Roni's POV
"Pareng Borj at Yuan, nakita niyo na ba yung project natin sa marketing?" Tanong ni Junjun habang nagchecheck sa laptop niya.
It's been a month after ng highschool night at nandito na naman ulit ang buong barkada sa bahay nila Tonsy para tumambay at gumawa ng mga requirements sa school. Kami ni Borj nakaupo dito sa mahabang sofa habang si Jelai ay nakaupo doon sa small sofa at nakasandal naman sa legs niya si Junjun. Si Kuya at Missy naman ay nakasalampak sa carpet habang si Tonsy ay nag-aasikaso magdala ng pagkain namin dito sa sala.
"Kakabukas ko lang ng teams eh. Pinapabenta tayo sa nutrition month next week?" Ask ni Borj kela Junjun at Kuya. "Pwede kaya na makigrupo na lang ako sa inyo ni Yuan? Wala pa kasi ako masyadong kaclose sa mga kaklase ko eh" Pakiusap ni Junjun. "Oo naman pare, no problem. Samin ka na ni bayaw!" Pag agree ni Borj. "Thanks pare!" Sambit ni Junjun sabay apir kay Borj at Kuya
"Eh ang tanong ano ibebenta natin? Sabi dito required na healthy eh" Tanong ni Kuya. Agad naman siya nakatanggap ng batok kay Missy. "Alangan Yuan, nutrition month nga eh. Try niyo magbenta ng junk foods at tingnan natin kung hindi kayo ibagsak ng teacher niyo" Pagtataray ni Missy.
"Alam mo Missy bawal bumoses pag hindi naman ABM, okay?" Pambabara ni Kuya. "Ikaw talaga Kuya sinisimulan mo na naman si Missy. Kailangan niyo ba ng tulong?" Pagtatanong ko habang kinoclose ang laptop ko. "Oo sana Roni eh, kailangan na namin magpasa ng product ngayong araw eh" Namomroblemang sagot ni Borj.
"Oh habang nag iisip kayo diyan may dala kami nila Roni ng pandesal. Binake namin yan nila Missy kaninang umaga! Masarap yan!" Abot ni Jelai sa table nung mga tinapay. "Pandesal? Sawa na ba kayo sa mga binebake niyong cookies?" Biro sa amin ni Tonsy. "May special sa pandesal namin ah! May malunggay at cheese to no. Oh diba ang sarap?" Proud na pagpopromote ni Jelai sa mga pandesal na ginawa namin.
"Tama pandesal!" Sigaw ni Kuya. "Cheesy malunggay pandesal. Oh diba healthy?" Pagtatanong ni Kuya. "Mas healthy pa sa mga away niyo ni Missy pare" Biro ni Junjun habang nakain ng pandesal kaya napairap si Missy. "Nakita mo na naman ako, Junjun. Ibash ko yang pandesal na ibebenta niyo eh!" Sigaw ni Missy na nagpatawa sa amin lahat.
"Eh pandesal ko Missy gusto mo?" Banat ni Kuya na naging dahilan para mandiri ang reaction namin lahat. "Yuck! Ew! Gross ka talaga Yuan!" Napipikon na sigaw ni Missy habang kami tawang-tawa nila Jelai. Agad naman umakbay si Borj kay Kuya at nagsalita. "Alam mo pare last mo na yan okay? Baka masuka na si Missy sa'yo eh"
"Oo nga, Kuya! 24/7 mo na inaasar si Missy pati pagtulog mo, siya pa rin bukambibig mo!" Biro ko kaya binato ako ni Kuya ng unan. "Roni, h'wag ka imbento diyan. Diary mo ilalagay ko sa oven" Pagsusungit ni Kuya kaya natawa na lang kami lahat.
"Alam niyo boys pumunta na lang kayo bukas kela Roni if itutuloy niyo yang pandesal business niyo at para maturuan namin kayo kung paano gumawa" Suggestion ni Jelai. "I will go din para mataste test kung pasado" Sabi ni Tonsy. "Sige, ipapasa ko lang yung proposal sa prof namin para maapprove agad at hindi na kami maunahan sa pandesal" Sabi ni Borj.
"Oh edi okay na tayo no? Uwian na!" Sabi ni Kuya at nagligpit na ng gamit. Naglakad na lang kami pabalik sa bahay at ang unang dinaanan ay ang bahay namin. Buong barkada ay busy magpaalam kay Kuya habang si Borj ay pasimpleng lumapit sa akin. "See you tomorrow, Roni" Nakangiti niyang paalam sa akin.
"See you din, Borj" Paalam ko. Nagkangitian naman kaming dalawa at late na namin napansin na pinapanood pala kami ng buong barkada. "Missy, alam mo to?" Tanong ni Junjun. "What's that Junjun?" Tanong ni Missy. "Langgam, Missy. Nilalanggam na kasi tayo dito dahil sa dalawang yan. Hoy magkikita pa kayo bukas ah!" Sigaw sa amin ni Junjun.

BINABASA MO ANG
Gmik SHS
Fiksi PenggemarThe sequel to G-mik Book 1. This is the Wattpad version of the Tiktok serye au "GMIK SHS". There will be minor changes/scenes in the story since it is more detailed but it will still the same ending. If you came from Tiktok, thank you for extending...