Chapter 5

436 28 18
                                    

Roni's POV

"Sa wakas nakarating din kayo! Akin na ako na magbubuhat ng mga tinapay" Bungad sa amin ni Kuya pagbaba sa kotse ni Missy.


Nagstart na ang nutrion month celebration sa school namin at nagsimula na din ang pagbebenta nila Kuya. Medyo nalate na nga kami nakarating sa school dahil natagalan kami sa traffic. "Oh Kuya bakit mag isa ka lang? Nasaan sila Borj?" Tanong ko habang inaalalayan siya papunta doon sa food stall nila. "Bumili ng cartolina sa book store. Kinulang kasi kami sa pagdedecorate" Sagot sa akin ni Kuya habang inaayos mga tinapay.


"Wow! Nahiram niyo yung megaphone ni Tita Elsie?" Tanong ni Jelai habang hawak yung megaphone. "Si Junjun kumuha niyan sa bahay nila. Pang hatak daw ng mga customers dito sa school. Pahiram Jelai! Tatry ko" Sabi ni Kuya kaya binigay naman ni Jelai yung megaphone at tinurn on na ni Kuya. "Mic test 1,2,3." Pagtetesting ni Kuya na naging dahilan para makuha niya yung attention ng mga students na naglalakad sa cat walk.


"Bili na kayo sa amin! Hot boys pandesal for sale! Buy 10 pcs free hawak sa pandesal namin nila Borj Jimenez at Junjun Dela Cruz! Bili na ka--" Agad naman naputol si Kuya sa pagsasalita ng biglang hinablot ni Jelai yung megaphone. "Ano sinabi mo? Free hawak sa pandesal niyo? What if sunugin ko paninda niyo Yuan?" Pagtataray ni Jelai. "Tsaka hello? Ikaw Yuan may pandesal? Baka pandebilbil meron!" Pambabara ni Missy.


"Eto naman sila Jelai napipikon agad! Ganoon lang talaga magbenta para lumago ang negosyo. Diba Roni?" Pagtatanong sa akin ni Kuya. "Excuse me, Kuya? Idadamay mo pa ko diyan baka ikaw ilagay ko sa oven" Pagsusungit ko. "Kayo talaga ang OOA niyo-- Oh Borj at Junjun! Bakit ngayon lang kayo? Bibili lang naman ng cartolina inabot pa kayo ng mahigit isang oras" Sabi ni Kuya.


"Napahaba lang yung pila, Yuan. Oh eto na yung cartolina" Sagot ni Junjun sabay abot ng cartolina kay Kuya. "Hi Roni! Nandito na pala kayo. Sana nagsabi ka para nagmadali kami pumunta dito ni Junjun" Bati sa akin ni Borj. Inirapan ko lang siya. "Obvious naman na nandito na kami diba? Tsaka pwede ba Borj h'wag mo naman masyado ipahalata na excited ka" Pagtataray ko. "Syempre naman, Roni. Sino ba hindi maeexcite? Eh makikita kita" Banat pa sa akin ni Borj.


"Puro naman bola 'to si Borj. Kunware pa na sa amin kayo naeexcite eh" Pagdadabog ni Jelai kaya lumapit naman sa kaniya si Junjun. "Bakit naman Jelai? Ang init ata ng mga ulo niyo ang aga-aga ah" Pagtatanong ni Junjun. "Paano ba naman hindi iinit ulo namin? Mga papromo niyo dito sa negosyo niyo puro kalandian!" Sigaw ni Missy kaya napangiti naman si Kuya.


"Selos ka naman Missy? Sabi na nga ba eh don't worry ikaw lang makakahawak ne'to" Biro ni Kuya habang tinataas ang uniform niya na agad ko naman tinapik. "Ikaw talaga Kuya ang promoter eh!" Pagsusungit ko. "Kesyo buy 10 free hawak sa mga pandesal niyo sa katawan?!" Dagdag ni Jelai. "Akala niyo naman may mga pandesal" Pagtataray ni Missy.



"Oh guys what's happening here? Nakakunot na agad mga noo ng mga girls natin na'ko binadtrip niyo na namang tatlo no?" Singit ni Tonsy. May hawak pa siyang mga papel at folder. "Hoy Tonsy! Labas ako diyan ah" Pagmamalinis ni Borj kaya mas lalong kumunot ang noo ko. "Labas mo mukha mo Borj! For sure, natutuwa ka din sa idea ni Kuya!"


"Roni naman eh alam mo naman na exclusive lang sa'yo to eh" Suyo sa akin ni Borj habang tinatapik ang biceps at abs niya. Inakbayan din ni Junjun si Jelai. "Akin din Jelai hehe gusto mo ikaw pa magbilang eh" Banat ni Junjun kaya agad naman tinanggal ni Jelai yung akbay niya. "Ewan ko sa'yo Junjun. Hindi ka kamo nakakatuwa" Sarcastic na sagot ni Jelai.


Gmik SHSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon