Chapter 14

3.1K 52 2
                                    

CHAPTER FOURTEEN

"FULL TANK," utos niya sa boy sa gasolinahan sa San Ignacio. Nagpupuyos ang dibdib niya sa galit pero sinisikap niyang kontrolin iyon. Tinotoo ni Sean ang banta nito sa kanya na gawing mahirap para sa kanya ang paninirahan sa Trinidad.
Natanto niyang iisa lang ang supermarket sa bayang iyon, ang pag-aari ni Gener Mercado. The arcade didn't carry a supermart. It was understandable. Hindi naman kalakihan ang bayang iyon para magkaroon ng dalawang supermarket.
At tinanggihan siya ni Gener Mercado na mamili sa supermart nito. May mga maliliit na groceries siyang nakikita pero natitiyak niyang wala roon ang mga pangunahing pangangailangan niya. Huwag nang sabihin pang hindi niya gustong subukan kung pagbibilhan siya ng mga iyon. Hindi niya gustong bigyan ng kahihiyan ang sarili.
At ang dalawang gasolinahan sa Trinidad ay hantarang sinabi sa kanyang naubusan ang mga ito ng gasolina.
Gusto niyang makipag-away kay Gener Mercado, takutin itong malalaman ng asawa nito ang minsan ay ugnayan nito sa nanay niya. Pero para ano? Pag-uusapan siyang lalo sa bayang iyon.
Maliban pa sa hindi naman ang mga ito ang kalaban niya. It was Sean DeSalvo. Nadamay na lang nito ang iba pa.
Pagkatapos niyang magpagasolina ay nagtuloy siya sa supermarket sa San Ignacio. Halos kasinlaki rin iyon ng supermarket ni Gener Mercado. Namili siya ng para sa dalawang linggo at kulang na lang ay ipaghagisan niya iyon sa cart sa inis.
Hindi nagtagal ay pabalik na siyang muli sa Trinidad. But she couldn't do this all the time. The San Ignacio town proper was more or less ten kilometers from her place. Ang gasolinang ipina-full tank niya ay mababawasan na ng malaki pag-uwi niya. Damn. Damn.
Hindi mabilis ang takbo niya dahil may mga sharp curve sa bahaging iyon ng daan. Subalit nasa panggigipit ni Sean ang pag-iisip niya. Nagagalit siya kaya hindi niya namamalayang nakukuha na niya ang lane sa kabilang kalsada sa pagliko sa isang matalim na kurbada.
Nagulat pa siya sa malakas na busina ng paparating na truck at pagkatapos ay ang biglang pagsungaw nito. She panicked. Marahas na kinabig ang manibela pakanan at tuloy-tuloy siya sa pagbaba sa gilid ng daan.
Then everything went hazy.
Natatandaan niyang may nagbukas sa dalawang pinto ng kotse niya sa harap. May mga naririnig siyang tanong kung nasaktan siya o hindi. At may umakay sa kanya palabas.
HALOS takbuhin ni Sean ang papasok sa entrada ng Trinidad Medical Center. Sa reception ay nakaabang nasi Emily.
"Where is she? What happened?" agad niyang bungad.
"Calm down, Sean," ani Emily na naguguluhan sa kakaibang reaksiyon niya. Hinila siya nito sa hagdanan patungo sa second floor. "Maliban sa bukol sa noo niya na marahil ay tumama sa manibela ay walang malubhang pinsalang tinamo si Tamara. She's sleeping right now. Nasa room 204 siya."
"Bakit hindi siya ipinailalim sa CT scan? How can you be so sure there was nothing wrong with her?"
"She's all right, Sean," paniniyak ni Emily. "May malay siya nang dalhin dito. Ayon sa mga lalaking nagdala ay hindi mabilis ang takbo niya. Nagkataong nasa gitna siya ng kalsada. She must have panicked when she saw the truck. Agad niyang kinabig ang manibela pakanan at nagtuloy-tuloy sa ibaba ng daan."
"Gusto ko pa ring gawin ang CT scan," he insisted. "Lord, Ems, paano kung bangin ang kinahulugan niya?"
"What's wrong with you?" nagtatakang tinitigan siya nito. "Pareho nating alam na walang bangin mula sa San Ignacio patungo rito. Dr. Pilares slightly sedated her to calm her nerves. She'll wake up in an hour or so. Pero mukhang ikaw ang dapat na i-sedate."
Hindi siya sumagot. Binuksan ni Emily ang silid na kinaroroonan ni Tamara. Sa kabila ng lahat ay gusto niyang pagtakhan ang paglalagay ni Emily kay Tamara sa isa sa mga suite ng ospital.
Parang may kumuyumos sa dibdib niya nang makita ang natutulog na si Tamara. He attributed his feelings to guilt
"It was my fault that she had an accident, Emily." His face was grim as he paced the room. Huminto siya sa paanan ng kama nito. "She... she looked pale."
"Sean, will you calm down, for heaven's sake!" ani Emily sa mataas na tinig sa nakikitang pagkataranta niya. "Paano mong naging kasalanan ang pagkakaaksidente niya?"
"Pabalik siya rito mula sa San Ignacio. It's easy to guess that she went there for her gasoline. Kinausap ko ang mga gasolinahan na huwag siyang bigyan ng serbisyo. Ganoon din si Gener Mercado at ang ilan pa..."
Hindi kumibo si Emily at huminga nang malalim. Kahit paano ay may bahagi ito sa nangyari. Kung napahamak si Tamara ay pare-pareho nilang dadalhin sa budhi nila iyon.
"I am sorry about this, Sean. I really am. Pero hindi natin hawak ang damdamin ni Mama. At hindi ko ipakikipagsapalaran iyon."
Hindi siya kumibo pero nanatiling madilim ang mukha niya habang nakatitig sa natutulog na si Tamara. Kung napahamak ito ay hindi niya mapapatawad ang sarili.
HER FOGGED brain registered several unpleasant things at once. Nanunuyo ang lalamunan niya, her mouth held a terrible taste, at ang nananakit niyang ulo ay tila sinaksakan ng napakaraming bulak.
She opened her eyes to slits, and wherever she was, it wasn't her bedroom. The place looked like a... a hospital.
Hospital! Mabilis na gumana angmemorya niya. Ang mabilis niyang pagmamaneho... ang pagsulpot ng truck sa kurbada at...
But in her fogged mind, another accident in another time had registered. Shock set in. Then the hysteria.
"Elliot, no! Oh, my God! Elliot!"
"Tamara..." Strong hands held her shoulders and shook it gently. "Tamara, it's all right."
In her hysterics she hadn't failed to recognize the voice. She went still. Only one man had that kind of voice. Deep and smoky.
Nagmulat siya ng mga mata. Nakatunghay sa kanya si Sean at nakahawak sa mga balikat mya. The familiar scent of this man assaulted her senses—sandalwood and with a faint scent of lemon. She tensed. Though she thought she must be all right if all her senses were working.
"It's all right," he whispered softly. "You're safe."
Sinikap niyang ikalma at ibalik sa huwisyo ang sarili. She took a deep breath expecting a pain in her chest. Tulad noong una siyang maaksidente kasama ni Elliot. Pero malaya siyang nakahinga. No damage chest.
Sukat doon ay tinabig niya ang mga kamay na humahawak sa mga balikat niya. Si Sean ang kahuli-hulihang taong inaasahan niyang makita.
"I can see this is a hospital. How long have I been here?"
"Three hours," sagot nito. "You were half-conscious when they brought you in. The doctors mildly sedated you."
"Ano ang ginagawa mo rito?" she asked icily.
"You had an accident," sagot nito, lines of worry on his forehead, which surprised Tamara. "Mabuti na lang at sa mga talahib at kugon mo naisuro ang sasakyan mo. You have a slight concussion. Other than that, you're fine."
Nilinga niya ang paligid. "Of course. Pag-aari nga pala ng mga DeSalvo ang ospital na ito. Bakit hindi ako itinaboy rito?" she asked bitterly.
'Tamara—"
"Oh, I see. Hindi ako kilala ng mga doktor at nurse. At hindi mo inaasahang maaaksidente ako kaya hindi mo sila nabalaan na huwag akong tanggapin kung sakaling maospital ako." Sean had the grace to wince.
"Well, it's a surprise I'm still alive," Tamara continued her verbal attack. "It would have been your chance to get rid of me. You could have manipulated the doctors, the nurses. Walang maghahabol."
"It was Emily who informed me of your accident. She's a nurse, remember? We are not a bunch of murderers, Tamara," he said grimly. "And no matter what you think, we wish you no harm."
"No kidding?" she said sarcastically. Pagkatapos ay tumayo, hindi ininda ang sakit ng ulo. Subalit umikot nang bahagya ang paningin niya at bumuway siya. Maagap siyang hinawakan ni Sean sa braso subalit tinabig niyang muli ang mga kamay nito.
"Huwag mo akong hawakan!"
He sighed, torn between amusement and worry. "Naaksidente ka na at lahat pero matapang ka pa rin."
"Kasalanan mo kung bakit ako naaksidente!"
"Nasa gitna ka ng daan ayon sa mga nakasaksi."
"I was angry... No, I was furious, damn you! Kailangan ko pang magtungo sa San Ignacio para magpagasolina at mamili!"
"I'm sorry, Tamara," he said sincerely. "Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nasaktan ka."
Umismid siya. "That's the height of hypocrisy, DeSalvo. But better luck next time. I am not that easy to get rid of." Bumaba siya ng kama, sa pagkakataong iyon ay sinikap niyang lumakad nang maayos.
Sa gilid ng mga mata niya ay nakikita niyang nakaantabay ito kung sakaling bumuway siyang muli. Nasa mesa sa gilid ng kama ang handbag niya at sa silya ay nakasampay ang mga damit niya. Noon lang niya natantong asul na roba ng ospital ang suot niya at maliban sa tali ay bukas ang buong likod niya.
"Gusto kong magbihis. Kung maaari ay lumabas ka."
"Where do you think you are going?"
"Home. If you think that that accident had been enough to drive me away. You're very much mistaken, DeSalvo. I am staying. Nothing short of murder can keep me away from this town!"
"Hindi ka pa maaaring lumabas ng ospital, Tamara. I requested for a head-scan—"
"Nothing's wrong with my head, that I am certain. At hindi ko gustong manatili sa isang lugar na pag-aari mo," she said coldly. "Baka hindi na ako magising uli."
Tumikom ang mga labi ni Sean. May panganib na gumuhit sa mga mata. "Then I'll take you home."
She smiled without humor. "How nice. But no thanks. Uuwi akong mag-isa."
"Tamara, be reasonable," anito. "Pinahila ko ang sasakyan mo mula sa pinangyarihan ng aksidente at kasalukuyang nasa talyer iyon. Wala kang magagamit na sasakyan."
"Ipadala mo sa akin lahat ang gastos sa ginawa mo," aniya sa walang emosyong tinig. "At may mga tricycle naman diyan sa labas, 'di ba? Malibang pati tricycle ay binilinan mong huwag akong isakay?"
Naningkit ang mga mata nito. "Huwag ka ngang parang bata..."
Umangat ang mga kilay niya. "Hah! At ako pa ang parang bata?" Nilinga ang telepono. Dinampot iyon. "Paano ang pagtawag sa cashier?"
"Forget it, dammit!" Sean said harshly, kinuha ang telepono sa kanya at ibinagsak iyon sa cradle nito. "Kung gusto mong umuwi ay ihahatid kita sa ayaw mo at sa gusto!"
"No."
"Then fight me."
Napatingin dito si Tamara. At nakita niya sa anyo nito na ano man ang gawin at sabihin niya ay ito pa rin ang masusunod.
Lumakad ito patungo sa pinto. "May tatlong minuto ka para magbihis." His finger pointed at her. "And don't do anything foolish. Nasa second floor tayo."

Sensual by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now