Chapter 6

137 18 6
                                    

Roni's POV

"Ubos na ang paninda natin! Pwede na tayong umuwi!" Natutuwang sigaw ni Kuya habang binibilang sa kamay niya lahat ng mga kinita nila sa business nila. "Thank you guys ah! Successful ang Hot Boyz Pandesal!" Proud na sabi ni Kuya.


"Hot din ulo ng mga girls natin eh sa kagagawan mo Yuan!" Reklamo ni Junjun kay Kuya. "Pero thank you ulit sa inyo Missy ah! Lalo na sa'yo Jelai" Paspecial ni Junjun kaya eto namang sis ko kilig na kilig sa tabi ko kaya kinantyawan namin siya.


"Wala yon, Junjun. Basta siguraduhin mo lang na walang humawak diyan kasi kung oo na'ko!" Biro ni Jelai kaya natawa kami buong barkada. "Ikaw talaga Jelai ang hilig mo talaga magbiro no?" Hirit ni Junjun sabay akbay sa sis ko. Bigla naman umubo si Kuya at tumabi kay Missy.


"Missy, thank you din ah kahit buong araw mo ko sinungitan" Ngiting ngiti pagpapasalamat ni Kuya. Napairap naman si Missy. "Nagtethank you ka ba sakin or nagrereklamo?" Pagtataray ni Missy kaya napakamot na lang sa batok si Kuya.


"Eto naman mga girls natin 'di mabiro. Suyuin niyo nga yan Yuan ng maayos!" Hirit naman ni Borj. Agad naman napatingin sa akin si Junjun. "Aba parang wala ka susuyuin diyan Borj" Biro ni Junjun. "Paano susuyuin ni pareng Borj? Eh World War 2 pa sila nung isa diyan" Pagpaparinig sa akin ni Kuya.


"Kuya, baka nakakalimutan mo na nandito ako oh" Sarcastic na sabi ko kaya nag acting naman to si Kuya na parang ngayon lang ako napansin. "Oh Roni nandiyan ka pala? Hindi kita napansin buong araw eh" Sarcastic na kausap sa akin ni Kuya kaya nagmake face lang ako sa kaniya.


"Hindi mo talaga mapapansin yan pare. Syempre, busy sa isa" Pagpaparinig ni Borj. Agad naman kumunot ang noo ko. "May sinasabi ka Borj?" Sarcastic na tanong ko sa kaniya. "Wala, sabi ko hindi rin kita napansin buong araw Roni" Nang aasar na sagot niya sa akin kaya napacross arms ako.


"Paano mo ko mapapansin? Eh busy ka makipagsales talk kanina sa ex mo eh. Nabenta mo ba pandesal mo? Halatang enjoy na enjoy ka kanina eh" Diretyang tanong ko sa kaniya. Sasagot pa sana siya pero pinigilan na siya ni Tonsy. "Guys, parang ang init ng atmosphere dito ah. Hindi ba dapat magcelebrate tayo kasi naging successful tong business niyo?" Pagchechange topic ni Tonsy.


"Tama ka diyan pareng Tonsy! Hayaan mo yang dalawa na yan mag bangayan diyan" Sabat ni Kuya kaya binatukan naman siya ni Missy. "Ikaw kaya may kasalanan diyan Yuan!" Sigaw ni Missy. "Aray naman Missy! Ako na naman nakita mo ah. Crush mo siguro ako?" Tanong ni Kuya habang nagpapacute. "Kapal ng face mo, Yuan! Tse" Pagtataray ni Missy.


"Tara na magpack up na tayo! Nandiyan na din sila Tito Charlie sa parking para abangan tayo sa mga gamit na dala natin" Sabi ni Jelai kaya nagkaniya-kaniya na kami ng linis. Nagbubuhat ako ng mga boxes ng bigla ko inalalayan ni Borj. "Ako na dito" Utos niya na hindi ko naman sinunod. Akala ko ba hindi kami bati? Bakit niya ko tutulungan ngayon aba


"Kaya ko na'to" Pagpupumilit ko. "Roni, ako na nga. Tumulong ka na lang doon kela Missy" Sabi sa akin ni Borj. "Nauna ako dito, Borj. Hindi ko naman gagawin to kung hindi ko kaya eh" Pakikipag away ko sa kaniya. Sasagot pa sana siya ng biglang may tumawag sa akin. "Roni!" Agad naman ako napatingin. "Basti?" Nagkangitian naman kaming dalawa pero biglang may umubo sa harap ko.


"Ah-- Borj, diba ikaw na? Oh eto na. Thank you!" Sagot ko sabay bigay sa kaniya at lumapit kay Basti. "Uuwi na ba kayo? Mukhang maaga naubos mga paninda nila Yuan ah!" Tanong sa akin ni Basti. "Oo eh, nag aayos na lang kami tas baka gumala after dito. Gusto mo ba sumama?" Tanong ko habang tinitingnan yung reaction ni Borj. Kada natingin siya sa amin sinisigurado ko na ngumiti habang kausap si Basti at iniiwas ang tingin ko.


Gmik SHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon