Chapter 5

3.4K 39 0
                                    

CHAPTER FIVE

"ILABAS mo nga pala iyong dilaw kong damit, Tam," utos nito sa kanya. "Ingatan mong hindi masunog. Mahal iyan. Plantsahin mo sa hindi gaanong mainit."
Walang kibong pumasok sa silid ng ina si Tamara. Si Bernadine ay inabot ang tuwalya sa sampayan sa labas at pumasok na sa banyo.
Kasalukuyan nang iniha-hanger ni Tamara ang damit nito nang pumasok sa kuwarto si Bernadine.
Nagsimula nang mag-ayos ng sarili si Bernadine subalit nanatiling nakatayo sa tabi ng pinto si Tamara at pinanonood ang pag-aayos ng ina.
"O, bakit? May kailangan ka?" Humarap ito sa salamin at nagguhit ng kilay. "Kung pera, wala. May pagkain diyan, magluto ka na."
"Sa... sa susunod na buwan ay enrolment na sa kolehiyo, 'Nay," simula niya. "M-makakapag-aral ba ako?"
Tuloy sa pagkorte ng mga kilay si Bernadine, matagal bago sumagot. "Hindi biro ang matrikula sa St. Vincent, Tam. Alam mo namang walang pampublikong kolehiyo sa bahaging ito ng Luzon. Kung mayroon man ay bibiyahe ka pa ng dalawang oras."
"'Nay, libre naman ang kalahati ng tuition ko sa pagpasok ko sa kolehiyo dahil salutatorian naman ako nitong nakaraang graduation..."
Nitong nakalipas na commencement exercise, sinikap ng maraming guro na huwag siyang mapasama sa honor roll, hindi dahil hindi siya karapat-dapat kundi dahil sa reputasyon ng pamilya niya.
Iyon ay sa kabila ng higit pang matataas ang grado niya kaysa sa valedictorian. But the new principal was a fair woman. Kaya sapilitang ibinigay sa kanya ng adviser niya ang karangalang salutatorian.
"Pinagkagastahan ko si Terry sa nakalipas na semestre. Pero tingnan mo ang nangyari, nasayang lang ang pinagpu—pinaghirapan ko. Buong akala ko'y pumapasok, iyon pala'y nakikipag-date sa kung sino-sinong lalaki. Kung sa tiyan ko siya nanggaling ay baka maintindihan ko pa," she said in a self-mocking tone.
"Iba naman ako kay Terry, 'Nay. Ako, gusto ko talagang makapagkolehiyo, makatapos, at makakita ng mabuting trabaho," patuloy siya sa pakikiusap.
"Walang mangyayari sa iyo sa bayang ito," wika nito, bahagyang tumiim ang mga bagang. "Makatapos ka man ay walang tatanggap sa iyo bilang empleyado rito."
"Kung kasi ba naman—"
"Kung kasi ba naman ay hindi ako babae ni JD? O ng iba pang lalaki bago siya?" dugtong nito sa sinasabi niya.
Nagyuko ng ulo si Tamara.
Bernadine smiled without humor. "Nang magpakasal ako sa ama mo'y hindi ko kailanman naisip na magiging ganito ang buhay ko. Sa palagay mo ba'y hindi ako nasasaktan na nagbubulag-bulagan ang ama mo sa mga ginagawa ko?
"Na kinakapalan ng tatay mo ang mukha niya dahil mahina siya? Na kahit ang mga anak niya sa unang asawa niya ay nakikinabang sa tinatanggap kong pera mula sa mga lalaking nakikinabang sa akin?"
Iyon ang kauna-unahang pagkakataong nag-uusap silang mag-ina tungkol sa bagay na iyon. Hindi niya alam kung saan galing ang lakas ng loob niya upang ipagpatuloy iyon.
"May... may mga disente namang trabahong mapag—"
Muli ay pinutol ni Bernadine ang sinasabi niya. "Sino ang tatanggap sa isang tulad kong walang pinag-aralan at elementarya lang ang tinapos, aber?"
Hindi agad makakibo si Tamara. Sa batang isip ay hindi niya matiyak kung may katwiran ito.
"Isa lang ang alam kong gawin, Tamara, ang gamitin ko nang matalino ang kagandahang taglay ko. Kung may dapat kang ipagpasalamat, hindi ako pumapasok sa bar at pinagpapasasaan ng maraming lalaki. At mula nang mamatay ang walang-kuwenta mong ama ay si JD na ang tumutustos sa atin!"
"Eh, 'Nay, may sariling pamilya si JD. Hindi ninyo siya maaaring asahan hanggang sa pagtanda ninyo. Paano na kayo kung hindi na kayo maganda?"
Tinitigan niya ang ina, everything about her was beautiful. Kahit ang mga binti nito'y walang bahid kahit na anong malabong pinagdaanan ng mga pilat.
But she was forty now. Sooner or later, beauty will fade.
"Kuwarentanakayo, 'Nay," pagsasatinigniyang nasa isip.
Sandaling natilihan si Bernadine, masusing tinitigan ang sarili sa salamin. Inisip ni Tamara na marahil ay ini-imagine ng ina ang sarili sa sandaling kulubot na ang mukha nito. Pagkuwa'ydinampot nito ang paboritong pabango at nagwisik sa buong katawan.
"Huwag mong ipaalala ang edad ko, Tamara," she said sourly.
"Gusto kong mag-aral, 'Nay," giit niya. "Para sa ating dalawa. Para sa akin. Para naman kahit paano'y mahinto na ang panlalait ng mga tao sa atin. Pangako, hindi ako mag-aasawa. Aalagaan ko kayo kapag tumanda na kayo."
Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Bernadine. Nagbuntong-hininga. "Mabuti kang bata, Tam. Hindi mareklamo. Masipag sa bahay, masipag sa escuela. Alam kong nagsisikap kang makakawala sa reputasyon natin sa bayang ito. Ikinalulungkot kong maling mga magulang kami ng tatay mo sa iyo. Nabibigyan kita ng kahihiyan. Pero ito lang ang kaya kong gawin, Tam. Hindi ko kayang maglabandera o tindera kaya..."
May bagbag ng damdaming humaplos sa dibdib niya sa lungkot na nasa tinig ng ina. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito. Siguro nga'y hanggang doon na lang ang kakayahan ni Bernadine.
At siguro kung iintindihin pa nito ang pagpapaaral sa kanya ay malamang na lalo lang nitong ilulublob ang sarili sa ginagawa. Agad na gumuhit ang guilt sa dibdib niya. Malungkot siyang nagbuntong-hininga. Tuluyang tinanggap sa sariling hindi na siya makakatuntong sa kolehiyo.
Tipid siyang ngumiti. "Huwag kayong gaanong magpapagabi, 'Nay. Masama ang panahon." Humakbang siya upang lumabas ng silid nang muling magsalita ito.
"Sisikapin kong makapag-enrol ka ngayong semestre na ito, Tam. At kung hindi man kita mapagtapos sa kolehiyo, tinitiyak ko sa iyong hindi mo gagawin ang mga ginawa ko. Mabubuhay ka nang disente." Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. "Kung ang pag-uusapan ay mga pisikal na katangian ay kahawig kita, Tam—"
"Mas maganda ka, 'Nay," she said sincerely. At iyon ang totoo.
A pleased smile appeared on her mother's lips. "Salamat. Pero tulad ng sabi ko, Tam, kahit hindi ka makapag-aral ay titiyakin kong hindi mo susundan ang yapak ko malibang iyon mismo ang gusto mong tahakin. Wala na akong magagawa roon," she sighed fatalistically.
Gusto niyang sabihin sa ina na hindi siya matutulad dito, subalit sasaktan lang niya ang damdamin nito. "Itatawag ko kayo ng tricycle sa labasan, 'Nay," sa halip ay masiglang sabi niya at lumabas.
Sakay ng lumang bisikleta ay tinalunton niya ang nagpuputik na daan patungo sa labasan upang mag-abang ng manaka-nakang tricycle. She welcomed the drizzles and cold wind on her face.
She was ecstatic. Ano man ang ibig sabihin ng ina sa mga sinabi nito ay hindi na mahalaga. Isa lang ang rumehistro sa isip ni Tamara. Sisikapin nitong makapagkolehiyo siya.
That was more than enough.
ALAS-DOSE na ng hatinggabi at patuloy ang pag-ulan, at bagaman hindi naman kalakasan ay may kasamang hangin iyon. Patapos na ang Mayo at nagsisimula nang mag-uuulan.
Gising pa rin si Tamara. Kahit kailan ay hindi niya magawang matulog hangga't wala pa ang lahat ng mga kasambahay niya. Kaya naman malayo pa'y naririnig na niya ang paparating na truck ni Elmer.
Sa katahimikan ng gubat kung saan ang pinakamalapit nilang kapitbahay ay isang daang metro ang layo, ang tunog ng makina ng alinmang paparating na sasakyan ay ingay nang maituturing.
Nasa balkon na si Tamara nang iparada ni Elmer ang truck sa tapat ng bahay nila. Kasunod nitong bumaba si Terry. Parehong tinakbo ng magkapatid ang balkon upang hindi gaanong mabasa sa ulan.
Sa kabila ng ihip ng malamig na hangin at apyas ng ulan sa balkon ay nalanghap ni Tamara ang amoy ng beer mula kay Terry na humalo sa mumurahin nitong pabango.
"Saan kayo nagkita?" tanong niyang pareho sa mga ito.
"Sa bayan," pagalit na sagot ni Elmer na humahalimuyak din sa amoy ng beer. "Putang babaeng iyan at dis-oras na ng gabi'y nasa kalye pa."
"Pareho lang tayo, bro," sagot ni Terry na paismid na ngumiti, sumusuray papanhik. Inalalayan ito ni Tamara nang muntik nang masubsob.
"Bitiwan mo nga ako!" Tinabig nito ang kamay niya. "Hindi ako lasing."
"Hoy, Teresa, lalaki ako," bulyaw ni Elmer dito. "Dieciseis ka pa lang, letse ka. Kamukat-mukat mo'y buntis ka na!"
"Sermon... sermon. Hmp... para bang matino siya," sagot ni Terry at nagtuloy-tuloy sa silid nila ni Tamara.
"May pagkain ba, Tamara?" baling ni Elmer sa kanya.
"Adobong talbos ng pakō at kabute."
"Iyon lang ba ang kayang ipaulam ni Nanay sa atin mula sa pakikiapid niya kay JD?" sarkastikong sabi nito, ibinagsak ang sarili sa sofa na yari sa kawayan.
"May trabaho ka naman, bakit hindi ka mag-abot para maipambili man lang ng bigas?"
"Bakit ko gagawin iyon gayong maraming pera si Bernadine?"
"Paano mo namang nasabi iyan?"
"Alam ng lahat kung gaano kagalante si JD, di lalo na kay Nanay dahil pinakikinabangan niya ito."
"Kay Nanay tayo lahat umaasa, Elmer. At obligasyon mo rin namang tumulong. Lalaki ka at kung magtitino ka sa trabaho mo, di nakakatulong ka at napag-aaral mo pa kami ni Terry."
"Wala akong balak kubain ang sarili ko sa pagtatrabaho para lang sa pag-aaral ninyo," anito pero ni hindi nagmulat ng mga mata. "Kung ako nga'y hindi na nagpursigeng mag-aral pa. Kung ako sa iyo ay titigilan ko na iyang pangarap mong makatapos."
Hindi na niya sinagot iyon. Luminga siya sa pintong nakabukas pa rin at nangikig siya sa lamig ng hanging pumapasok. Napakadilim sa labas. Naririnig niya ang huni ng mga panggabing hayop at insekto. Humakbang siya patungo sa pinto at tumanaw muna sa kadiliman bago isinara iyon.
"Mag-aala-una na pero wala pa si Nanay," she said worriedly.
"Huwag mong intindihin si Bernadine. Nasa kubo iyon sa gubat. Baka naglulunoy sila nang husto ni JD."
"Pero hindi inaabot ng ganitong oras sa pag-uwi si Nanay, Elmer." Tumingala siya sa relo sa dingding. Ito ang kauna-unahang pagkakataong inabot ng ganitong oras na wala pa ang ina.
"Pumasok ka na nga sa silid n'yo!" pasinghal nitong utos. "Malalaman mo naman kung darating iyon dahil maririnig mo ang ugong ng sasakyan ni JD."
Alam niyang may katwiran si Elmer pero nag-aalala pa rin siya. Atubili siyang pumasok sa silid nila ni Terry. Tulog na ito. Ni hindi man lang ito nakapagpalit ng pantulog at halos okupahin pati ang bahagi niya sa higaan.
Ilang sandali muna siyang nanatiling nakaupo sa gilid ng kama bago nagbuntong-hininga at humiga na sa kapirasong espasyong itinira ni Terry.
Sinisikap ni Tamara na manatiling gising at abangan ang pagdating ni Bernadine pero hindi niya kayang paglabanan ang antok.
NAPABALIKWAS ng bangon si Sean nang bumalandra ang pinto ng silid niya at iluwa niyon si Emily.
"Oh, Sean, I'm glad you're awake!"
Muli niyang ibinagsak ang katawan sa kama. Gustong ibaon ang mukha sa unan at bumalik sa pagtulog pero kilala niya ang kapatid kapag may kailangan.
"You woke me up. May sunog ba?"
"Sean, it's nine o'clock."
"Gabi pa sa akin iyan."
"Hindi umuwi si Papa kagabi!" she informed him hysterically.
Natigilan siya. Pero baka nagkamali lang siya ng dinig. Inaantok pa ang diwa niya. He wasn't fully awake. "Calm down, Emily. Ano na nga ang sinabi mo?"
"Hindi umuwi si Papa kagabi! Hindi pa nangyaring hindi umuwi si JD, Sean. Oh, I know all about his women... especially that Alba woman. But he never spent the night with anyone of them. Never!"
Tuluyan nang naglaho ang hibla ng antok ni Sean. Napatitig siya sa kapatid, inirerehistro sa isip ang sinasabi nito.
Hindi umuwi si JD kagabi.
That was unusual. Once or twice a week, JD went to meet Bernadine. She was constant, for almost two years now. Pero maliban kay Bernadine ay may mga babae pang kinakatagpo ang ama niya. The one-night stand kind. Iyong mga uring sadyang nagpapahiwatig. At tama si Emily, kahit minsan ay hindi pa nangyaring nagpalipas ng gabi si JD sa piling ng alinman sa mga babae nito.
Not even with Bernadine.
"How's mother?"
"Tulog pa." She was pacing the room. "Ikaw ang una kong ginising..."
"At paano mong nalamang hindi umuwi si Papa kagabi?"
"Don't be dumb, Sean," she snapped. "Pareho nating alam na ano mang puyat ni Papa ay hindi siya inaabot ng alas-ocho sa higaan. Routine na ni Papa na nasa opisina nang alas-nueve y media. At pasado alas-nueve na. I've been to his room. Maayos ang kama. Ibig sabihin ay hindi natulog kagabi rito si Papa."
Inihilamos ni Sean ang kamay sa mukha. Tumayo na siya ng tuluyan mula sa kama. "There could be a lot of reasons why Father hadn't come home last night, Ems. Baka nasabit sa mga kaibigan niya sa San lgnacio at nakipag-mahjong. O di kaya'y nagtungo sa Maynila. Nitong huli'y malimit na magtungo si JD sa Maynila." Na ipinagtataka niya, dahil tuwing lumuluwas ang ama ay hindi ito nagpapaalam. Nalalaman na lang nilang nasa Maynila pala ito kapag naroroon na at tumatawag sa kanila.
"Hindi nagpapalipas ng gabi sa ibang lugar si Papa nang hindi ipinapaalam sa atin. O tumatawag man lang. Oh, god, Sean! This is getting worse. I cannot believe he would spend the night with that woman!"
Kung sa kubo nga natulog si JD kasama ni Bernadine ay sumasang-ayon siyang lumalala na nga ang pagkahibang ni JD kay Bernadine. Pero kung sa kubo man nagpalipas ng gabi ang ama kasama ang babae nito, dapat ay narito na rin ngayong umaga ito.
If JD hadn't come home last night, Emily would know. Dahil mas naghihintay ito sa pag-uwi ng ama nila kaysa kay Sylvia. Walang pakialam si Sylvia kung anong oras man sa gabi o madaling-araw umuuwi si JD. Ang mahalaga ay umuuwi ito. Iyon lang ang hinihiling ni Sylvia sa asawa.
Hindi sinasadyang narinig niya ang sinabi ng ina sa ama.
"I don't care who you screw, Daniel, but don't ever make a mistake of sleeping the night with your whores. Huwag mong dagdagan ang kahihiyan ko na malaman ng mga taong hindi ka umuuwi sa bahay."
Sylvia and JD had separate bedrooms. Nagkaisip na siyang magkahiwalay sa pagtulog ang mga magulang. At kung pumapasok man sa silid ni Sylvia si JD sa nakalipas na mga taon ay hindi alam ni Sean.
His mother was a cold woman. Tila walang damdamin. She was composed and remote. He had this feeling that Sylvia hated sex. Just as she hated being a mother. Mas abala si Sylvia sa charity works nito. Ang mukha nito ay laging nasa front page ng mga local newspapers.
The height of hypocrisy.
Kahit sa kanilang magkapatid ay hindi ito malambing. Oh, well, kung maituturing mang paglalambing yaong mas pinapaboran siya ng ina kaysa kay Emily. At kapag pinagagalitan siya ni JD sa pakikipagkarera niya ng sasakyan ay may panahong ipinagtatanggol siya ni Sylvia.
Noong maliliit pa silang bata'y wala siyang natatandaang nakikipaglaro sa kanila si Sylvia o kinakandong man lang kaya ang alinman sa kanila. It was always JD who showed them love and affection.
Minsan ay gusto niyang pagtakhang lumabas pa silang magkapatid sa mundong ito. JD was hot-blooded and lusty. And at forty-five, he was very much in his prime. Minsan ay hindi niya masisi ang ama na bumaling sa ibang babae.
Subalit mahigpit ang panghahawakan ni JD sa matatag na pamilya. Naniniwala si Sean na hindi nito hihiwalayan ang asawa. Not for a cheap whore like Bernadine Alba.
At ano man ang kapintasan ni Sylvia, she was his mother. And family must come first.
Tinungo niya ang banyo. "Pagkatapos kong maligo ay tutuloy na ako sa opisina. Tiyak na nag-iwan ng mensahe si Papa kay Tita Patricia."
"Do you think so?"
"I just don't think it, Ems. I am certain." Gusto lang niyang mapanatag ang kapatid pero iba ang pakiramdam niya. He had a bad feeling about this. Sana nga ay nagbilin ito kay Patricia.

Sensual by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now