Chapter 1

715 33 8
                                    

Gmik SHS by roniborjing

All rights reserved 2024. This is a work of fiction. Names, characters, and places are all inspired by the series in G-mik Book 1. The plot of this story is still the same as the tiktok au serye that I posted last year.

Thank you very much for reading this story whether this has been advertised, suggested, or force to be read to you, I still thank you. Additionally, this story may contain some strong language that is not suitable for the young readers. Read at your own risk.

***

"Roni, wake up na! Sumabay ka na sa kuya mo mag enroll ngayon! Bangon na"

Napamulat ako ng mata at nakita ko agad si mommy na hinahawi ang mga hello kitty curtains ko sa bintana. Balik pasukan na naman pala. Parang kakamoving-up ko lang kahapon tapos ngayon papasok na naman ako sa school para mag enroll. Babalik pa sana ulit ako sa pagkahiga pero biglang hinugot ni Mommy yung kumot ko.

"Hep hep hep! Bumangon ka na diyan. Kailangan mo na maligo at sabi mo sakin last night na gagawa ka ng pancakes this morning diba?" Pagpapaalala sa akin ni Mommy.

"Yes mommy, eto na po babangon na po ako" Tamad na tamad ko sagot.

Wala ako choice kundi kunin na ang twalya at pumasok na sa cr para maligo. After ko magprepare, bumaba na din ako at nagsimula magluto ng pancakes habang si kuya nagchecheck ng phone niya habang nainom ng gatas.

"Ang haba ng pila ngayon sa school ah. Bilisan mo na diyan Roni baka abutin tayo ng tanghalian kung pabagal bagal ka diyan" Utos sa akin ni Kuya.

"Kuya ang OA mo? 6:30 pa lang oh! 8 am pa bukas ng registar. Gusto mo lang makita si Missy eh" Biro ko sa kaniya habang nagfiflip ng pancakes.

"Alam mo Roni gusto ko lang na hindi tayo maghintay sa haba ng pila. Narinig mo ba yung kasabihan na 'Daig ng maagap ang masipag'? Ganoon dapat tayo!" Sagot pa sakin ni Kuya Yuan. Magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na dahil sinubuan ko na siya ng pancake na ginawa ko.

"Alam mo Kuya ang aga-aga kung ano-ano na pinagsasabi mo diyan! Gutom lang yan. Ayan pancakes, kaininin mo" Sabat ko kay Kuya Yuan. Nagaasaran pa sana kami magkapatid ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Ang aga ng bangayan niyo magkapatid ah! Wow, may pancakes pahingi!" Bungad sa amin ni Borj sabay kuha ng pancake na nasa lamesa. "Good morning, Roni" Bati niya sa akin. "Ikaw ba nagluto? Sarap ne'to ah! Best pancake ever!" Compliment ni Borj sakin habang ngumunguya ng pancakes.

"Sus papabida ka na naman sa utol ko eh. Bakit ang aga mo naman pumunta ngayon?" Tanong ni Kuya.

"Eh syempre tol, enrollment week natin eh tsaka nag-usap kami ni Roni na sasabay siya sakin papasok sa school" Singit ni Borj habang kinikindatan ako kaya hindi ko mapigilan matawa.

"Ha? Anong sasabay? Si Roni sasabay sa'yo? Ay sasabay din ako" Maktol ni Kuya Yuan kaya napakamot na lang sa batok si Borj.

"Pareng Yuan naman eh, pahatid ka na lang kay Tito Charlie" Pasimpleng pilit ni Borj. "Ah ganoon? Daddy oh si Bo--" Tinakpan ko agad bunganga ni Kuya at baka biglang lumabas pa si daddy dito sa kusina.

Gmik SHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon