Simula

238 7 0
                                    

Malikot na ilaw sa iba't-ibang kulay ang nagbibigay ng panglaw sa loob ng isang hinding kalakihang club. Ang Generva's Heaven Club. Samahan pa ng maharot na awitin. Mausok na binubuga sa kung saan. Ang mga parokyanong nagkakasiyahan habang may kanyang-kanyang kapareha. Mapalokal man o dayuhan.

Suki ang nasabing Club sa mga dayuhan sundalo o businessman. May mga babae kasing nagbibigay ng panandalian aliw para sa mga ito kung kaya ito ay binabalik-balikan ng mga dayuhan.

Isa sa pinakademand sa mga dayuhan ay si Lovely. Iyun ang stage name ni Helen Levirde. Matangkad,maganda at maalindog na katawan. Marami ang nag-aasam na makuha ang atensyon nito. Kasulukuyan,ay senswal itong sumasayaw sa harapan ng mga parokyano. Sa gabing iyun maraming mga dayuhan ang naroroon kung kaya mas ginalingan pa ni Lovely ang paggiling sa nakatayong pole sa gitna ng stage. Nakatingala ang mga ito sa kanya habang makikita ang kislap ng pagnanasa para sa kanya.

Wearing ang thin undies na halos wala ng itago. Mula ng tumuntong siya sa tamang edad ay saka siya hinayaan ni Madam Nerva bilang dancer sa simula at ng masanay ay saka siya nagkaroon ng lakas ng loob na makipaglandian sa mga costumer dahil mas malaki ang kita.

Labing-dalawa taon pa lamang siya ay ulila na siya sa kanya mga magulang kung kaya kumayod siya mag-isa. Hindi na nakapag-aral ng High School dahil mas pinili niyang kumita. Pagtitinda ng sampaguita sa simbahan. Pagbabalut at penoy sa gabi hanggang sa matambay siya sa labas ng Ginerva's Heaven Club. Marami kasing costumer kung doon siya magtitinda at palagi ubos ang paninda niya hanggang sa makuryuso siya kung ano nga ba meron sa loob ng nasabing lugar.

Pumuslit siya makapasok sa loob dahil mahigpit na pinagbabawal ang menor de edad sa loob ng makatyempo na wala ang gwardya sa labas ay nakapasok siya at doon nasaksihan ng mura niyang edad ang makamundong lugar.

Noong una ay hindi niya maunawaan ang nakikita niyang nangyayari sa loob. Pamilyar naman siya sa kung anong iniinom ng mga tao sa loob pero bago sa paningin niya ang makakita ng may nagsasayaw na halos hubad na babae sa taas ng stage habang tutok na tutok ang mga lalaki naroroon.

Bukod sa may sumasayaw ay may nakikita din siyang may mga babaeng nakakandong sa mga lalaki at naghahalikan.

Hiyang-hiya siya na makakita ng ganun pero ng makakita siya na isa sa naghahalikan kapareha ay nagbigay ang isang lalaki ng pera sa babae na nakabra at panty na lang sa kandungan nito.

Nakipaghalikan lang ang babae iyun may nakuha na itong pera!

Mula ng gabing iyun ay hindi na umalis si Helen sa lugar na iyun kung saan doon na siya nagtatambay para magtinda hanggang dumating ang pagkakataon na nakilala niya ang may-ari ng lugar.

Manipis na kilay at mapulang-mapula mga labi. Mapanuring mga mata na nakatitig sa kanya habang humihithit ito sa sigarilyo na hawak nito. May nginunguya din itong bublle gum.

Tahimik si Helen habang pinakikiramdaman ang babae.

"Ikaw ba yun nagtitinda sa labas ng club ko?"mayamaya ay untag nito sa kanya.

Mabilis na tumango si Helen. "O-Opo!"

Ang mapanuri nitong mga mata ay humagod sa kabuoan ng labing-dalawang taon gulang na batang babae.

Humitit ng sigarilyo saka bumuntong-hininga.

"Maganda kang bata. Nasaan ang mga magulang mo? Bakit ka hinahayaan mag-isa sa labas ng lugar na ito?"

Napalunok si Helen sa mga tanong nito. Pagbabawalan na ba siya nitong magtinda sa labas ng pag-aari nito.

Kung paalisin siya hindi na siya kikita ng malaki!

"M-Madam,huwag niyo po sana akong pagbawalan magtinda sa labas. Kailangan ko po ng pangkain ko po araw-araw!"kaagad na pagmamakaawa niya.

Tumikwas ang kilay ng babae may-ari sa kanya.

HEIDI : Paradise on her lipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon