Chapter 19

3.4K 50 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

SA NAKALIPAS na dalawang araw ay inabangan ni Tamara sa local newspaper ang balita tungkol sa truck na nahulog sa bangin subalit wala siyang nabasang pangyayari tungkol doon. Wala marahil local reporter na nakaalam sa pangyayari.
Sa ikatlong araw ay tinawagan siya ni William at ipinaalam sa kanya na walang ano mang record ang LTO tungkol sa sasakyan ni JD sa nakalipas na mga taon mula sa mismong taong umalis ito sa Trinidad.
"I pulled some strings, Tam," wika nito. "Nag-inquire na rin ako sa mga bangko, baka gumagamit ng credit cards si JD mula noon. The result is nil. It was as if your JD had dropped from the face of the earth after that night. I am sorry."
"Thank you, Wil. You've done enough." She disconnected, wondering what William meant by pulling some strings. At pumasok sa isip ang sinabi nito noong huli silang magkita: Dati akong nakikipagkarera sa fast lane...
What did he mean by that? Ngayon niya lubusang natiyak na wala siyang alam tungkol sa kaibigan niya. But as of now, ang mga lihim ni William ang kahuli-hulihan sa mga suliranin niya.
She went out of the house and drove to Sara's place. Baka kahit paano ay may malaman siya.
"Hi, long time no see!" nakangiting bati ni Sara. "Balitang-balita sa bayan ang pagkakabili mo sa bahay ng mga Mijares, ah."
Umupo siya sa isa sa apat na silyang nakapaligid sa mesa. "Salamat nga pala sa pagkakarekomenda mo sa bahay nila."
"Ako pa nga ang dapat magpasalamat. Kumita ako roon. Malaki ang naging komisyon ko mula sa mga Mijares. At kahit ang ahente mo ay nag-abot din." She was referring to William. "Ano nga pala ang gusto mong kainin? On the house."
"Thank you, Sara. Hindi magugustuhan ni Sean DeSalvo na tinatanggap mo ako rito sa restaurant mo."
Umingos ito. "Alam mo, mabait naman si Sean. Wala pa akong narinig na may nagreklamo sa kanya. Siguro ay dahil lang sa nangyari sa pamilya niya kaya ganoon ang hiring niya sa iyo. Pero huwag kang mag-alala, hindi ako tulad ng mga tagarito at kaya kong pumili ng magiging kaibigan nang hindi ako dinidiktahan."
She smiled. "Kung ganoon ay pagbibigyan kita sa alok mo. Masarap yong pancit mo noong huli akong nandito."
"Tikman mo naman ang ginatang bilo-bilo ko." Tumayo ito at lumakad patungo sa likod ng counter. Ilang sandali pa ay bitbit na nito ang isang mangkok ng ginatan at inihain sa harap niya. "Masarap iyan."
"Mukha nga," she said appreciatively. Sumubo at ilang sandali pa'y magana na siyang kumakain. Nang mag-angat siya ng tingin ay nakatitig sa kanya si Sara.
"Hindi ka nagtungo rito para kumain, ano?" banayad nitong tanong.
Ilang subo muna ang ginawa niya bago tahimik na tumango. "Ikinalulungkot kong nabuhay ang iskandalong nangyari dahil sa pagbabalik kong muli," she said. "Pero may gusto akong malaman, Sara."
"Kung alam ko ang sagot ay sasabihin ko sa iyo. Ano iyon?"
"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa iyo ito, pero..." she stalled. Nang matuon ang pansin niya sa counter. May matandang babaeng nakatingin sa kanya. At sa paraan ng pagtitig nito ay natitiyak niyang kilala nito ang nanay niya.
"Biyenan kong babae. Huwag mo siyang pansinin. Ano ang itatanong mo?"
"Gusto kong malaman kung maliban sa nanay ko ay may iba pang babaeng kinakatagpo si JD noong mga panahong iyon. I mean, hindi lang kasi si Nanay ang babaeng..." Ibinitin niya ang sinabi.
"Alam ko. Nabanggit ng biyenan kong may ibang mga babaeng nagkakagusto kay JD. Pero walang ibang babaeng nag-udyok dito na iwan ang pamilya..."
Hindi magawang pasinungalingan ni Tamara iyon. Paano niya sasabihin ditong hindi naman magkasama sina Bernadine at JD nang gabing iyon?
"Pero hindi ako nanghuhusga, Tamara... Iyan ang pangalan mo, 'di ba?"
