Chapter 17

127 10 3
                                    

Napahinto sa paglalakad si Heidi ng may matanaw na bulto ng isang lalaki na nakatalikod mula sa kanya malapit sa cabin niya.

Gaya niya ay tinanaw din ng kipkip niyang pusa ang lalaking nakatalikod pero hindi man lang ito nagreak at nanatili lang sa braso niya. Kung ang pamilyar na lalaki iyun paniguradong mauuna pa ito sa kanya.

Saka lang nakilala ni Heidi ng pumihit ito paharap sa kanya.

Natanaw niya ang paglaki ng mga mata nito na tila ba nagulat pa nakita siya nito.

Ano naman kaya ginagawa nito roon?

Nagpatuloy siya sa paglapit sa cabin niya hanggang sa makalapit rito. Dapit-hapon na at maaga siyang umuwi mula sa Club dahil hindi maganda ang pakiramdam niya.

Ilan araw na siyang walang maayos na tulog sa kakaisip.

Ang huling sinabi ni Aslan ay paulit-ulit na naglalaro sa isipan niya. Pinagsisihan niya na nagbitaw siya ng salita rito na siguradong hindi palalampasin ng lalaki.

"Good evening!"kaagad na bati nito sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?"malamig niyang tanong rito.

Ngumisi ito at tila hindi apektado sa malamig na pakikitungo niya rito.

"Hindi na kita nakita ulit na nagjajogging sa umaga hanggang sa nitong umaga naisipan kong kumuha ng litrato sa mga nagbibilad ng araw tapos nahagip ng camera lens ko ang isang bulto ng babae mula sa bahay na ito,"paliwanag nito saka isinenyas nito ang hawak na digital camera sa kanya.

"Ngayon nakumpirma ko na ikaw nga yun babae na nakita ko sa camera hindi pa rin ako makapaniwala!"

"Ngayon nakumpirma mo na nga,may kailangan ka pa?"

Ang pagngisi nito ay nauwi sa pagkapahiya sa tinugon niya. Bigla naman siya nakaramdam ng guilt sa inaasal niya rito.

Sabihin na may inggit at hinanaing siya sa ina at isipin na inalagaan ito ng kanyang ina kaysa siya. Wala pa rin ito alam tungkol sa existing niya at masaklap pa baka inilihim pa ng kanyang ina ang tungkol sa kanya.

Lalo sumama ang kanyang pakiramdam. Hindi pa siya nakakapagdesisyon pa ulit kung pupuntahan na ba niya ang kanyang ina kung nasaan man ito ngayon. May pumipigil sa kanya. Ang kanyang PRIDE.

Sumeryoso ang mukha nito saka lumapit pa sa kanya upang mas magtama ang kanila mga mata.

"Galit ka ba sakin?"tanong nito.

Hindi nakasagot si Heidi sa tanong iyun mula rito. Hindi niya inaasahan iyun.

Bumuntong-hininga ito.

"Ganun din kasi noong una tayo nagkita. Nakikita ko ang galit sa mga mata mo,"wika nito. "Hindi ko lang pinapansin kasi nung una alam kong naabala ko ang pag-iisa mo pero ngayon kasi...hindi ka naman siguro galit kung nagpunta ako rito,"patuloy nito.

"Kung galit ka sakin,sorry kung may nagawa man ako o nasabi na ikagagalit mo. I'm sorry,"matapat nitong sabi.

"No. Wala ka dapat ihingi ng sorry. Wala kang nagawa o nasabi na...ikakagalit ko kung nakikita mo man iyun sakin,"tugon niya rito.

"Bakit? May isa bang tao na kamukha ko ba o similar sakin na nanakit sayo?"

Naipikit ni Heidi ang mga mata sa sinabi nito.

Tila naman nagtaka ang lalaki sa reaksyon niya.

"Look. There is no one who make me look angry like what you said,"untag niya saka bumuga ng hininga.

Hindi niya alam kung tatapatin ba niya ito o hindi na dapat pa at hayaan na mag-isip na lang ito ng ibang rason o kaya hayaan na lamang nito iyun isipin.

HEIDI : Paradise on her lipsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon