Chapter 7

3.3K 52 1
                                    

CHAPTER SEVEN

NANG araw ding iyon ay dumating sa DeSalvo mansion ang kaibigan at matandang abogado ng pamilya at isa sa minor stockholders. A man in his late sixties. Kamakailan lang ito nabiyudo at ang dalawang anak ay pawang nagtatrabaho sa ibang bansa.
"I don't understand, Uncle Manuel," naguguluhang sabi niya. Isinandal nang wala sa loob ang likod sa sandalan ng swivel chair. Walang iniwang dokumento si JD na isinasalin sa kanya ang pamamahala maliban sa last will and testament nito na alam naman nilang lahat na matagal nang ipinagawa ni JD.
"Kung pinlano ng Papa ang pakikipagtanan kay Bernadine, bakit hindi siya nag-iwan ng mga dokumento para sa akin?"
"Hindi ko rin maintindihan, Sean," sagot ng matandang abogado, napapailing. "Pero huwag kang mag-alala, hijo, dahil majority ng stocks ng kompanya ay pag-aari ninyong mag-anak. Sa board meeting na darating, you will have the majority of the votes since your mother and sister can vote for you."
"Postpone the meeting of the board," utos niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin at mararam-daman. Nangangapa siya sa dilim.
"Legal pa rin naman ang power of attorney na ginawa ni JD para kay Sylvia—"
"May power of attorney si Mama?"
"Oh, years ago. Mga bata pa lang kayo ni Emily. If I remember correctly, it had been weeks after Patricia joined the company. Ang mama mo ang humiling na bigyan siya ng power of attorney. Pero nitong nakalipas na mga taon ay nakilala ko nang husto si Patricia kaya natitiyak kong hindi sa kanya galing ang ideya.
"Hindi niya isusuhestiyon na pagkalooban ni JD ng power of attorney ang isang asawang walang interes o kaalam-alam sa negosyo, kahit pa nga ba magkamag-anak sila ni Sylvia. Patricia's loyalty to her job and to your father is commendable. Anyway, your father obliged the request. I don't think JD would have denied Sylvia anything—"
"Except Bernadine," poot niyang pahayag.
"Oh, Sylvia would not deny JD his women, Sean. We both know that."
Hindi siya kumibo. Bilang magkaibigan ay natitiyak niyang naihihinga ng papa niya ang suliranin nito kay Sylvia.
"Nasa pag-iingat ng mama mo iyon at baka nga hindi na rin naaalala," the lawyer said. "I think I still have a copy of that. In the absence of a new one, legal pa rin iyon."
Nakahinga nang maluwag si Sean. Natitiyak niyang nalimutan na iyon ng ina lalo at hindi naman ito interesado sa negosyo ng pamilya. Mas nakatuon ang interest ni Sylvia sa perang maaari nitong gastahin sa paglabas-masok sa bansa.
Mayamaya pa ay nagpaalam na ang abogado. May ilang sandali siyang nanatiling nakatitig sa kawalan. Inikot ng paningin niya ang loob ng study ni JD. Kinalakhan na niya ang silid na ito ng ama. Kinasanayan niyang naroroon ito pagkagaling sa opisina kung napapaaga ang uwi at walang lakad.
Ngayon ay nasa mga balikat niyang lahat ang responsibilidad.
Ang hindi niya maunawaan ay kung bakit siya nito sinanay sa pamamahala nitong nakalipas na taon kung wala rin lang itong preparasyong inihanda sa paghahalili niya?
Maliban sa kotse nito, walang dinalang anuman si JD. Kahit personal na gamit. It was as if Sean's father left in haste.
His father was a thorough and very organized man. Ano ang mayroon si Bernadine at nagawa nitong mawala sa matinong kaisipan ang papa niya? Higit sa lahat ay ang talikuran ng ama niya ang lahat ng ito?
Magkanong pera ang naitago ni JD para sa layuning ito?
Screw the Albas!
Nagulantang pa siya nang isang malakas na tili ang marinig niya mula sa itaas. Napatayo siyang bigla at tinakbo ang pinto palabas. Dinala-dalawang hakbang niya ang mga baitang ng hagdan papanhik.
Nakasalubong niya ang sumisigaw na mayordoma sa landing. Si Emily ay nakaroba pa at mukhang galing sa banyo.
"Ano ang nangyari?" halos magkasabay na tanong nina Sean at Emily sa mayordoma na napuno ng sindak ang mukha. "Bitbit pa rin nito ang tray ng hapunan ni Sylvia sa nanginginig na mga kamay.
"Si ma'am Sylvia!" she cried hysterically. "Si ma'am Sylvia! Diyos ko po!"
Gumapang ang takot sa kalamnan ni Sean at tinakbo ang silid ng ina kasunod si Emily. Natagpuan nila si Sylvia na nakadapa sa kama nito. Sa mga kamay nito ay naroroon pa ang bote ng sleeping pills. Ang ilang tableta ay natapon sa bedsheets.
Emily turned to stone as she gazed at her mother in pure terror.
"Give her CPR, Emily!" hiyaw ni Sean sa kapatid at saka pa lang ito kumilos at tinulungan ang kapatid na itihaya si Sylvia upang bigyan ng first aid.
Nilingon ni Sean ang mayordoma na nakatayo sa labas ng silid at walang tigil sa paghagulhol. "Ipalabas mo kay Selmo ang sasakyan, Manang Rosa! Dadalhin ko sa ospital si Mama!"
MAGKASUNOD na dumating sa ospital sina Patricia at Attorney Bustos. "What happened?" It was Patricia. Si Attorney Bustos ay pinisil si Sean sa balikat.
Bahagya na siyang lumingon. He felt sick to the bottom of his stomach with worry for his mother. Ilang upos na ng sigarilyo ang nasa ashtray na nakatayo sa may gilid ng waiting bench.
"She overdosed on sleeping pills."
Napaungol si Patricia. "Where's Emily?"
"Nasa loob ng ER, assisting the doctor. They were pumping her stomach." His voice was shaky. Hindi niya mapapatawad si JD kapag may nangyari sa ina.
Patricia pulled him to her, like a little lost boy. Pinigil ni Sean ang sarili upang huwag bumigay. He was twenty-one, for Pete's sake! Napakatagal nang panahon mula nang huli siyang yakapin at aluin ni Patricia dahil nasugatan siya nang matumba siya sa bike.
"Magiging maayos din ang lahat, Sean..."
His head snapped. Kumawala mula rito. "Paanong magiging maayos ang lahat? My father ran away with that slut, si Mama ay nagtangkang kitlin ang sariling buhay!"
"Hindi ako makapaniwalang ginawa ito ni Sylvia," ani Patricia. "Sylvia is too vain, too self—"
"Sylvia couldn't handle the scandal, Pat..." banayad na sabi ni Attorney Bustos.
Tumango si Patricia. Alam nilang tatlo na ang ginawa ni Sylvia ay hindi dahil sa sakit o pagmamahal kay JD kundi hindi nito kayang dalhin ang kahihiyang idudulot niyon sa pamilya.
Sylvia hadn't been bothered by her husband's womanizing. Katunayan, may palagay si Sean na ipinagpapasalamat pa nito iyon. She kept herself busy with her community charity works and social affairs.
Nagsimula lang mag-react si Sylvia nitong nakalipas na mga panahon nang matiyak nitong sa lahat ng mga naging babae ni JD ay si Bernadine ang nanatili. At hindi na nito magawang sitahin si JD doon. She had condoned his husband's womanizing for too long.
Pero isang sampal sa pagkababae nito ang ginawa ni JD na iwan ang pamilya. Na ipinagpalit nito si Sylvia kay Bernadine.
Nag-angat si Sean ng mukha nang marinig ang langitngit ng pinto ng ER. Lumabas ang doktor na nag-alis ng clinical mask. Agad na tumayo si Sean at Patricia.
"Kumusta ang Mama, Doktor?"
"Nothing to worry," he said, smiling at Sean. "Ligtas na si Mrs. DeSalvo. Nasa recovery room na siya at binabantayan ni Emily. She hadn't taken that much pill to endanger her life. Mabuti at naagapan ninyo."
Halos manlupaypay si Sean sa pagtakas ng tensiyon sa katawan niya. Their mother might not be the best of mothers. O sabihin nang hindi ito dapat naging asawa at ina. But still, she was their mother. And though Sylvia wasn't caring she wasn't abusive either. Sa gawa man o sa salita.
And in her remote way, Sylvia favored Sean most. Hindi iyon binibigyang-halaga ni Emily at patuloy ito sa pagsisikap na mapalapit sa ina. Emily adored her father. Pero hindi nito kailangang palugurang higit si JD dahil mapagmahal at masuyo ito sa mga anak. Nakatuon ang atensiyon ni Emily sa ina, nagsisikap na pansinin ito at mahalin din tulad ng papa nila.
"You may see your mother, if you want," wika ng doktor. "Pero bukas na siya magigising." Hinawakan nito sa balikat si Sean at tinanguan sina Attorney Bustos at Patricia bago tumalikod.
"Kung gusto ninyong makita ang Mama ay kayo ang bahala, Tita Pat, Uncle Manuel. May pupuntahan lang ako."
Nasa mga mata ni Patricia ang pagtatanong pero minabuting tumango at humakbang patungo sa recovery room.
Niyuko ni Sean ang relo sa braso bago pumasok sa sasakyan. Alas-nueve ng gabi. It's payback time.
"ANO ANG gagawin mo sa mga gamit ni Nanay?"
"Hindi na babalik si Nanay, Tam," anito at kinuha ang paboritong pabango ni Bernadine sa ibabaw ng tokador at ilan pang gamit nito.
"Hindi tayo nakatitiyak, Terry," sagot niya, tears stinged her eyes. "Hindi aalis si Nanay nang hindi man lang nagpapaalam sa atin."
Terry rolled her eyes. Binuksan ang aparador ni Bernadine at inisa-isang sinipat. "Dahil natitiyak ni Nanay na hindi tayo papayag. Na pipigilan natin siya, lalo ka na. Minabuti niyang umalis nang walang paalam at walang dala kundi bag niya." Kinuha nito sa rack ang isang itim na blusa ni Bernadine. "Isusuot ko ito."
Tamara covered her mouth with her hand to keep from screaming at her half sister. Umupo siya sa gilid ng kama ng ina at hinaplos ang higaan. Pagkuwa'y kinuha ang unan at niyakap iyon. Tuluyan na siyang umiyak.
"P-paano na ako ngayon?" Umaalog ang mga balikat niya sa kontroladong pag-iyak.
"Di pumasok kang tindera sa bayan o serbidora kaya," bale-walang sabi ni Terry. Sandaling natigilan at tinitigan siya. Pagkatapos ay nagbuntong-hininga. Umupo sa tabi niya. "Hindi ko malaman kung maaawa ako o maiinis sa iyo, Tam. Sa uri ng mga magulang natin, kailangan nating maging praktikal."
Hindi niya makuhang magsalita. Nananakit ang lalamunan niya sa pag-iyak. Ni hindi niya alam kung ano ang magiging buhay niya sa susunod na mga araw kung talagang hindi na babalik si Bernadine.
Maliban sa itinatago at tinipid-tipid niyang singkuwenta pesos ay wala na siyang pera. Ni hindi niya maaasahan ang mga kapatid, lalo na si Elmer na kasalukuyang nasa balkon at umiinom mag-isa na parang walang nangyari.
But then they were not Bernadine's biological children. Hindi tulad niya. Bagaman hindi maituturing na masuyo at mapagmahal si Bernadine ay alam ni Tamara na mahalaga siya sa nanay niya sa sarili nitong paraan.
Hindi totoo iyan. Di sana'y hindi ka niya iniwan... kontra ng kabilang isip niya.
Tumayo si Terry. "Hindi ka kumain mula pa kaninang tanghali. Kapag nagkasakit ka ay lalo na tayong mapeperhuwisyo," wika nito sa mabibilang-sa-daliring pag-aalala sa kanya. "May natira pang kapirasong ulam."
"Hindi ako nagugutom. Mas gusto ko na lang matulog... dito sa silid ni Nanay."
Nagkibit ito ng mga balikat. Muling binalikan ang aparador ni Bernadine at may kinuha pang dalawang damit doon. Palabas na ito ng silid nang marinig nila ang ugong ng paparating na sasakyan.
Nagkatinginan silang magkapatid. Ibinalik ni Terry sa pagkaka-hanger ang mga damit at lumabas. Sumunod si Tamara.
Si Elmer ay nakalingon sa parating na sasakyan. Mga sasakyan. Dahil sa dilim ay natatanaw ang napakaliwanag na headlights na kasunod ng nasa unahan.
Kinakabahang naghihintay si Tamara. Hindi niya maaninag sa dilim kung sino ang mga dumarating. Mas malinaw niyang naaaninag ang maninipis na patak ng mahinang ulan na tinatamaan ng liwanag mula sa headlights.
Nang iparada ng naunang driver ang sasakyan ay natiyak ni Tamara ang hinala niya. Sa gilid ng Wrangler Jeep ni Sean ay pumarada ang kasunod nitong sasakyan, isang Toyota sedan.
Napaungol si Tamara na kipkip pa rin ang unan ni Bernadine. Sa dibdib niya ay naroon na ang matinding kabang may hindi magandang mangyayari sa kanila.
Nang bumaba si Sean sa sasakyan nito ay sumunod ang sakay ng sedan. Tatlong lalaking hindi nalalayo ang edad kay Sean.
"Ilabas ninyo ang mga gamit nila!" utos ni Sean sa mga kasama na ni hindi nag-atubili at dalawa ang tuloy-tuloy na pumasok sa bahay ng mga Alba.
"Ano ang ibig sabihin nito?" hiyaw ni Elmer at tinangkang pigilin ang pagpasok ng isa. Subalit tinabig nito si Elmer na sumuray sa dingding.
"Binalaan ko kayo kaninang hindi ko gustong datnan pa kayo rito!" sigaw ni Sean. "Hindi ko kayo binibiro nang sabihin ko sa inyo iyon!"
Hindi pa nito natatapos ang sinasabi ay may bumagsak nang mga gamit sa lupa na humagis mula sa bintana. Napatili si Terry at tumakbong papasok sa bahay upang samsamin ang sariling gamit.
"Hindi mo magagawa ito, Sean!" nagtapang-tapangang sabi ni Elmer na nawala ang kalasingan.
Umismid ito, bale-wala ang ulang bumabasa rito. "Ginawa ko na. Kunin ninyo ang anumang bagay na gusto ninyong isalba." Humakbang itong ilang hakbang palapit sa bintana. "Ihagis ninyong lahat ang mga basura palabas. Kailangang walang matira sa loob dahil sisindihan ko ang bahay na iyan."
Tila bangungot ang lahat para kay Tamara. Walang matinong isip ang rumerehistro sa utak niya. Lahat ng mga gamit nila'y inihahagis ng dalawang lalaki sa lupa.
Maaaring basura para kay Sean ang mga gamit nila subalit para sa kanya ay iyon na ang kabuuan ng pag-aari nila. Tumakbo siya palabas ng bahay at sinakop ng mga kamay ang maaari niyang madampot. Pagkatapos ay itinatakbo niya iyon patungo sa likuran ng six-wheeler truck na minamaneho ni Elmer.
Muli siyang babalik upang samsamin ang anumang mahagip ng kamay niya at muli ring itatakbo sa truck. Si Elmer at Terry ay nasa balkon pa rin, si Elmer ay nagwawala sa galit, si Terry ay naghihisterya sa pag-iyak.
Pero hindi gustong magsayang ng sandali ni Tamara. Pinabibilis ng takot ang mga kilos niya. Mula sa ilaw na nanggagaling sa mga sasakyan ay natuon ang mga mata niya sa isang kahon ng sapatos na bumagsak sa lupa. Nakatali pa iyon ng asul na ribbon at bahagyang bumuka nang bumagsak.
It was her mother's private things. Tinakbo niya iyon upang damputin nang mula sa kung saan ay may inihagis mula sa loob at nahagip niyon ang balikat ni Tamara.
Impit siyang napasigaw kasabay ng pagkaka-subsob sa nagpuputik na lupa. Somewhere, sa pagitan ng banayad na ingay mula sa buhos ng ulan at ingay ng mga kasangkapang naghahagisan ay naulinigan niyang nagmura si Sean.
Hindi niya matiyak kung bakit pero lalo lang gumapang ang takot sa dibdib niya. Hindi inalintana ang sakit na naramdaman. Sinamsam niya ang mga gamit ng ina.
NAKITA ni Sean ang pagtama ng plastic na timba kay Tamara. Napamura siya nang malakas. Muntik na siyang humakbang palapit upang tulungan itong tumayo. Pero nakita niya sa sulok ng mga mata niya si Marc na humakbang palapit sa batang Alba.
Inalalayan ito ni Marc sa magkabilang balikat at itinayo. "Pasensiya ka na," wika nito. "Hindi ka nila sadyang patamaan."
Sean saw her flinch. Pero hindi kumibo. Ipinag-patuloy ang ginagawa. Her slender body bending and weaving. Mabilis ang mga kilos nito. It was as if she was moving automatically. Nakita ni Sean na napauklo ito nang mahawakan ang isang basag na bagay. Gayunma'y hindi nito inalintana ang sugat sa kamay.
"Terry, ano ba!" sigawnitosakapatid. 'Tumulong kang hakutin lahat ito sa truck."
Lumakad palabas sa balkon si Terry, kipkip ang backpack, humahagulhol at nagsimulang manamsam ng gamit. "Kasalanan ito ng nanay mo, Tamara!" hiyaw nito kasabay ng iyak.
Nanatiling tahimik si Tamara at sige sa ginagawa.
Muli itong nilapitan ni Marc, dinukot ang panyo mula sa bulsa ng pantalong maong nito. "Nahawakan mo ang basag na mangkok, dumudugo ang kamay mo." Itinali nito ang panyo sa kamay ng dalagita.
"Salamat," wala sa loob na sagot ni Tamara. "Elmer, huwag kang tumayo diyan, tumulong ka naman!"
"Huwag mo akong utusang letse ka!" bulyaw nito pero lumabas mula sa balkon at nakitulong na rin kasabay ni Terry.
Sinundan ng tingin ni Sean ang pagbabalik ng bunsong babae sa truck upang ilagay roon ang mga sinamsam na gamit. Hindi nito alintana ang suot na unti-unti nang nababasa. Natataranta ito at hindi man lang napunang naaaninag ang batang katawan nito sa manipis nitong pantulog dahil sa fog lights ng mga sasakyan.
The fog lights were silhouetting her young body, her slim thighs and high, small breasts. Yumuyuko ito, dumadampot ng mga gamit, nag-aangat ng katawan. Sa bawat galaw nito ay nahahatak nito ang manipis at nababasa nang damit pahapit sa katawan upang bumakat ang dibdib. Kapag napatalikod naman ito'y humuhulma ang manipis na nightgown sa kurba ng murang katawan nito.
Sean had no idea how old she was. She must be around fourteen... fifteen. But in the stark, fog lights, her soft brown hair was moving with her like a silk curtain; ang aninong naglalaro sa mukha nito, catching her high cheekbones and darkening her eyes, walang mag-iisip na napakabata pa nito.
Ang mas napapansin ay ang kakaibang pagka-kahawig nito sa ina. Si Bernadine na maglakad lang sa gitna ng daan ay nagagawa nang pag-initin ang dugo ng mga lalaking sumusunod dito ng tingin.
Nanatiling tahimik na nakamasid si Sean sa mga nangyayari. Nasa dibdib pa rin niya ang matinding galit, ni hindi iyon nababantuan kahit bahagya. Lalo na kapag nahahagip ng tingin niya si Elmer na patuloy sa pagrereklamo at pagmumura.
Pero sa kabila ng lahat ay hindi niya makuhang ilayo sa batang Alba ang mga mata niya. Hindi man niya gustuhin ay naaakit siyang titigan ang naaaninag nitong katawan. At nang ibaling ni Sean ang mga mata niya sa mga kasama ay napuna niyang kay Tamara din nakatitig ang mga ito.
Tumiim ang mga bagang niya. Her slut of a mother took JD away from his family that almost cost his mother's life. His sister was bitter that he had no idea what would become of his family in the next few days. At hindi rin niya alam kung paano niya gugugulin ang mga susunod na araw upang pamahalaan ang negosyo ng pamilya. Higit sa lahat, paano kung maibagsak niya ang kabuhayan nila sa halip na maisalba?
At sa gitna ng lahat ng iyon, heto ang batang Alba, na tulad ng ina ay nagagawang pag-initin ang mga kaibigan niya sa pamamagitan lamang ng pagtitig dito.
Tamara's half sister was older and with enough flesh that shaped her body. Pero maingay ito at mababang uri. Hindi siya nagtatakang ni hindi ito tinatapunan ng tingin ng mga kasama niya.
His eyes moved back to Tamara. Tila ito diwata ng gubat na nagsasayaw sa gitna ng gabing maulan. It was as if she wasn't real. Her every move was like a carnal dance.
Sa kabila ng lahat ay nararamdaman ni Sean ang pagkapukaw ng pagkalalaki niya. Lihim niyang minura ang sarili. He couldn't deny the animal heat that was consuming him. Napapahiya siya sa sariling makadama nang ganoon sa isang batang babae.
He cursed silently. Wala siyang ipinagkaiba sa ama niya. Sa galit niya ay wala sa loob siyang napahakbang sa gitna. Si Tamara ay muling iniangat ang katawan at bitbit ang bunton ng mga damit ay lumakad patungo sa six-wheeler truck.
Napatapat sa kanya dahil nakaharang siya sa dadaanan nito. Tumingala ito at nagsalubong ang paningin nila. Pero ni hindi mabasa ni Sean ang damdaming nakapaloob doon. The brown eyes were hooded, mysterious.
Ang nangyari sa pamilya niya sa buong maghapon ay labis-labis para sa kanya. At heto ang batang Alba, without being aware, were evoking feelings he didn't want to feel. Tila malalaking alon ang galit na muling nabuhay sa dibdib ni Sean.
"Madaliin n'yo ang pagkuha sa mga basura ninyo," he said harshly. "Isa kang yagit... basura. Kayong lahat. Kung hindi krimen na sunugin kayo kasama ng mga gamit ninyo'y ginawa ko na."
Itinulos sa kinatatayuan si Tamara. Pero sandali lang iyon. Ipinagpatuloy nito ang paghakbang patungo sa six-wheeler truck. The calm appearance angered him more.
Sinundan niya ito. Hinawakan sa balikat at hinatak paharap. Napasinghap si Tamara. But she didn't so much as flinch.
"Your father had been a good-for-nothing drunken bastard. Ang nanay mo'y puta, tulad din ng kapatid mong babae. Ang kapatid mong lalaki'y magnanakaw at manginginom. Mga batik kayo sa lipunan. Umalis kayo sa bayang ito at huwag na kayong bumalik kailanman!"
Ilang sandali pa'y huminto na sa paghakot ang magkakapatid. Nasa manibela na ng truck si Elmer at pinaaandar ang sasakyan. Si Tamara ay nanatiling nakalingon sa bahay nila. At sa panlalaki ng mga mata niya ay nakita niyang inilabas mula sa sasakyan ng mga ito ang ilang lata ng kerosene.
Malayo na ang nauusad ng truck subalit naka-reflect pa rin sa mga mata ni Tamara ang pagliyab ng bahay nila. She was shocked, horrified. Pero hindi niya makapa sa puso ang galit para kay Sean. Mas nauna na niyang nakita ang masuyong pag-uugali ng batang DeSalvo. Sina JD at Bernadine ang sanhi ngkarahasan niSean.

Sensual by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now