Chapter 1

135 8 0
                                    

Meow...meow...meow.

An eight year old,Heidi try to give a small part of bread to the small cat. Marumi at payat na payat pa ito ng matagpuan ng batang si Heidi.Marahil lumayo ito sa ina kaya nag-iisa ito ng matagpuan ni Heidi sa gilid ng simbahan habang pauwi galing ng eskwelahan. Isang linggo na mula ng iuwi ito ni Heidi at ngayon ay nagkakalaman na ang payat na katawan ng kuting. Kumakapal na din ang kulay itim nitong balahibo.

"Buti pinayagan ka ng Mama mo na dalhin yan sa bahay niyo?"

Agad na napalingon ang batang si Heidi sa nakaupong si Madam Nerva sa likod ng desk nito.

"Basta hindi po siya makakalabas ng kwarto ko,"tugon niya.

Kabado noon si Heidi ng iuwi niya ang kuting dahil baka hindi pumayag ang Mama niya pero dahil halos umiyak siya na magmakaawa na alagaan ang pusa ay pumayag din sa huli ang Mama niya sa pangakong hindi ito makakalabas ng kwarto niya.

"Madam Nerva,"untag niya sa ginang.

Kaagad naman ito nag-angat ng tingin sa pagtawag niya rito.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sahig sa opisina ni Madam Nerva.

"Hindi pa po ba tumatawag si Mama?"naiinip niyang tanong.

Pinasundo siya ng isang kaibigan tricycle driver ng Mama niya sa school para ideretso sa Club ni Madam Nerva.

Wala man sinabi kung bakit alam niya kung ano ang dahilan. Sa tuwing idideretso siya ng Club na may bigla susundo sa kanya ay alam niyang may dinala sa bahay nila ang kanyang Mama. Maraming beses na iyun nangyayari. Mag-uuwi ng lalaki ang Mama niya na nakikilala nito sa Club. Mas komportable daw ang Mama niya na iuwi ang nakikilala nito sa bahay nila kaysa sa Motel,ayon sa naririnig niyang kwentuhan mula sa katrabaho nito sa Club.

"Hindi pa,Heidi. Kilala mo naman ang Mama mo...minsan madaling araw na iyun tumawag para pauwiin ka,"tugon nito saka binalik ang atensyon sa harapan ng laptop nito.

Bumuntong-hininga ang batang si Heidi saka tahimik na bumalik sa kinaroroonan ng alaga niyang kuting.

Hindi namalayan ng batang si Heidi na nakatulog na ito sa pahabang sofa na naroroon sa paghihintay sa tawag ng ina. Naalipungatan si Heidi ng marinig na may nag-uusap.

Antok na antok pa siya pero kilala niya ang isang boses na iyun. Ang kanyang Mama! Inaantok pa na binangon niya ang kanyang sarili at nanatiling nakaupo.

"Hindi ba sabi mo hindi ka magpapa-stay ng lalaki sa bahay mo?"pagalit na sita ni Madam Nerva sa kanyang Mama.

"Ano ka ba naman,Helen! Alam mo naman muntikan ng mapahamak ang anak mo dahil sa dinadala mo kung sino-sino sa bahay mo!"

"Tsk,hindi naman lahat ng gusto ko kagaya ng gagong iyun,Madam Nerva. Saka pwede ba. Parang wala akong pakielam sa anak ko kung makakontra ka. Syempre,iniisip ko din kaligtasan ng anak ko!"

Nanatiling nakaupo lang si Heidi. Kabado habang nakikinig sa pag-uusap ng kanyang ina at ni Madam Nerva.

"Eh,kung iniisip mo talaga kaligtasan ng anak mo. Hindi mo na hahayaan na magpastay pa ulit ng lalaki dun! Hindi ba yan ang sinabi mo sakin? Kaya nga deretso dito ang bata para walang problema tapos heto ka na naman?!"

"Iba si Joey. Saka dalawang araw lang siya dun pabalik na din kasi siya ng barko kaya...sinusulit lang niya!"matigas na tugon ng kanyang ina.

"Hay naku,Helen! Ewan ko talaga sayo. Bahala ka. Kahit anong payo ko naman sayo hindi ka nakikinig. Ito tandaan mo kapag napahamak yan bata na yan ulit sa lalaki mo. Makikita mo! Dadalhin ko talaga yan sa DSWD!"

HEIDI : Paradise on her lipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon