it and get out of this town before I do something you wouldn't like."
She jerked her chin away from him. "Oh, yeah? Ano ang gagawin mo? Hilahin ako palabas, itali sa tulosatsunugin?"
One corner of sensual lips twitched. "1 might just do that, sweetheart."
She sneered. The endearment spoken with malice. "I'm not a helpless fifteen-year-old anymore, DeSalvo. Hindi mo ako mapapaalis sa sarili kong pamamahay tulad ng ginawa mo noong araw."
"Tingnan natin." His hooded gaze dropped to her breasts again, and suddenly he grinned. "Tama ka, hindi ka na ang labinlimang taong gulang na dalagitang pagala-gala sa gubat."
Pagkasabi niyon ay humakbang ito palabas ng bahay niya. Ilang sandali pa'y narinig na niya ang pag- alis ng sasakyan nito.
Nagpupuyos sa galit si Tamara. Ang mga mata ni Sean ay tila laser beam sa dibdib niya na nananatili pa rin kahit nakaalis na ito.
Nagpa-panic siya. She didn't want him to notice she was a woman. She didn't want him to turn that hot, hooded gaze on her. Dahil hindi siya nakatitiyak kung kaya niyang paglabanan ang sariling damdamin. Na kung sakali ay hindi siya nakatitiyak kung hindi siya magpapatangay rito.
"Gusto mong halinhan ang trono ni Bernadine? Do you want to be my whore?"
Napaungol si Tamara. She felt sick at the thought of being like Bernadine.

Sensual by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now