Roni's POV
It's been a week after namin mag enroll sa school at nagsimula na din ang pasukan namin. Ngayon ay busy ako gumawa ng pancakes sa kitchen kasama sila Jelai and Missy dahil napag-usapan ng barkada na dito magbreakfast. "Nandiyan na ba si Tonsy? Siya nagplano na dito tayo magbreakfast kela Roni diba" Tanong ni Jelai kela Kuya. "Wala pa eh pero papunta na daw siya dito" Sagot ni Junjun.
"Speaking of Tonsy, nandiyan na siya" Pagsabi ni Borj ay pumasok na nga si Tonsy sa bahay. "Hello guys! Good morning! Kumpleto na pala tayo hahaha sorry late" Pagaapologize ni Tonsy habang nakamot sa batok. "Okay lang Tonsy, kakatapos lang din namin nila Roni magluto ng food. Tara guys let's eat?" Aya ni Missy sa mga boys kaya nagtulung-tulungan na kami ilagay sa table yung mga pagkain. Bibitbitin ko na sana yung isa pang plato na may corned beef ng biglang kinuha ni Borj pati yung hawak ko na platong may scrambled egg. "Ako na Roni. Umupo ka na doon"
"Ang aga niyo dumating dito kela Yuan ah" Comment ni Tonsy habang kumukuha ng sinangag. "Na'ko Tonsy! Si Borj pa nga nagbukas ng gate namin kanina sa sobrang aga" Reklamo ni Kuya Yuan. "Syempre pare sarap ng breakfast niyo dito eh" Compliment ni Borj sabay tingin sa akin kaya bigla naman ako namula.
"Umagahan ba talaga namin pinunta mo o kapatid ko?" Pambabara ni Kuya kaya napailing na lang ako at sumagot sa kaniya. "Ikaw talaga Kuya napakamalisyoso mo no? Ikain mo na lang yan ng hotdog!"
"Kaya nga Roni eh! Buti pa nga si Borj maparaan eh. You're so sweet, Borj! Kilig so much!" Kilig na kilig na sambit ni Missy. "Asus! Inggit ka ba Missy? Gusto mo sa inyo na'ko lagi magumagahan eh" Biro ni Kuya kaya halatang napipikon na naman si Missy. "Sure Yuan! Magbreakfast ka samin dog food ipapakain ko sa'yo" Sarcastic na sagot ni Missy na naging dahilan para matawa kami lahat.
"Hay na'ko ang aga niyo magbangayan Missy ah! Anyways, ano pala yung sasabihin mo sa amin Tonsy?" Tanong ni Jelai after uminom ng juice. "Aalukin ko sana sila Yuan, Borj and Junjun na tumugtog sa highschool night na inaayos ng student council. They want to party muna before our school starts eh. Ano g ba kayo?" Pagtatanong ni Tonsy kela Kuya.
"G lang ako pero saan kami magpapractice? Unahan ko na kayo ah. Bawal samin baka magising si Mafi sa ingay" Pagpapaliwanag ni Junjun. "Edi dito na lang kela Yuan" Suggestion ni Borj habang nasubo ng pancake. Agad naman kumunot ang noo ni Kuya.
"Anong samin? Gusto mo lang sumegway panliligaw mo sa kapatid ko eh. Mga galawan mo Borj sobrang bulok!" Pambabara ni Kuya. After pala namin maglaro ng icing last week, pinaalam na din ni Borj kay Kuya at kela Mommy na liligawan niya ulit ako. Hindi naman umalma si Kuya pero halatang mas protective siya sa akin ngayon.
"FYI ikaw ang bulok Yuan no! By the way, Roni dito na lang tayo sa house niyo gumawa ng mga assignments natin ah? Masyado kasi magastos if sa coffee shops pa tayo tatambay!" Suggest ni Missy. "Sure Missy! Ikaw ba sis sasama ka sa amin?" Tanong ko kay Jelai. "Oo naman sis, magpapaalam lang ako kay yaya and daddy."
"Oh nandito din pala mga girls eh. Osiya sige na dito na din tayo Junjun at Borj. Tonsy punta ka din ah!" Aya ni Kuya kaya lahat kami nagreact na parang nagtataka. Ano nakain ne'to ni Kuya at biglang nagbago ang desisyon? Parang bato lang to kanina sa desisyon niya tas ngayon papayag na siya?
"Sus Yuan, pumayag ka lang na dito tayo sa bahay niyo kasi nandito lagi si Missy. Mga galawan niyong mag bestfriend sobrang bulok no?" Pambabara ni Jun-jun kaya natawa na lang kami nila Tonsy habang sila Borj at Kuya ay nagkibit-balikat lang.
BINABASA MO ANG
Gmik SHS
FanfictionThe sequel to G-mik Book 1. This is the Wattpad version of the Tiktok serye au "GMIK SHS". There will be minor changes/scenes in the story since it is more detailed but it will still the same ending. If you came from Tiktok, thank you for extending...