Chapter 6

3.3K 45 0
                                    

CHAPTER SIX

DOÑA TRINIDAD building. Ang kaisa-isang building sa buong Trinidad na may apat na palapag. It housed the DeSalvo Corporation. The family's business ranged from freightage, office and building rentals, air-conditioned buses, resorts, textiles, gasoline stations sa ilang probinsiya sa bahaging iyon ng luzon, et cetera.
Ang ibaba ng building ay ang commercial center.
"Hello, Anicia," Sean smiled at Patricia Pueblo's secretary. A pretty but overweight woman in her late twenties. "Nasa loob ba si Tita Pat?"
Anicia smiled back. Ang paghanga sa mga mata nito habang hinahagod ng tingin si Sean ay hindi itinago. Kung yayayain niya itong sumama sa kanya ay hindi siya magdadalawang-salita. But it was bad business. No fooling around with employees. Kung hindi man naniniwala ang papa niya roon ay may sarili siyang batas na sinusunod.
"Magkasunod lang kayo halos, Sean. Pumasok ka na."
He winked at her and she looked as if she was going to melt. He gave a warning knock. Pagkatapos ay pinihit niya ang seradura ng pinto ng opisina ni Patricia Pueblo.
"Oh, hi, Sean!" bulalas ni Patricia na kasalukuyang binubuksan ang briefcase.
"Morning, Tita Pat," bati niya at lumakad papasok.
Patricia was Sylvia's only living relative. She was a Banking and Finance graduate. Nang tuluyang manirahan sa Trinidad sina JD at Sylvia ay ipinasya nitong sa Trinidad na rin manirahan. She was the company's finance manager.
Patricia was tall and a big woman. Very corporate in her tailored-cut dress. She always wore her hair boyishly short she could be mistaken for a military except that at forty-four Patricia was lovely, in a masculine way.
Nagtataka lang siya kung bakit hindi pa ito nag-aasawa. Katunayan, hindi ito nawawalan ng manliligaw kahitngayon. Tuwing tatanungin nilang magkapatid kung mag-aasawa pa ito ay tumatawa lang si Patricia at sasagutin sila ng: "Kung katulad ng papa ninyo ang mapapangasawa ko'y mananatili na lang akong dalaga. Goodness, I can't stand a womanizer!"
Minsan ay gusto niyang isiping babae ang preference nito. Pero hinala lang iyon at wala namang makitang patunay roon. Inuupahan nito ang penthouse sa itaas ng building. She seldom entertained. At kung may nakikita man siyang bisita nito sa itaas ay ang ilang empleyadong babae, kung hindi man ang mama nila. Si Patricia ang hingahan ni Sylvia ng mga suliranin nito.
Higit sa lahat, mas na ina si Patricia sa kanilang dalawa ni Emily kaysa kay Sylvia. Sean believed that Patricia truly cared for them. Ito mismo ang nagtutulak kay Emily na maging masigasig tungkol sa mga negosyo ng pamilya bilang nakatatandang anak. Na iwan ang pagiging nurse at makibahagi kay Sean sa pamamahala ng mga negosyo.
Patricia said it didn't matter if Emily was a woman. Kaalinsabay na ng mga lalaki ang mga babae pagdating sa karera. Pero likas na passive si Emily. Bale-wala rito kung mas pinapaboran ni JD si Sean. Besides, Emily adored her younger brother.
Patricia smiled widely. Itinabi ang briefcase sa dulo ng executive desk nito. "Hey, what brought you here?" Itinuro nito ang visitor's chair sa harap ng mesa nito.
Umupo siya roon. He stretched his legs lazily. His smile was without humor. He was tapping his fingers softly on the dark narra table. Then, "Tumawag ba sa inyo si Papa?"
Walsi sa loob na napasulyap sa telepono sa ibabaw ng mesa si Patricia. "From his office? I haven't heard my phone ringing since ten minutes ago. Bakit, may emergency meeting ba? Tatanungin ko si Anicia—"
'No." Inawat niya ang akmang pagdampot nito sa intercom.
"What's wrong, Sean?"
"Hindi siya umuwi kagabi."
"Oh." it hardly came out of her mouth.
Namagitan ang nakakailang na katahimikan.
"He always comes home, Tita Pat," he said breaking the silence.
Baka naman nasa mga kumpare niya sa San Ignacio, Sean. Nagkatuwaan, nalasing at baka tulog pa hanggang ngayon."
It was a lame explanation and they both knew it. Umiinom si JD pero hindi naglalasing. At kung hindi man sinasadyang nalalasing ay tumatawag ito sa mansiyon at nagpapasundo sa driver ni Sylvia kung hindi man sa mga anak.
"Ano'ng...sabi ni Sylvia?"
"Tulog pa siya nang umalis ako," he said with a worried sigh. "Emily was hysterical."
"I can imagine. She always dotes on her father."
Tumingin sa mga mata nito si Sean. Hindi niya matiyak kung lungkot ang nahimigan niya sa tinig nito. "Do... do you think—"'
"No! I don't think so!" She denied vehemently. "Hindi niya magagawa kay Sylvia at sa inyo ni Emily ang bagay na iyon."
"Hindi nga kaya?" Uncertainty showed in his voice. "Alam nating pareho kung anong klaseng asawa si Mama, Tita Pat. And Bernadine is—"
"A slut!"
"He kept her. Something my father never done before."
"Hindi ako naniniwalang magagawa ng ama ninyo ito, Sean. Pero aaminin kong..."
"Aaminin ninyong ano?"
"Nitong nakalipas na ilang buwan ay may napapansin ako kay JD na hindi ko kayang tukuyin. Malimit ko siyang mapasukan sa opisina niya na nakatingin sa kawalan. Tinanong ko na siyang minsan tungkol doon pero tumawa lang. Kung ano-ano raw ang iniisip ko. Though I still notice the blank look, I never bothered him about it, anymore..."
His mouth turned into a thin line, he noticed the same thing. Tumayo siya. "Aalis na muna ako, Tita Pat. Ipaalam ninyo sa bahay kung tumawag sa inyo si JD."
"Of course. Saan ka pupunta?"
Nagkibit siya ng mga balikat. Lumabas ng silid at bumaba ng building. Alam niya kung saan siya pupunta. Kung magkataon at tama ang nasa isip niya...
Hindi niya gustong ipasok sa isip iyon. Umaasa siyang mali ang iniisip nilang lahat.
KASALUKUYANG humihigop ng kape si Tamara. Puno ng pag-aalala ang dibdib, sarisaring eksena ang naglalaro sa isip. Madaling-araw pa lang ay gising na siya. Gusto niyang magtungo sa kubo ni JD sa pusod ng gubat subalit natitiyak niyang inaapawan na ng tubig ang sapa na siyang tinatawiran niya patungo roon dahil sa magdamag na ulan kagabi.
At kahit ngayon ay sige pa rin ang tikatik. Kung sa talagang daanan patungo sa kubo siya dadaan ay aabutin siya ng dalawang oras sa paglalakad. At maaaring magkasalisi sila ng nanay niya.
Patuloy siya sa pag-aalala nang makarinig ng ugong ng sasakyan. Napatayo siyang bigla at lumigwak ang kape niya sa mesa. Halos takbuhin niya ang palabas sa kusina patungo sa balkon.
Upang matigilan lang sa gitna ng balkon nang matanaw ang pamilyar na sasakyan ni Sean. Sa mismong sandaling iyon ay natiyak na ni Tamara na may masamang balita. Hindi lang niya alam kung ano.
Ito ang unang pagkakataong nagtungo sa bahay nila ang bunsong anak ni JD.
Humakbang siya patungo sa barandilya at inilapag sa pasimano ang kape at inihanda ang sarili sa kung ano mang masamang balitang dala ni Sean.
Gusto nang sumabog ang dibdib niya sa kaba habang hinihintay ang pagparada ng sasakyan sa tapat ng bahay nila. Umingit ang gulong ng Wrangler Jeep nang imaniobra nito iyon at iprenong bigla.
"Nasaan si Bernadine?" agad nitong bungad hindi pa man nakakababa nang husto.
Oh, god. Tamara swayed.
"Tinatanong kita, nasaan ang nanay mo?" He was growling. Nakaguhit ang galit sa mga mata nito.
Humigpit ang pagkakahawak ni Tamara sa pasimano ng balkon. "H-hindi ko alam..."
"Anong hindi mo alam!" singhal nito. Dalawang hakbang at nasa harap na niya ito. Hinaklit nito ang kanang braso niya mula sa kabilang bahagi ng barandilya.
Napauklo si Tamara. Pure terror sliced through her. Hindi pa niya nakita si Sean sa ganitong anyo.
"H-hindi siya umuwi kagabi..." gumagaralgal ang tinig niya, nagsisimula nang mag-init ang sulok ng mga mata niya. Kinakabahan siya rito at masakit ang mga daliri nito sa yayat niyang braso. Pero higit ang takot na nasa dibdib niya sa mas o menos ay alam na niyang nangyayari.
"Son of a bitch!"
"Ano ang nangyayari?" naghihikab pang sabi ni Terry na sumungaw sa may pinto. Suot pa rin nito ang suot kagabi at dahil naipantulog na'y humulagpos na mula sa mga balikat ang manipis na strap ng damit at nahantad ang malaking bahagi ng dibdib nito. Pero bale-wala rito iyon. Sa tingin ni Tamara ay mas balak pa nitong ilaylay ang kabilang strap.
Sean stared at Terry with disdain and malice. "Hindi umuwi si Papa kagabi at hindi rin umuwi si Bernadine," anito, nagliliyab ang mga mata sa galit, hindi inalintana ang patak ng ulan na unti-unting bumabasa rito. "Sabihin ninyo sa akin, ano sa palagay ninyo ang nangyari?"
Mula sa likod ni Terry ay lumabas si Elmer, namumula pa ang mga mata dala ng nainom kagabi, nakasabog ang buhok mula sa pagkakatulog.
"Uuwi rin ang papa mo, Sean. Hintayin mo lang. Nagpapakasawa pa iyon," naghihikab nitong sabi, umaalingasaw ang hininga mula sa pagtulog at alak.
lnisang-hakbang ni Sean ang pagpanhik sa balkon. He was a few inches taller than Elmer, and with steely muscles. Umigkas ang kamay nito at tumama sa panga ni Elmer. Napatili si Terry na muntik nang tamaan ng kapatid nang sumadsad ito sa loob. Si Tamara ay napigil ang pagsigaw ng takpan niya ng kamay ang bibig.
"Shut up, you good-for-nothing son of a bitch!" Inisa-isa nito ng nakamamatay na tingin ang tatlo. "Nasasalaula ang gubat na ito sa inyo. Bibigyan ko kayo ng hanggang mamayang hapon para lisanin ang lugar na ito," wika nito sa nag-iigting na mga bagang.
"P-pero saan kami pupunta?" tanong ni Terry na noon lang natiyak ang kaseryosuhan ng mga pangyayari.
"Papaano kung umuwi si Nanay?" Tamara said in a small voice.
"Wala siyang uuwian dahil pag-alis ninyo ay susunugin ko ang bahay na ito! Uulitin ko, hanggang mamayang hapon!"
Pagkasabi niyon ay nagpupuyos na bumalik ito sa Wrangler Jeep. Bumaon sa basang lupa ang gulong nito sa biglang maniobra. Gumana ang four-wheel drive at ilang sandali pa'y umingit ang gulong at umarangkada na itong palayo sa lugar na iyon.
Sindak na tinitigan ni Tamara ang hukay sa lupa sanhi ng bumaong gulong, dumaloy roon ang tubig-ulan na nasa mataas na bahagi ng lupa. Pagkatapos ay bumulalas siya ng iyak. Hindi siya makapaniwalang magagawa ng nanay niya ang ganito.
"Ano ang gagawin natin?" nahihintakutang tanong ni Terry.
"'Ku, huwag n'yong intindihin ang lalaking iyon," sabat ni Elmer. "Si JD pa rin ang masusunod. Hindi iyon papayag na paalisin tayo ni Sean dito. Dito na nangamatay ang mga magulang ni Tatay."
Tamara wanted to hope. Pero iba ang pakiramdam niya. Ang takot ay unti-unti nang lumukob sa pagkatao niya.
Oh, Way, bakit?
LIMAMPUNG metro mula sa bahay ng mga Alba ay inihinto ni Sean ang sasakyan sa gilid ng daan. Nanginginig ang mga kamay niya at kung hindi siya paparada sandali ay baka kung ano ang mangyari.
May ilang beses siyang humugot at naglabas ng hininga upang payapain ang dibdib na tila sasabog sa pinagsama-samang galit at sama ng loob. Pero mas nangingibabaw ang galit sa dibdib niya... sa ama, kay Bernadine.
Hindi lang galit, sa ilalim niyon ay naroon ang takot. Ano ang gagawin niya? Ano ang sasabihin niya sa ina.. . sa kapatid... sa mga tao?
Nag-iinit ang sulok ng mga mata niya sa pinipigil na pag-iyak. Gusto nang mabasag ang mga ngipin niya sa pagtatagis.
Kanina nang sabihin ni Patricia Pueblo na may ilang buwan na nitong napupuna ang kakaibang kilos ni JD ay gusto niyang sabihing siya man ay napuna rin iyon tuwing dadalawin siya ni JD sa boardinghouse sa Maynila. He even thought his father was sick. Medyo namumutla ito at bahagyang nabawasan ang timbang sa paningin niya.
"May dinaramdam ba kayo, Papa? " he had once asked. That had been months ago before his college graduation.
JD's salt and pepper mustache twitched upward in a grin. "I'm healthy as a bull, Sean. What made you ask?"
Napangiti siya, nawala ang pag-aalala. "Nito kasing huli ay para kayong... " Nagkibit siya ng mga balikat.
"A few more months and I am going to hand to you the family business. And I might wake up one day poor as a rat. "
Sean knew he was teasing him. And he laughed. JD laughed with him.
How could he have known that his father had been thinking of running off with Bernadine?
The whore... the slut!
Pinukpok niya nang malakas ang manibela. He wanted to believe that JD had planned this all along.
Na kaya siya nito hinimok na magpalit ng kurso mula sa Engineering patungo sa Management ay upang ihanda siya sa gagawin nito.
His father even pressured him to attend with him the three-day management seminar at Asian Institute of Management months ago in Tagaytay. At pagkatapos ay nagmungkahi... no, nag-utos si JD na mag-master siya sa America.
At ni hindi nakuhang hintayin ni JD na makapag-masteral siya. Fuck you, Bernadine!
"Hindi mo magagawa ito, Papa!" he cried, fear and anger melded each other.
May ilang sandali siyang nanatili roon. His shoulders shook. Hindi niya mapigil ang paghagulhol. He couldn't remember the last time he cried. At gusto niyang samantalahin ang pag-iisa at katahimikan ng lugar na iyon upang ibuhos.ang galit at sama ng loob sa ama.
Sa sandaling harapin niya ang ina at kapatid ay kailangan niyang maging matatag... para sa kanila.
"ANO ANG nangyari?" puno ng pag-aalalang tanong ni Patricia nang bumungad siya sa living room ng penthouse. Napaungol siya nang makitang naroroon ang ina at kapatid.
Namumula ang mga mata at ilong ni Emily tanda ng pag-iyak. Sylvia was sitting at the far corner of the room, so poised and so regal, trying to contain her worries and anger.
"Bernadine's gone, too," he said blankly. The original shock and pain had gone.
"Oh!" Emily burst into hysterical tears.
"Hush, Emily!" saway ni Sylvia rito bago muling tumingin sa kanya. "Hindi ako naniniwalang magkasama sila ng babaeng iyon, Sean. Hindi isasakripisyo ng ama mo ang lahat ng ito nang dahil lang sa... sa—"
"Ginawa na ni Papa, Mama. Huwag na nating lokohin pa ang sarili natin. JD ran away with Bernadine. He had been planning to do so. Iyon ang dahilan kaya sinisikap niyang matutuhan ko ang mga pasikot-sikot sa negosyo," he said, his face remote.
"You must be mistaken, hijo," patuloy pa rin ni Sylvia. Sean recognized the self-denial. "Paano ang katayuan ni Daniel sa sosyedad? Hindi niya magagawang talikuran ang lahat ng ito..."
"Damn it, Mama," he snapped. "Sa iyo lang mahalaga ang opinyon ng mga tao. Walang pakialam si JD sa iisipin ng ibang tao. If he did, he wouldn't have kept Bernadine. At alam ng buong bayan iyan!"
Tinakpan ni Sylvia ng kamay ang bibig upang hindi kumawala ang sigaw. Her voice was trembling when she spoke next. "Paano ko pakikiharapan ang mga tao, Sean?" Shock and hysteria were slowly taking place.
He took a deep breath. Damn you, Daniel DeSalvo! "Sa malaon at madali ay malalaman ng mga tao, Mama. We had better face the music this early."
"Hindi ko mapapatawad si Papa sa ginawa niyang ito, Sean!" cried Emily.
His sister only echoed his thoughts. Nilinga niya si Patricia. "Tita Pat, gusto kong ipatawag mo si Attorney Bustos ngayon din. Gusto kong ipakipag-usap ang legal na aspeto sa ginawang ito ni Papa. Kung paanong maisasalin sa akin ang pamamahala sa lahat ng mga ari-arian namin."
"Kung walang iniwang letter of proxy o power of attorney ang papa mo ay malaking problema, Sean," Patricia informed worriedly.
Tumingala sa kisame si Sean, humugot ng malalim na hininga at hinagod ang batok. Damn you, Papa!

Sensual by Martha CeciliaWhere stories live. Discover now