Roni's POV
"Roni!" Bati sa akin ni Basti. Kakatapos lang ng klase namin at nag aayos ako ng gamit ko sa bag. "Oh Basti! Bakit?" Tanong ko habang naglalagay ng libro sa locker. "Kamusta ka na pala? Bigla ka na lang kasi umuwi kagabi eh. Ano ba nangyare sayo?" Concern na tanong sa akin ni Basti. "Sumama lang pakiramdam ko kagabi pero okay na'ko" Ngiting sagot ko.
"Buti naman kung ganoon, Roni. Anyways, diba may practice at photoshoot tayo ngayon sa AVR? Tara na ba?" Excited na aya sa akin ni Basti. "Ay oo nga pala!" Muntikan ko na makalimutan yung practice namin sa pageant. "Sige, susunod na lang ako sa'yo! Aayusin ko muna gamit ko" Dagdag ko. "Sure ka? What if tulungan na kita diyan?" Sasagot pa sana ako sa alok ni Basti ng biglang may pumalakpak sa pintuan ng room namin na akala mo ay nagtatawag ng kalapati.
"Oh Yuan! Bakit naman kayo napadpad dito?" Tanong ni Jelai habang nagbubura sa blackboard. "Aba syempre Jelai dapat stage brother tayo ngayon. Hello Missy!" Pagpapacute ni Kuya kay Missy. Napairap na lang si Missy sa ginagawa ni Kuya. "Yuan, hindi bagay. Stop doing that" Nandidiring sagot ni Missy na ikinakunot naman ng noo ni Kuya.
"Hello Jelai!" Bati naman ni Junjun kay Jelai. "Hello Junjun!" Pabebeng bati naman ng bestfriend ko. Sus etong dalawa na'to kulang na lang magkaroon ng label sa relasyon nila! Agad naman ako napatingin sa pinto. Nandito sila Kuya at Junjun, nasaan si Borj? "Si Borj ba hanap mo?" Biglang sulpot sa akin ni Kuya.
"Kuya naman eh! Bakit ka naman nambibigla diyan?!" Reklamo ko. "Makatingin ka kasi sa pinto akala mo lalabas si Jollibee!" Biro sa akin ni Kuya. "Eh nasaan na nga ba si Borj, Yuan?" Tanong ni Missy habang sinusuot ang bag niya. Hay buti na lang inask mo sis! Baka asarin na naman ako ni Kuya if ako ang magtatanong.
"Ayon, sinundo si Trisha! May practice at photoshoot kasi sila ngayon diba" Pagpapaliwanag ni Kuya. "Ang OA! May sundo sundo pa nalalaman eh hindi naman yon maliligaw papuntang AVR" Reklamo ko. Agad naman ako tiningnan ng may meaning mga kaibigan ko. OMG Roni, ano ba yung sinabi mo?
"Bakit Roni? May problema ba kung susunduin ni Borj si Trisha?" Tanong sa akin ni Basti. "Ha? Wala naman. Ta-tara na nga, Basti! Jelai at Missy, samahan niyo ko sa CR. Mag aayos na'ko" Pagmamadali ko at hinatak na palabas ng room sila Missy. Pagkapasok namin sa CR, hindi pa rin mapigilan nila Jelai pagtawanan ako. "Tawang tawa kayo dalawa ah! What if tulungan niyo na'ko mag make up dito habang natawa kayo diyan?"
"Ikaw naman kasi sis nagpapahalata ka masyado eh! Pahiram nga ng blush on mo, ako maglalagay!" Sagot sa akin ni Jelai. "Ayusin mo sis ah! Baka makapalan mo masyado" Pagpapaalala ko sa kaniya. "Mas okay nga makapal na blush sis! Para isipin ni Borj na kinikilig ka kay Basti. Baka magselos pa yon!" Biro ni Missy. "Kayo talaga! Bilisan na nga natin" Natatawang sagot ko sa kanila.
Pagkarating namin sa AVR, nakasalubong agad namin si Tonsy. "Oh guys! Nandito na pala kayo. Akala ko ba si Borj at Roni lang sasali? Bakit buong barkada nandito?" Natatawang tanong ni Tonsy. "Eh syempre pareng Tonsy, full support ang barkada sa dalawa. Diba guys?" Tanong ni Junjun. "Oo naman!" Sagot ng lahat. "Eh parang kulang pala kayo ng isa, nasaan si Borj?" Tanong ni Tonsy.
"I'm here, tol!" Borj said habang naglalakad papalapit sa amin. Hindi ko napigilan hindi matulala sa lalaki nasa harap ko. Nakauniform pa lang naman siya pero ang gwapo niya tingnan ngayon! Sana ako na lang naging partner niya-- OMG Roni! Ano ba to iniisip ko? Umayos ka nga, self!

BINABASA MO ANG
Gmik SHS
ФанфикThe sequel to G-mik Book 1. This is the Wattpad version of the Tiktok serye au "GMIK SHS". There will be minor changes/scenes in the story since it is more detailed but it will still the same ending. If you came from Tiktok, thank you for extending...