Muli siyang tumango. "Thanks. Sa palagay mo, alam kaya ng biyenan mo kung sino ang ilang babaeng idine-date ni JD noon?"
"Malamang," sagot nito, bahagyang sinulyapan ang biyenang babae sa counter. "Hayaan mo at itatanong ko. Pero bakit gusto mong malaman, kung hindi mo mamasamaing itanong ko?"
"Personal ang dahilan, Sara. Sasabihin ko sa iyo sa ibang pagkakataon kapag nalaman ko na ang gusto kong malaman."
"Gusto mo bang itawag ko sa iyo pagkatapos?"
"Please." Ibinigay niya rito ang cell phone number niya. Ang pag-uusap nila ay nauwi sa ilang neutral na topic. Hindi nagtagal ay nagpaalam na siya.
Hanggang sa makasakay siya sa kotse niya ay hindi niya napuna ang itim na sasakyang nasa dulo ng parking lot ng restaurant Ang sakay niyon ay matalim ang tinging nakasunod sa kanya.
"I CAN'T take this anymore, Sean!" bungad ni Sylvia nang pumasok sa conference room.
Agad na natuon ang atensiyon ng limang taong nakapaikot sa conference table dito. Ang accountant, si Patricia, si Attorney Bustos, na siyang abogado ng pamilya na isa sa mga stockholder, si Emily at ang sekretarya ni Sean na kukuha ng minutes ng meeting.
"Mother, you're ten minutes late," paalala ni Sean sa ina. Hindi pinansin ang sinabi nito. Naghihisterya si Sylvia sa kahit na anong maliit na bagay na hindi nito naiibigan sa kontroladong paraan. "Hindi namin masimulan ang meeting dahil hinihintay ka."
"Damn meeting!" she snapped. "I can't believe that woman is doing this!"
Nagkatinginan sina Sean, Patricia, at Emily. Agad na sinulyapan ni Patricia ang accountant at ang sekretarya. Tahimik na tumayo ang mga ito at lumabas ng conference room.
Subalit nagpaalam din ang matandang abogado. "Nasa labas lang ako, Sean, kung may kailangan," wika nito. Banayad na hinawakan sa balikat si Sylvia bago tuluyang lumabas.
"So who is it that you can't believe doing what?" Sean asked calmly.
"Ang babaeng iyon!" wika nito sa matinis na tinig. "Nagtatanong siya sa mga tao tungkol kay JD!"
Ilang sandali ang pinalipas ni Sean. Hindi niya kailangang itanong kung sino ang tinutukoy nito. "Ano ang ibig n'yong sabihin, Mama?"
"Nag-uusisa siya sa ilang tao tungkol sa ama mo, Sean," ulit nito. Itinaas ang mga kamay sa ere. "Binubuhay niya ang iskandalong nangyari noon. Oh, god! Nitong nakalipas lang na mga araw ay may tao namang nag-uusisa tungkol kay JD. I don't understand this."
"Please sit down, Sylvia," ani Patricia at hinila ang upuang binakante ng isa sa mga lumabas. "Hamigin mo ang sarili mo. Mapag-uusapan natin ito nang hindi ka naghihisterya."
"Gaano katotoo ang balitang iyan?" Sean asked in a remote voice.
"Ang mismong nagsabi sa akin ay si Gener Mercado! Kaninang tanghali ay dumating sa tindahan niya si Tomasa, 'yong may anak na seaman. Ayon sa kanya'y nagtungo sa restaurant ang babaeng iyon . kaninang umaga at kinausap ang manugang niya. Pagkaalis ng babaeng Alba ay nagtanong daw ang manugang niya kung sino-sino raw ba ang naging babae ni JD noong araw!"
Tahimik na nagkatinginan sina Emily at Sean.
"At noong nasa Lipa ka ay may dumating na tao sa resort. Nagkunwaring negosyante pero nag-uusisa tungkol din sa ama mo. Hindi ko naiintindihan ang nangyayaring ito! Pinag-uusapan na ako ng mga tao, hijo. Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanila?"
"Tulad din ng mukhang iniharap mo sa kanila sa nakalipas na labing-isang taon, Sylvia," Patricia said, her voice laced with dry humor.
"Hindi ako makapaniwalang sinasabi mo sa akin iyan, Patty. Ikaw ang inaasahan kong higit na nakakaintindi sa akin."
"Naiintindihan kita, Sylvia. Naming lahat. But you are making a mountain out of a mole hill."
"Ano iyong binanggit ninyong may nag-uusisa tungkol kay JD nang nasa Lipa ako?"
"Tell your brother, Emily!"
Emily sighed. "Tinawagan ako ni Melen, Sean. There was this man, he said, late twenties or early thirties, who arrived at the resort. Sa una'y nagkunwang isang negosyante at balak magtayo ng negosyo rito sa atin. May mga residente siyang kinakausap sa beach. Pero kilala mo naman si Melen, agad niyang natunugan ang lalaki."
"Kilala ko si Melen, a busybody. Hindi ninyo siya dapat pinapatulan."
Napaungol si Sylvia. While disappointment crossed Emily's face.
"Bakit hindi mo mapaalis dito ang babaeng iyon, Sean?" Emily asked nervously. "Hindi mo ba nakikita ang ginagawa niya sa atin? Malamang na inutusan niya ang taong iyon upang mag-usisa tungkol kay... Papa."
Huminga nang malalim si Sean. "Una, hindi ko mapapaalis nang basta-basta si Tamara sa bahay niya. As I told you before, she bought the house. Pangalawa, hindi ako naniniwalang may inuutusan siyang mag-usisa tungkol sa iskandalong nangyari eleven years ago.
"Ano ang mapapala niya? She is now a very successful woman. I met her in Lipa when I was there days ago. Pag-aari niya ang pinakamalaking jewelry store sa siyudad na iyon na may sangay sa ibang lugar."
Emily turned towards her brother sensing the pride in his voice. She met Sean's dark eyes. Confused, she lowered her gaze on her lap.
"Sylvia," ani Patricia, "kung sakali mang nag-uusisa si Tamara tungkol kay JD ay may karapatan siyang gawin iyon."
Sean's head jerked towards Patricia. Umangat ang likod mula sa sandalan ng swivel chair. "Karapatan? Saan siya kukuha ng karapatang gawin iyon, kung totoo man ngang nag-iimbestiga siya?"
Sylvia nodded in agreement. "Exactly!" Then she strode towards the door. Nasa pinto na ito nang lumingon. Nakabalatay sa magandang mukha ang pagdurusa. "Promise me that you will do something about that woman, hijo."
"I will, mother, I promise," he said. Kung paano niya gagawin iyon ay hindi niya alam.
"You can't leave, Sylvia. Naka-schedule ang financial meeting ngayon," paalala ni Patricia.
Muli nitong sinulyapan ang anak. "Postpone the meeting, hijo. I don't think I can concentrate on any topic that will be discussed right now. I have this terrible headache. Sumusumpong na naman ang migraine ko." She swayed a little before she went out of the room.
Sinulyapan ni Emily si Sean bago nag-aalalang tumayo at sinundan ang ina palabas.
Patricia sighed. "Sean, that Alba woman hasn't seen her mother ever since. May palagay akong gusto niyang makibalita rin naman tungkol sa nanay niya kaya nag-uusisa siya tungkol kay JD."
Napatitig siya kay Patricia habang dahan-dahang bumalik sa pagkakasandal. Hindi man niya gustong aminin ay may katwiran ito. Muli ay gumuhit ang guilt sa dibdib niya. Kahit paano ay may gulang na siya nang umalis si JD, kahit nga ba wala siyang gaanong kamalayan sa negosyo. Pero sa tulong ni Attorney Bustos at ni Patricia ay nagawa niyang mapaunlad ang mga negosyong naatang sa mga balikat niya.
But it was different with Tamara. She had only been fifteen then. Still a child and helpless. There had been no one for her. At itinaboy niya. Wala siyang alam sa naging buhay nito at ng mga kapatid nito pagkatapos ng gabing iyon. Kaya naman lihim niyang pinasasalamatan ang pag-ahon ni Tamara mula sa mahirap na kalagayan. Marahil ang namatay nitong asawa ang may malaking tulong na nagawa para kay Tamara.
"Leave her alone, hijo," patuloy ni Patricia. "Makakasanayan din ni Sylvia ang presensiya ni Tamara Alba sa bayang ito. Sooner or later things would go back to normal."
Duda siya roon. Mula nang magbalik si Tamara sa Trinidad ay hindi na normal ang lahat ng bagay sa kanya.
"Hindi ko magagawa iyon, Tita Pat," aniya. Tumayo siya at tinungo ang wine tray. Nagsalin ng alak sa baso at dinala iyon sa tabi ng bintana at tahimik na sumimsim. "Kailangan niyang umalis sa Trinidad bago pa higit na masaktan sina Mama at Emily."
"Por dios, porsanto, hijo! Bakit hindi mo magawang lubayan ang babaeng iyon?" Patricia asked worriedly.
"Naiipit ako sa pagitan ng isang malaking bato at ng isang matigas na bagay, Tita Pat, kung ang pag-uusapan ay si Tamara Alba. Ang bato ay ang pamilya ko..." He sipped from his goblet and added harshly. "At ang matigas na bagay ay ang nasa pagitan ng mga binti ko."
Manghang napatitig si Patricia sa kanya.
"Nagmana ba ako kay JD pagdating sa mga babaeng Alba?" he mocked himself. "Iyon lang ang paliwanag na maaari kong maibigay." Ang konsolasyong matatawag niya ay iyong kahit minsan ay hindi siya naakit kay Bernadine o sa stepdaughter nito. Tanging kay Tamara lang.
"Hindi mo magagawa iyan, Sean," manghang usal ni Patricia. "Tama ka, sasaktan mo nang labis si Sylvia... at si Emily. My god, dadagdagan mo ang problema ni Emily. Hanggang ngayon ay hindi niya magawang magsabi kay Sylvia na magpapakasal sila ni Marc. Tatlong taon na silang magnobyo at pareho nang nagkakaedad."
"That's Emily's problem, Tita Pat. Mas matindi ang pag-aalala niya para kay Mama. Katunayan ay dahil sa kanya kung kaya kailangang tiyakin kong kailangang umalis sa Trinidad si Tamara."
"Pero paano mo gagawin iyon kung ganyang ikaw mismo ay naaakit sa babaeng iyon? Paano ang kahihiyang muling daranasin nina Sylvia at Emily?"
"Sa palagay n'yo ba'y hindi ko alam iyan?"
Uncomfortable silence hung in the air. Pagkatapos ay tumayo si Patricia. "Lagi na'y may matino kang kaisipan, Sean, ano man ang sirkumstansiya. Sana'y pairalin mo iyon," wika nito bago lumabas ng silid.
And angry laugh rumbled in his throat. Matinong kaisipan. Shit. Pagdating kay Tamara nawawala iyon.
"YOU'RE kidding!"
Sinulyapan ni Sean si Marc, isang orthopedic doctor at nagtatrabaho rin sa ospital ng mga DeSalvo. He was his best friend since elementary days. Had been married and widowed for years and now his sister's fiancèe.
"Shit, pare, but I can't control my urges where Tamara was concerned. Remember that night eleven years ago? Huwag mong itanggi sa aking hindi mo pinagnasaan ang labinlimang taong gulang na batang Tamara?"
"Magiging ipokrito ako kung sasabihin kong hindi. Pero nagkita na kaming muli ngayon, Sean. I was surprised to see her uncanny resemblance to her mother. And yet Tamara was different. The sensuality is there but... respectable at the same time. I can't explain."
"I know what you mean."
"But believe me, I won't pursue her."
"It's because you are in love with my sister for years now, Marc. And you're a one-woman man. Kahit nang ilang taong pinahihirapan ng sakit niya si Nancy ay hindi mo magawang bumaling sa ibang babae para lang magparaos."
Marc sighed worriedly. "So what now?"
"Gusto ko siyang ibahay sa ibang lugar. Sa malayo-layo, iyong hindi malalaman nina Mama at Emily. Plano ko ay sa Tagaytay. Nakaplano na ang pagtatayo ko roon ng sangay ng Le Roche."
"At ano ang sabi ni Tamara sa plano mong iyan?"
He closed his eyes, images of soft and velvety lips and luscious breasts formed his mind.
"Sa ngayon ay hindi niya gusto. Nagagalit. But believe me, Marc, hindi ko solo ang damdaming ito. Kung sana nga'y ganoon, madali para sa aking ibaling sa ibang babae ang pagnanasa ko. We have this mutual attraction for each other." He turned to face his friend.
"At alam mo bang pinagseselosan ko ang kaibigan niya nang madatnan ko ito sa kanila at nakayakap si Tamara sa kanya? My god, I was jealous of the man!" He chuckled softly. "Sa sandaling iyon ay parang gusto kong pilipitin ang leeg ni William—that's her friend's name."
Curiously, Marc stared at Sean. He opened his mouth to say something and then changed his mind. Let Sean find out the truth of his own feelings, Marc thought as he strode towards the door.
"I don't want to be in your place, Sean."

Sensual by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now