Chapter 3

287 31 4
                                    

Roni's POV

"Roni, halika na mag iistart na sila Junjun!" Sigaw sa akin ni Jelai habang tumatakbo ako papunta sa table namin. "Excited ka naman sis? Nag aayos pa lang sila sa stage oh!" Saway naman ni Missy. "Sus, kanina ka pa nga nakatulala diyan kay Yuan eh" Asar naman pabalik ni Jelai kay Missy.


"Alam niyo parehas kayong atat. Kumalma nga kayo! Parang kayo ata ang leader ng mga fan base nila Kuya eh" Natatawang sabi ko sa kanila. Tiningnan ko naman sila Kuya sa stage and inaayos na lang nila ang instruments nila. Nagkatinginan naman kami ni Borj at agad naman kami nagkangitian. Bakit ba mas lalo ka gumagwapo Borj pag tumutugtog?


"Hoy sis! Kita ko yon ah! May pangiti-ngiti pa kayo nalalaman diya--" Asar sa akin ni Missy kaya agad ko tinakpan ang bunganga niya. "Alam mo Missy magfocus ka na kay Kuya ah? Magsisimula na sila!" Pagchechange topic ko na ikinatawa namin tatlo. Nagsimula na din tumugtog sila Kuya at naghihiyawan na din mga tao dito sa venue.


Pagkatapos nila kumanta ng tatlong kanta, agad naman sineniyasan nila Junjun at Kuya si Borj. Lahat ng tao nagtataka dahil binigay ni Junjun ang microphone kay Borj. "Isa pa ba guys?" Agad naman sumang-ayon at nagsigawan ang mga tao.


"Okay lang ba ako na muna kakanta? Napapaos na kasi si Pareng Junjun eh hahaha joke lang!" Biro ni Borj na nagpatawa sa mga audience. "Okay, this is our last song but I want to dedicate this song to the most special woman in my life" Borj said habang nakatingin sa akin. Naramdaman ko na yung pang-aasar sa akin nila Jelai pero mas lamang sa akin yung kilig na nararamdaman ko. Paano ba magpigil ng kilig dito?!


Sinenyasan naman ni Borj sila Kuya at Junjun kaya nagsimula na silang tumugtog ng kanilang instruments. Nginingitian naman ako ni Borj habang nasa stage at yung mga ibang kaklase namin ay nagchicheer sa kaniya.


[Now playing: Forever by Westlife]

"You are the sun,
You are my light,
And you're the last thing on my mind, before I go to sleep at night,
You're always round,
When I'm in need,
When troubles on my mind,
You put my soul at ease"

Habang nakanta si Borj, consistent lang siya nakatingin sa akin. Kung ice cream lang ako, kanina pa ko tunaw dito! Nadistract ako ng biglang may nagsigawan sa kabilang table. Table nila Trisha, ex-girlfriend ni Borj.


"Na'ko sis, h'wag mo na lang sila pansinin. Inaasar lang nila si Trisha. Hayaan mo na sila!" Sulsol sa akin ni Missy. Nginitian ko na lang sila ni Jelai at 'di na lang pinansin yung ibang table at tumingin na lang kela Borj na nakangiti sa akin habang papalapit sa table namin. Agad naman niya hiningi mga kamay ko at dinala ako sa stage sabay abot ng isang bouquet ng bulaklak.


"I'll be loving you forever,
Deep inside my heart you leave me never,
Even if you took my heart,
And tore it apart,
I would love you still, forever.. Roni"


Bigla naman ako namula nung narinig ko yung pangalan ko. Pinipigilan ko ngumiti at 'di mamula sa harap ni Borj at ng maraming tao pero hindi ko mapigilan? Napailing na lang sila Kuya Yuan at Junjun habang natugtog. Sila Missy at Jelai kanina pa natili sa table namin.


"Thank you, guys! Now, let's party!" Pagkasigaw ni Borj tumugtog na din ang pamparty na tugtog at sumunod na din sa stage sila Missy at Jelai. "Grabe yon, Borj! May pasurprise ka pa lang ganoon sa sis namin ah!" Biro ni Jelai kay Borj. "Kaya nga Jelai eh. Mga galawan yan ni Pareng Borj ang swabe! Smooth lang" Dagdag pa ni Junjun.


Gmik SHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon