Roni's POV
"Oh ang aga mo ata ngayon, Roni. Saan punta mo?" Tanong sa akin ni Kuya habang nababa ako ng hagdanan. Maaga ako nagising ngayon para magprepare ng mga kailangan ko sa rehearsal namin. Naabutan ko pa nga sila Mommy nung umalis bago ako naligo. "Pupunta ako ng school, Kuya. May rehearsal daw kami eh" Sagot ko kay Kuya habang inaayos ang skirt ko.
"Nagpaalam ka na ba kela Mommy? Tsaka sino maghahatid sa'yo?" Tanong ni Kuya bago uminom ng gatas. "Oo naman, Kuya. Nagpaalam na din ako sa kanila na kay Borj ako sasabay ngayon" Sagot ko habang nakasimangot. "Oh bakit ka nakasimangot diyan?" Napairap na lang ako sa tanong ni Kuya. Naalala ko na naman kasi na kasama din namin si Trisha!
"Hay na'ko Kuya! H'wag na natin pag usapan baka mas lalo lang masira ang umaga ko" Pagsusungit ko bago uminom ng tubig. Napakibit balikat na lang si Kuya at sabay kami nag umagahan ng biglang may kumatok sa pinto namin. "Roni, buksan mo na" Utos sa akin ni Kuya. "Ikaw na lang, Kuya" Utos ko pabalik kay Kuya habang nakain ng hotdog. "Wow Roni! Utos ko ako din gagawa. Ikaw na kasi!" Pagpupumilit ni Kuya.
"Eh Kuya tinatamad ako. Sige na please?" Pagmamakaawa ko. Alam ko naman na weakness to ni Kuya kaya kusa na siyang tumayo sa upuan at dumeretyo sa upuan. "Oh Pare! Ang aga mo ah! Pasok ka" Bati ni Kuya. "Hoy Roni! Bilisan mo na diyan nandito na si Borj" Pagmamadali sa akin ni Kuya. "Eto na nga Kuya oh tapos na" Pagtataray ko saka deretyo sa CR para mag toothbrush.
Nag ayos na muna ulit ako para magretouch at kinuha ko na agad ang bag ko para makaalis na kami. Pagbaba ko nakita ko pa naguusap pa sila Kuya at Borj kaya umubo ako sa harap nila para mapansin nila ang presensiya ko. "Ay Roni kanina ka pa ba diyan? Hindi na namin napansin sa sobrang bagal mo kumilos" Pang aasar sa akin ni Kuya. "Ikaw talaga, Pare! Aasarin mo pa. Uhm Roni let's go?" Aya sa akin ni Borj na agad ko naman tinanguan at lumabas agad ng bahay.
Narinig ko pa sila nagbubulungan ni Kuya bago lumabas ng bahay. "Pare ano ba pinakain mo sa kapatid mo? Bakit ang sungit sa akin?" Bulong ni Borj. "Malay ko diyan! Okay naman yan kanina eh nakita ka lang allergic ata sa'yo" Pagbibiro ni Kuya. Agad naman ako tumingin sa kanilang dalawa. "Ay oo pre! Alam mo yung latest na NBA cards? Ang ganda no?" Pag iiba ng topic ni Kuya na inagreehan naman ni Borj.
"Papalusot pa kayo huling-huli na. Hindi pa ba tayo aalis?" Pagsusungit ko. "Aalis na, Roni! Ikaw kasi pare eh! Maya na lang" Paalam ni Borj kaya nagpaalam na sa amin si Kuya at pumasok na din sa loob ng bahay. "Uh-- Good morning, Roni" Bati sa akin ni Borj habang naglalakad kami papunta sa kotse niya. "Anong good sa morning, Borj?!" Pagtataray ko sa kaniya.
I'm sure na kaya good mood si loko dahil makikita niya na naman yung ex niyang si Trisha. "Ang aga-aga napakainit na ng ulo mo" Biro naman niya sa akin. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Sino ba naman 'di iinit ang ulo kung gagawin ka third wheel?! "Tatayo na lang ba tayo dito sa bahay namin o susunduin na natin si Trisha?" Tanong ko sa kaniya. "Ang sungit naman ne'to" Bulong ni Borj.
"May sinasabi ka?" Pagtatanong ko habang nakataas ang kilay. Agad naman natawa si Borj. "Sabi ko nga aalis na tayo" Sagot niya sabay bukas sakin ng pintuan sa kotse sa harap. Pagkarating namin sa bahay nila Trisha, agad naman namin nakita si Trisha na nakatayo sa harap ng gate nila. Binaba naman ni Borj yung bintana sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Gmik SHS
FanfictionThe sequel to G-mik Book 1. This is the Wattpad version of the Tiktok serye au "GMIK SHS". There will be minor changes/scenes in the story since it is more detailed but it will still the same ending. If you came from Tiktok, thank you for extending...