"Damn. Hindi mo aakalain na Club 'to! Pwede makisabayan sa mga Club sa ibang bansa na napuntahan na natin dati!"untag ni Andreu ng ihatid sila ng babaeng waitress sa VIP seats.
May kanyang-kanyang upuan na nakatalaga para sa mga costumer na nakapagreserved sa Club. Umaapaw sa iba't-ibang inumin. Marami na din ang nasa loob. Gaya ng inaasahan nila. Pulos mayayaman at mga alta-sociedad na negosyante ang naroroon. Matanda man o mapabata gayan nila magkakaibigan.
Sinuyod ni Aslan ang kabuoan ng lugar. Dalawang palapag iyun. May mga nagkakasiyahan na sa taas. Sumasabay sa musikang pinapatugtog ng isang lalaking DJ. Maharot din ang iba't-ibang kulay ng mga ilaw. Hindi kagaya ng ibang club kapag maraming tao ay umiinit ang paligid. Malamig ang paligid at magaan. Hindi niya alam kung anong vibes ang meron sa paligid pero nararamdaman niyang parang may hinihintay ang lahat.
Napadako ang tingin niya sa isang stage. Hindi iyun kalakihan nasa gitna iyun at may isang pole na nakatayo roon.
It's a show na hindi mawawala sa lugar na iyun. Ang pagsasayaw ng isang babae o higit pa para aliwin ang mga naroroon. Iyun ang gusto ng mga lalaki ang makita ang isang babaw na senswal na umiindayog at gumigiling sa stage ng halos walang itago sa katawan nito.
Marami beses na siya nakapanuod ng babaeng sumasayaw. Oo,naaaliw siya pero hindi siya kailanman nagkainteres sa babaeng sumasayaw sa gitna ng stage dahil para sa kanya normal lang yun.
Mas excited siya sa babaeng kusang lalapit sa kanya at makakasama niya sa isang mainit na gabi at syempre kailangan pa din niya mag-ingat. He is a healthy man kaya hindi siya papayag na basta na lang siya papatong sa babae na magpapahamak sa kanyang kalusugan.
Inilapag ng isang babaeng waitress ang inumin na inorder nila. The girl know how to gain their attention. Animal concept ang suot ng mga babaeng waitress na naroroon kaya naman busog na busog ang mga mata ng mga masuswerteng nakakuha ng spot sa gabing iyun.
"Enjoy,guys! Maswerte kayo dahil tonight our wild cat performing later!"maharot nitong sabi sa kanila tatlo.
"Wild cat?! Literal ba?"pabirong tanong ni Andreu sa babae na humagikhik naman.
"No,handsome. Siya ang dinadayo ng karamihan na nandito. She is the highest paid performer here..at saka mapili yun sa lalaki kaya kahit bilyonaryo ka pa at hindi kaya niya type wala ka magagawa,"sagot nito.
Dinampot niya ang alak na inorder niya. Interesting.
"Woah! For real? Interesting!"tuwang-tuwa saad ni Andreu.
"See! I know there is something special here dahil pahirapan talaga magreserved dito!"si Jek na excited na rin sa mangyayari.
Wild cat,huh.
"For sure,hot and wild yung cat na sinasabi mo!"pilyong sabi ni Andreu sa babae waitress na panay ng haplos sa kaibigan habang humahagikhik.
"Maraming cat lalabas later paglabas niya,"anang ng waitress saka kumindat sa kanila at saka nagpaalam na sa kanila habang umiindayog ang balakang nito.
"Kaya pala puro tigress yun suot nung iba!"turan ni Jek saka nakipag-apiran sa pinsan na aliw na aliw din sa mga nakikitang mga tigreng babae.
"Ano? Excited ka na,Pre? Marami daw pussy este pusa later na lalabas!"untag sa kanya ni Andreu sa pilyong sinabi nito.
"Let's see.."nakangising tugon niya.
Hindi nagtagal ay nagbago ang aura ng paligid. Nawala ang malilikot na mga ilaw at napalitan iyun ng kadiliman.
"Shit! There you go!"sabik na turan ni Andreu.
Tha stage is enough to overlooking. Kaya kahit saan ka pumwesto makikita ang sinuman na nasa stage.
BINABASA MO ANG
HEIDI : Paradise on her lips
RomansaNamulat si Heidi sa makamundong gawain ng kanyang ina na nagtatrabaho bilang isang nagbibigay aliw sa mga dayuhan sundalo o negosyante. Bilang isang bunga ng isang mainit na gabi ay kinaya siyang buhayin ng kanyang ina ng mag-isa. Hindi matiyak ng k...