Chapter 12

117 8 1
                                    

"Natanggap na po yung pinapadeliver niyong bulaklak,Sir Aslan,"inporma ng kanyang sekretarya.

"Salamat,"pagtugon niya rito na hindi inaalis ang mga mata sa harapan ng laptop niya.

"How about my flight?"tanong niya.

"Yes,Sir. Nabook ko na po kayo. Friday,8pm,Sir.."

"Good,thank you so much,"aniya ng iangat niya ang mga mata rito mula sa laptop.

Devine still not replied to him. Isang buwan siya naging abala sa trabaho. He need to relax lalo na malaking bahagi ng pagod niya ang kakaisip sa babae na nasa tagaytay. He want to see her. Though,he making an effort to sending a flowers to Wild catwoman.

"You're welcome,Sir!"

Nagpaalam na ito at ng makalabas ng opisina ng kanyang boss ay dumeretso siya ng kanyang desk. Naging sobrang hectic ng schedule ng boss niya nitong makalipas ng isang buwan. Aware siya sa buhay asawa ng boss niya at kung anong klaseng relasyon meron ang kanyang boss at ang asawa nito si Devine.

Limang taon pa lang siya nagtatrabaho sa boss niya at masasabi niyang wala siya naging problema rito. Tahimik,istrikto at mahusay na negosyante ang boss niya na talaga naman hinahangaan ng lahat.

She is loyal to him as an employee of him lahat ng best niya ginagawa niya sa trabaho para ibalik rito ang kabutihan nito bilang isang boss. She never forget what her boss done to her. Sinagot lang naman nito ang reception ng kasal niya at out of country honeymoon nila mag-asawa as a gift nito sa kanya kaya naman susuportahan niya ito kahit ano gawin nito lalo na pagdating sa buhay pag-ibig nito.

Marami din nagkakagusto sa boss niya sa loob at labas ng building pero may pagka-suplado ito at mailap sa mga babae lalo na kung hindi tungkol sa trabaho pero gayunpaman nagiging propesyunal naman ito sa mga empleyado nito bilang employer.

May tiwala sa kanya ang boss niya. Ang pagpapadala ng bulaklak sa tagaytay at ang pagbobook nito papunta roon na walang kinalaman sa trabaho ay hindi niya maaaring ipagsabi na kahit kanino lalo na labas na siya kung ano man ang ginagawa nito sa labas ng trabaho.

Alam niya na hindi perpekto ang buhay asawa nito marahil gaya ng karaniwan na nangyayari ay kinasal lang ito dahil sa negosyo.

Sa totoo lang hindi niya gusto ang asawa ng boss niya. Yes,maganda at talaga naman anak ito ng mayaman pero may ugali ito na hindi niya gusto iyun ay ang sirain ang reputasyon ng boss niya.

Kaya kung sino man ngayon ang pinadadalhan ng bulaklak ng boss niya ay sana ito na ang karapat-dapat na mapangasawa ng boss niya.

Kailanman,hindi nagbigay ng bulaklak sa iba ang boss niya. Wala itong pinagtutuonan ng atensyon maliban sa negosyo at sa pag-aayos ng gulo na ginawa ng asawa nito.

Kung sinuman ang maswerteng babae na nagugustuhan ng boss niya sana hindi nito sayangin ang effort nito.

Maghating-gabi na ng makauwi ng bahay si Aslan. Kailangan na niya tapusin ang dapat niya tapusin bago ang pagpunta niya sa tagaytay.

He anticipating to see her again. Kahit wala kasiguruduhan na magpapakita ito sa kanya,though,alam niya kung saan ito pupuntahan.

Natigilan si Aslan sa pagbaba niya ng sasakyan ay may ilaw sa salas.

There is someone inside his house.

Nang mailocked ang kotse ay nilakbay niya ang pathway patungo sa pintuan at hindi iyun nakalocked.

He knew it.

Siya lang at ang asawa niya si Devine lang ang may susi ng bahay.

This house was gift from his mother for them.

HEIDI : Paradise on her lipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon